Chapter Twenty-Six:

91 3 0
                                    

Kaway-kaway kina Committers jettemhyra, sam_sam1899, user04582182, reynog, MarkMartinez896, PrettyMaldita21maribeltan79, jennilyntin, elsaBazquia, Moreres909234, Dantelazar, DeyahSumile, LCSanpedro, domokobe, QueenmarryArizapa, RinalynJintalan, JoySapphire, lovelynaces, Jhenanthzkie, lindypretty, sexyhen, bella0519, aileengipgano, Mandie-Lim, janinerosebenignos37, arleensaromines, and Riseki.

Gusto ko lamang po magpasalamat sa pag-add nyo ng commit series sa library nyo. Hope you guys enjoy reading my stories kahit maraming typo errors at mga lame na scene haha.

Happy reading Committers!


Habang nasa labas siya'y nag impake naman ako ng bihisan namin mamaya sa plano kong swimming. Saka sinalansan ng mabuti ang mga pinamili namin kanina para kay baby.

"Halo-halo time!" Bungad niya sa may pinto, sakto namang tapos na rin ako kaya tumuloy ako sa kusina para kumuha ng dalawang kutsara.

"Subuan mo ako mahal?" Nakapout niyang sabi

"Sabi ko na sayo huwag kang mag pout, ang pangit mo! At Mr. kapag sinubuan kita baka sabaw na mamaya kakainin ko. Saan ang hustisya sa palamig?"

"Naglalambing lang naman. Susubuan naman kita ee." Nagtatampo niyang reklamo

"Ok. Say ahh!" Sabi ko habang naka-abot na agad ang kutsarang may lamang halo-halo

"Ang motor ko na lang gamitin natin. Hatid muna natin sa bahay ang gamit bago magdalaw kay baby." Suggestion niya habang kumakain. Tumango naman ako. Iyon naman talaga ang plano ko kanina, ang kargahin na lang ang gamit papunta sa bahay para naka-angkas na lang ako sa kaniya. Tipid pa sa gas.

"Ma'am, may gusto po ba kayo para sa dinner mamaya?" Tanong ni Manang Selya ng maghatid kami ng gamit

"Hmmm nothing particular Manang, kung ano lang po nakaplano niyong lutuin. Di naman kami maselan sa pagkain." Sagot ko kahit may naiisip akong gulay para mamaya

"May pipino at kamatis diyan?" Tanong ko na lang para makabili kung wala

"Kamatis po meron pero pipino wala na."

"Aw sige. Magbili na lang ako mamaya. Gusto kong magpapak mamaya. Tuloy muna kami Manang."

"Sige po ma'am. Ingat po kayo. Magluto po ako ng Seafood kare-kare." Sabi niya na ikinaaliwalas ng mukha ko

"Masarap po iyon manang!" Excited kong sabi

Tumagal kami ng dalawang oras kay baby dahil binasahan ko ng kwento. Makakatulong daw iyon para mafamiliarize siya sa boses at presence ko.

At tulad ng plano, dumaan muna kami sa palengke para bumili ng pipino bago umuwi. Alas syete na ng kami dumating at nakahanda na rin ang hapunan kaya binalatan na lang ni Marie ang pipino at ako naman sa kamatis. Habang hinihiwa ni Marie ang pipino ay gumawa naman ako ng sawsawang suka na may asukal at durog na paminta. Do you know what it taste? It's delicious.

"Maghahanda po ba ma'am sa pag-uwi niyo rito nila baby?" Tanong ni Manang habang ninanamnam ko ang sarap ng kare-kare niya kaya di ako nakasagot agad

"Mmmm ang sarap niyo magluto manang. Ahm ang sakto lang po sa atin. Bili na lang siguro ng cake na pa welcome kay baby. Nga po pala, ang mga gamit ni ma'am Lanielyn niyo paki bilhan ng storage box. Meron bang basement itong bahay niya?"

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon