Chapter Eleven:

120 0 0
                                    

#ReniLaarnyVow #ReniLaarnyNuptial #ReniLaarniyonion

"Ate relax lang, maaga pa pinagpapawisan ka na, nalulusaw make-up mo oh." Saway ni Dianne na siyang punong abala sa pag make over sa mukha ko

"Kasalanan ko bang brown out? Ang init init kaya!"reklamo ko naman

"Oh heto na po, huwag na mag-away, magpapaypay na ang iniyong abang aliping sagigilid" sabi naman ni Donna na may dalang takip ng tumbler na kasing laki ng bilao

"Thanks don-don."sabi ko na lang bago pumikit para maayos ang eye shadow ko.

***

"Anong oras ba 'te ang appointment niyo kay Mayor?" naiinip nang tanong ni che

"Sabi ni morther, 12 noon daw." Tukoy ko sa nanay ni Reni,sabay – sabay pa kaming napalingon sa malaking orasan, malapit na mag 2PM, gutom na kaming lahat, mabuti na lang bumalik na ang kuryente, naka-electricfan na ako

"Bakit kaya na late si Mayor? Kawawa naman ang mga nasa labas, ang init init." Sai ni tatay habang nakatayo sa may pinto ng bahay

Ang lahat ng kapamilya kasama ng groom ko ay nasa labas, sa ginawang bahay-bahay para sa reception na ginamit ding venue ng sayawan kagabi

"Hay salamat, dumating na rin." dinig kong sabi ng mga tao sa labas,bakas ang pagka-inip, konti lang ang imbitado pero parang isang barangay ang dumating.

Sumulyap pa ako ulit sa orasan, 2:15 na, bakit nga kaya na late? Saka pa lang tumayo para dungawin ang panauhing pandangal

"Magandang hapon po. Ako poy humihingi ng malaking pasensiya sa iniyong lahat, dalawa pa po kasi ang ikinasal ko sa bayan." Mahabang paumanhin ni Mayora

"Bueno, bago po ako formal na magsimula, gusto ko po sanang magshare ng konting verse mula sa bible, e kahit po hindi tayo tao ng simbahan, hindi po magiging way to forever ang ating buhay may asawa kung walang Dios na centro ng relationship natin sa mga asawa. Agree po ba kayo roon?"

"Opo." Sang-ayon naman ng nakararami

"Ayon po sa, Corinto 7: 2-5; Ngunit para maiwasan ang pakikiapid, bawat lalaki o babae ay dapat magkaroon ng sariling asawa. Dapat tuparin ng lalaki ang tungkulin niya sa kaniyang asawa at gayon din naman ang babae.

Sapagkat hindi na ang babae ang may karapatan sa sarili niyang katawan kundi ang kaniyang asawa. Gayon din naman, hindi na ang lalaki ang may karapatan sa sarili niyang katawan kundi ang kaniyang asawa.

Huwag ninyong ipagkakait ang iniyong sarili sa isa't isa, malibang pagkasunduan niniyong huwag munang magsiping upang maiukol niniyo ang panahon sa pananalangin. Ngunit pagkatapos, magsiping na muli kayo upang hindi kayo matukso ni Satanas dahil sa hindi na kayo makapagpigil."

"Marami ang mga mag-asawa ngayon, hindi na nabibigyang panahon ang partner dahil sa sobrang kabusy-han, minsan pagod na pagod na sa maghapun, pag-uwi tulog na lang... lahat naman ng bagay nadadaan sa magandang usapan, basta lagi lang tatandaan na may tungkulin tayo sa ating asawa. iyon lamang po at Godbless sa iniyo Mr. & Mrs. Solomon." Nakangiting paalala ni Mayora bago nagseryuso

***

"Ladies and gentlemen, your gathered here of this glorious day to witness the union of Reni Solomon and Laarny Sumandal." Panimula ni Mayor bago tumingin kay Baldo

"Please repeat after me." Sabi ni Mayor saka humarap si Baldo sa akin. Nakangiti siya habang titig na titig sa mga mata ko and I swear, I can see his sincerity.

"I, Reni Solomon, take you, Laarny Sumandal, to have and to hold, for better for worse, for richer for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part. I do, love you."

"I, Laarny Sumandal, take you, Reni Solomon, to have and to hold, for better for worse, for richer for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part. I do, love you."

"Through the power vested upon me by the law, I now pronounced you, husband and wife. You may now kiss your bride." Nakangiting anunsyo ni Mayora na dinugtungan ng palakpakan at hiyawan ng mga nasa paligid.

Alas tres y medya na bago pa lang napakain, muntik pang mabitin ang pagkain dahil sa dami ng unexpected visitors. Dapat pala times 4 sa plano kung sa bario ka magpakasal. Lesson learned.

Gabi na halos bago natapos ang lahat ng seremoniya, hay salamat sa Dios, nairaos din.




--------------------

A/N: Sa totoong buhay hindi ako nakapag-attend ng kasal ni ate, kasi nakilala ko siya isang linggo na siyang kasal. I missed it for the world!

Thank you for reading committers! Until next time!

--------------------

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon