Chapter Eight:

123 0 0
                                    

#OtherParty

Pinagplanuhan na naming magpakasal sa darating na May kahit sa Mayor lang. Nakapagpamanhikan na rin ang mga magulang ni Reni sa bahay ng tatay ko. Napagkasunduan na ring doon na lang papuntahin si Mayor sa bahay para isagawa ang seremoniya at reception ng gaganaping kasalan.

Bumili na rin ako ng tela para ibigay sa mananahi kasama ng gusto kong design ng gown ko.

Si Danica na raw ang bahala sa invitation cards dahil sa wala siyang makitang mura pero maganda.

Hindi pala biro ang magprepare ng kasal.

Patulog na sana ako matapos naming magcanvass ni Danica ng suvenier nang marinig ko ang sigaw kong kapitbahay.

"Maam Laarny! Maam Laarny! Maam Laarny!"

Nagkukumahog akong bumangon para dungawin sa bintana si Mila.

Napakunot-noo ako habang pinag-aaralan ang kasama ni Mila, babaeng mga nasa kense aniyos pero mukhang ... buntis?

"Bakit po iyon ate Mila?" mahinahon kong tanong

"Hinahanap niya kasi asawa mo, kayo na lang mag-usap, iniwan ko lang mga bata. Mauna na ako." sabi niya bago tumakbo pauwi, hindi na ako nakapagpasalamat.

Lumabas ako ng bahay para pag-aralan ang panauhing pandangal. Somebody tell me,its just a big JOKE!

"Nandito po ba si Reni?" putol niya sa naghuhurumintado kong kamalayan

"Bakit mo siya hinahanap?" sagot-tanong ko habang nanginginig na ata ang boses ko sa kaba.

"Girlfriend niya po ako." halos pabulong niya lang sabi pero parang bomba sa pandinig ko. Bigla akong nabingi, literal na sumakit ang taenga ko.

Hindi ko ene-expect na ito ang alternative na sinasabi niya, gusto ko mag-ampon na lang o di kaya surrugate child.

Puno ng kaba ang dibdib ko habang sakay kami ng tricycle patungo sa pinag-o-ojt-han ni Reni.

"Paano mo nakilala si Reni?" tanong ko kay Lorraine

"Ipinakilala siya ng kaibigan ko sa akin, nakapunta rin siya sa bahay at nakilala na rin siya ng mga magulang ko." Mahina niyang tugon, halatang tinatantya niya ang bawat sasabihin.

"Kailan pa?" curios kong tanong

"February lang po."

April pa lang ngayon, kung ganun...?

"Ilang buwan na iyan?"

"Two months."

"Ibig mong sabihin, pagkita niyo, nagpachoke-chak ka na?" bulalas ko sa gulat. Yumuko lamang siya at hindi na umimik pang muli hanggang makarating kami kung saan na assigned si Reni.

Nakataligod si Reni ng makita ko siya.

"Halika!" sabi ko kay Lorraine bago hinawakan ang kamay niyang nanlalamig na.

Pero bago pa kami nakarating sa kinaroroonan niya ay napalingon na siya sa gawi namin. Hindi na siya nagdalawang isip pa, mabilis pa sa cheetah sa ilis ng pagkuripas niya ng takbo.

Napapa-iling-iling ako habang tinatanaw ang kaniyang likod.

"Iyon ba ang hinahanap mo?" tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa papalayong walang bayag kong groom

Unti-unti siyang bumitaw sa kamay ko para magpunas ng luha sa pisngi niya.

Iyon na rin ang huli naming pagkikita.





--------------------

A/N: Matuloy pa kaya ang kasalanan este kasalang Reni & Laarny?

Enjoy reading committers!

--------------------

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon