Chapter Thirty:

94 1 0
                                    

2 Years later

"Saan po diyan ma'am?" Tanong ng saleslady sa akin habang pumipili ako ng hikaw para kay lynlyn na hawak ko sa kamay

"With touch of green miss." Sagot ko

"Para po ba sa kanya?" Tukoy niya sa kinarga kong bata, tumango lang bilang sagot

"Kailan po ba birthday niya ma'am?" Tanong pa nitong muli na ikinakunot noo ko

"August 12"

"Ganito pong color kung isusunod sa birthday niya, malapit rin po sa green." Sabi niya habang pinapakita ang hikaw

"Magkano po pala pabutas?" Naalala kong itanong

"Libre na ma'am, hikaw lang po babayaran niyo."

"Sige. Kunin ko iyan."

"Sa counter na lang po ma'am ihahatid lang po namin doon tapos balik lang po kayo rito para ikabit natin." Naglakad na kami ni lynlyn habang nakasunod ang saleslady na may dala ng hikaw

"Huwag kang malikot nak ha? Tayo ka lang diyan, magbabayad lang ako." Bilin ko kay lynlyn habang matapos ko siyang ibaba ng makarating kami sa counter para makakuha ng pambayad sa wallet ko, meron pang ina-assist ang cashier sa harap ko pero ang alaga ko tumakbo na palayo sa akin.

"Lanielyn!" Tawag ko sa kanya, lumingon naman pero ngumiti lang. Napilitan tuloy akong sundan siya, sayang ang pila, ako na sana.

"Lynlyn, halika ka na." Tawag kong muli pero ngumiti lang ulit bago tumakbo na naman. Nang makita niya ako sa kasunod na line ng mga sapatos ay lumiko naman siya pabalik and vice versa tuwing makikita niya ako habang tumatawa. Tss.

"Anak, hindi ito playground." Nakakawala man ng poised ang pagtakbo pero ginawa ko na, maabutan lang ang malikot na bata.

Hays! Patintero ba ito?

Muntik naman siyang masubsob sa paa ng isang lalaki. Maagap naman akong lumuhod para kunin siya pero kasabay ko pala ang lalaki kaya nagka-untugan pa kami ng noo. Napahawak ako sa noo ko habang nakapulupot naman ang kanan kong braso sa baywang ni lynlyn para pigilan itong muli sa pagtakbo.

"Sorry Miss. Sorry baby. Are you guys ok?" Napa-angat naman ako ng tingin sa kanya

"Ayos lang. Pasensiya na, malikot kasi alaga ko." Hinging paumahin ko habang tumatayo

"Maliit na bagay." Sagot niya naman saka ngumiti

Gosh! Ang gwapo pala. Huli ko na napansin. Kaya natitig ako sa mukha niya bago napakunot noo. Saan ko siya nakita?

"You look familiar. Have we meet before?" Tanong ko na ikina-iling niya.

"How come I forget a beautiful lady like you? I don't think so." Sagot niya naman na may kasama pang kindat kaya napasimangot ako.

"Sige. Please excuse us." Kinarga ko si lynlyn at bumalik sa counter na ngayon ay may dalawa ng nakapila.

"Sabi ko sa iyo huwag kang umalis ee, natagalan tuloy tayo." Reklamo ko sa bata

"Lalagyan na ako ng hikaw ma?"

"Opo. Bayaran lang muna natin dito tapos balik tayo roon sa may mga hikaw para mailagay diyan sa ears mo."

"Tulad sa iyo mama?" Tanong niya pa nakatingin sa taenga ko

"Huwag kang umiyak mamaya ha? Medyo masakit iyon." Babala ko sa kanya na tumango lang habang mukhang nag-iisip.

Karga-karga ko siya hanggang sa makabalik kami sa puesto ng pinagkunan namin ng hikaw.

"Halika baby, markahan muna ni ate taenga mo ha?" Sabi sa kanya ng saleslady bago nilagyan ng dot ang magkabilang taenga ni lynlyn gamit ang pentelpen, bahagya pang yumuko si lynlyn.

"Huwag kang malikot nak, saglit lang iyan." Sabi ko para umangat uli siya ng tingin dahil titingnan kung pantay na

Tahimik namang sumumod si lynlyn habang nanunuod sa babae

"Ikabit lang ni ate ang hikaw sa taenga mo baby ha? Saglit lang po ito." Sabi niya habang itinututok ang mukhang baril na pinaglagyan ng hikaw

"In count of three. One, two, ..." Kasabay ng pagkagulat na rumishistro sa mukha niya ang pagsabi niya nh "ang sakiitttt!" Bago umiyak ng malakas paharap sa dibdib ko dahil bahagya akong nakaluhod sa sahig habang nakatayo siya.

Ano ba itong mall na ito, wala man lang upuan sa gilid?

"Sshhh" tangi kong nasabi habang hinahagod ang likod niya gamit ang kaliwang kamay ko dahil nakayakap sa kanya ang kanan. Nakaramdam naman ako ng kirot sa dibdib katulad noong kargahin ko siya para sa newborn screening niya para makunan ng dugo sa talampakan. Gusto kong umiiyak din sa sobrang sakit na nakikita ko sa mukha ni lynlyn at naririnig sa iyak niya.

"Sorry baby." Hinging paumahin ng saleslady na tulad ko'y namula rin ang mukha bago inayos ang isa pang hikaw.

"Tahan na baby ko. May isa pang ikakabit." Alo ko pero hindi pa rin tumigil kaka-iyak. Nagsisimula na akong pagpawisan sa mukha kahit malakas naman ang aircon ng mall dahil sa mga pares ng matang nakatingin sa amin. Naka-agaw na ng atensyon sa paligid ang iyak ni lynlyn.

"Come on baby, diba sabi ko kanina huwag kang umiyak? Tahan na please." Paki-usap ko bago siya hinalikan sa noo
"Bhe, pahawak." Tawag ng saleslady sa babeng kasama niya sa loob, alisto naman itong lumapit sa akin

"Ang ganda na ni baby. Mas lalong gumanda sa hikaw niya." Napasulyap ako sa nagsalita, siya lang naman ang naka-untugan ko kanina, di ko alam kung nilait niya anak ko o ano? Di naman nakatulong sinabi niya.

"Ma'am paki sandal niyo po siya sa dibdib niyo paharap dito." Sabi ng nag-a-assist sa amin. Pinilit kong iharap si lynlyn kahit pumapalag

"Isa na lang anak para tapos na."

"Ayaw ko!!!" Matigas niyang tanggi kaya hinawakan na ang dalawang kamay niya ng babaeng tinawag kanina para tumulong

"Sorry baby, tapos na po." Muling hingi ng paumanhin ng babae sa nasaktang bata na mas lalong lumakas ang pag-iyak.

"Huwag ng mag-iyak baby, mawawala rin ang sakit mamaya, look oh, ganda ng hikaw mo." Sabi ko pero no effect, hinayaan ko na lang siyang umiyak sa balikat ko habang hinahagod ang likod

Butil-butil naman ang pawis ko sa noo habang ginagawa iyon. Makalipas ang ilang sandali bago nagbigay ng trivia ang saleslady na naglagay ng hikaw

"Mainit pa po kasi yan." Parang gusto kong suntukin ang babae. Bakit ngayon niya lang sinabi? Di sana di ako nahirapang magpatahan.

Inihipan ko ang taenga ni lynlyn kabilaan bago lang ito tumigil sa kaka-iyak.

"Masakit pa?" Tanong ko makalipas ang ilang minutong pag-ihip, umiling naman siya kaya pinunasan ko ang mukha niyang basa ng luha at ang mukha kong basa ng pawis.

"Tara na! Punta tayo Jollibee!" Tumango naman siya bago ko inilapag para makalakad. Nakakapagod na rin kasing kargahin ang 14 kilos na bata. Masigla na siyang lumakad.

Mahal calling...

"Hello papa!" Masigla kong bati sa asawa ko

"Good noon ma'am, asawa niyo po ba may-ari ng phone na ito?" Napakunot noo ako sa narinig

"Heto nga, bakit po?" Sagit ko habang dhmadagundong na ang dibdib ko sa kaba. Natigil din si lynlyn sa paglakad at tumingala sa akin

"Paki puntahan na lang po siya rito sa provincial hospital, kasalukuyan po siyang nasa ER. Nabangga po ang sasakyan niya" nagsitayuan ang balahibo ko sa kamay

"Oh my God!" Tangi kong nasabi

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon