Chapter Nineteen:

115 0 0
                                    

"Please, nagmamakawa ako sa iyo, ija, inurong mo na ang demanda sa anak ko." Sabi ni nanay kay Danica

"Heh, inurong? Bakit? Ang kamao niya ba na sinuntok sa mga kapatid ko, naisip niya bang iurong ang mga iyon bago padapuin sa mga mukha ng kapatid ko? Hindi, diba? Kaya HINDI. Hinding-hindi ko iuurong ang demanda riyan sa anak niyo." Punong puno ng galit ang dibdib ni Danica

Ang sakit-sakit pala nito sa dibdib, ang makitang puro galit ang nasa mata ng kapatid mo para sa asawa mo. Tahimik lang akong nakikinig sa likod ni nanay.

"Huwag niyo ngang kinokonsente ang anak niyo. Kaya tumanda iyang baluktot ang paniniwala sa tama at mali dahil kinukonsinte niyo ee." Patuloy pa ni Danica

"Bilang isang ina, ito lang ang alam kong paraan para matulungan siya." sabi naman ni nanay

"Sige, iuurong ko ang demanda pero sa isang kondisyon." Napatingin ako kay Danica dahil sinabi niya, oo nabuhayan ako ng loob pero agad ding napawi ng sabihin niya ang tinutukoy

"Kung puputulan siya ng ari rito mismo sa loob ng presinto." Nagtawanan ang mga nakarinig na pulis at mga tao sa paligid.

Hindi ko na kinaya pa ang usapan kaya lumabas na ako at umuwi. So much for this day.

Umuwi ako sa bahay at tahimik na nagdasal.

"Dear Jesus, I implore you by the meekness and love of your Sacred heart to bestow your most precious gifts and graces on those who cause me pain or have ever hurt me in the past.

Forgive them Lord, if by chance they have offended you; or if they have shown me their dislike, show them your loving face. Give them, O Lord, your blessing in return for words they speak against me either to my face or behind my back and if some bear a grudge against me, for any reason whatever, pour into them your holy love.

In order that, while bearing my crosses, I may be pleasing to your Sacred heart, give me patience and meekness, love and courageous perseverance. I offer you these acts of sincere love together with all the troubles they might cause me. I offer them for their happiness, for their greater virtue and that they may reach a higher degree of eternal glory.

I offer them in union with the sufferings of your Heart and with the love with which you have loved and still love all who have inflicted pain on you. Jesus, accept my services and in your infinite mercy have mercy on me. Amen."

Nagbakasyon kami ni Mikie sa Ilo-ilo, hindi sumama si Danica sa amin, ang sabi niya lang "Bumalik ka kung nakapag-isip-isip ka na habang wala ka pa I'll make sure na matutuloy ang kaso laban sa ex-husband mo."

Information overload ang dahilan kung bakit naisipan kong mag-unwind muna... kinausap ako ng kapitbahay kong nagtitinda ng halo-halo sa harap ng bahay "nakikita kong dinadala riyan ni Baldo ang babae niya, minsan nga naka-uniform pa ang babae."

"Bakit hindi niyo agad sinabi sa akin?" nanlulumo kong sumbat

"Mas maganda kasi ma'am kung kayo mismong makahuli, ang pangit naman kung sa amin manggagaling, baka isipin niyo pang sinisiraan namin ang asawa niyo, mukha pa kaming chimakers." depensa niyang sagot

"Tao po." Sigaw ni Mikie sa may gate ng bahay ni tita

"Tita!" excited kong sabi nang makita siyang palabas

"How are you darling?" nakangiti nitong sabi bago ko inabot ang kamay niya para magmano

"Godbless you ija."

"Tsk. I'm not fine tita, masyado na akong stress lately." Parang bata kong sumbong sa kaniya, isa siya sa mga kapatid ni mama

"Hali kayo at pag usapan natin iyan sa loob."

"Wow! gumanda lalo ang bahay mo tita, kayo po kumusta?"

"Heto ayos lang, kaya pala pakiramdam ko ayaw kong umalis ng bahay, may nangangailangan pala sa akin. haha" natatawa niyang sabi habang papasok kami

Naikwento ko ngang lahat nang nangyayari sa buhay ko habang tahimik lang siyang nakikinig, basang basa na rin ang paniyong hawak ko kakaiyak sa harap niya. For the first time may nalabasan ako ng totoo kong nararamdaman.

"Hindi kita masisisi o nang sinoman kung pipiliin mo pa ring balikan ang asawa mo. Asawa mo siya ee, nagsumpaan kayo sa harap ng mga tao, sa harap ng Dios at sa batas kayo ang mag asawa.

Huwag mong isipin ang iisipin sa iyo ng mga kapatid mo o nang sinoman sa paligid mo tungkol sa magiging decision mo. Basta sundin mo ang sinasabi ng puso mo, kung kaya pa ba ng puso mong tanggapin at unawain nang paulit ulit ang asawa mo kahit deep inside alam mong pwede pa rin siyang bumalik sa nakagawian niya na.

Be strong ija, hindi ka nag-iisa. Maraming taong nagmamahal at pinipiling magmahal sabila ng sakit na paulit-ulit nilang natatanggap. Kung kaya mo pa, go. Magmahal ka hanggang sa ang puso mo mismo ang sumuko. Afterall, life is all about love." Napakaseryuso at sincere na payo ni tita Leah.

Hindi na matigil ang luha ko sa sobrang blessed dahil meron pa rin palang isang taong naniniwala sa akin. Nasusoporta ano man ang maging decision ko.

"Thank you tita, I owe you this."

"Maliit na bagay ija, bukas maligo tayo sa beach para makalanghap tayo ng ibang tanawin."

Sa siyam na nag disapproved sa decision ko, masaya na akong may isa pa ring approved.

Nang makabalik ay inasikaso ko ang mga papeles para sa loan. OO maglo-loan ako para may pam-piyansa sa asawa ko.

Bahala na kung anong sasabihin ng iba.

Bahala na rin kung isang daan na lang ang sweldo ko monthly basta gusto ko makasama ang asawa ko.

After a week bago na approbahan ang loan ko. Agad kong inasikaso ang paglaya ng asawa ko.

Isang mahigpit na yakap ang binigay niya sa akin paglabas niya saka niya ako siniil ng halik kahit nakatingin pa ang ilang mga pulis na on duty.

"I'm sorry." Huminga lang ako ng malalim bago siya hinila papunta sa motor ko na nakaparada sa tabi ng police station.

Wala kaming imikan hanggang marating kami ng bahay.

Kababa ko pa lang ng bag ko ng tumawag si Danica. Napansin ko agad na nanginginig ang kamay ko habang nakatingin screen.

Kulang ang salitang nervous at takot para I decribe ang nararamdaman ko sa pagharap sa galit ng kapatid ko.

Hindi pa ako nakakasabi ng 'hello' nakaratrat na ang bibig ni Danica.

"Nababaliw ka na ba? Bakit mo siya tinulungang makalabas?" pasigaw niyang tanong, wala na ngang respeto ang kapatid ko sa akin dahil sa ginawa ko.

"Dahil asawa ko siya, nagsorry na rin naman ang tao." Mahinahon pero may diin kong sagot

"TANGA!" gusto ko sanang ilayo ang phone sa taenga ko, sobrang sakit kasing marinig iyon mismo sa kapatid ko

"ANG TANGA-TANGA MO ATE, ALAM MO BA IYON? HUWAG KA NG LALAPIT SA AMIN KAHIT KAILAN. KALIMUTAN MO NA LANG NA MAY KAPATID KA PA.!" pakiramdam ko namingi ako ng tuluyan sa mga sumunod niyang sinabi bago ako pinatayan ng phone.

Hinang-hina ang katawan kong naupo sa sofa bed. Mabuti na lang at inabotan ako ng isang basong tubig ng asawa ko habang matamang nakangiti sa akin.

"Magkaka ayos din kayo." Sabi niya habang hinahaplos ang likod ko.

Hindi ko na napigilan ang tuloy-tuloy na pag-agos ng luha ko.

God, everything is so unsurmountable. Please heal me.

------------

"That's what makes breaking up so hard to do. You know it's time to go, but love just won't let you walk away. Real love wants you to give them another chance, to try just one more time to make it work, even when deep down inside you know...he'll never change." -Mr. Amari Soul

------------

--------------------

A/N: Update is whenever.

Thank you for reading committers! Until next time!

--------------------

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon