Chapter Three:

358 5 0
                                    

Kring kring kring

Napamulagat ako sa tunog ng alarm ko, natataranta pa ako sa pagkapa ng phone ko para patayin ang maingay na tunog.

Salamat Lord, Monday na namang muli.

Tuwing araw ng Lunes, alas kwatro ng madaling araw ako nagigising para makasabay sa maagang byahe ng bus papunta sa school kung saan ako sub teacher, sakto lang ang dating ko roon para mag attend ng flag ceremony.

Babalik ako ng Friday ng hapon para makasama naman ang mga kapatid ko rito kung saan sila nagsisipag-aral.

Maliit at huli man ang sahod, kailangang pagtyagaan para mabuhay ko ang ang mga kapatid ko at maging way na rin para maregular sa serbisyo. Sa panahon ngayon, kung wala kang back up, kailangan mo ng pampadulas para lang matanggap sa serbisyo kung wala sa dalawa magtiis ka kung kailan ka tanggapin.

"Danica, alis na ako, ikaw na bahala rito aa."paalam ko sa kapatid kong naghihilamos pa lang

"Sige ate, ingat."

"Sige." Palabas na ako ng pinto ng tawagin niya ako

"Ayy 'te, may extra ka pa riyan? may project akong kailangang i-submit ngayong Friday." Nag aalanganing niya pang sabi

"Magkano?"

"50 sana..." dali dali akong kumuha sa wallet dahil baka di ko na maabutan ang bus

***

Halos takbuhin ko na palabas ng eskinita kahit naka hells ako dahil maliwanag na, 50-50 na kung aabot pa ako, mapapamahal na naman ako ng pamasahe kung shuttle van ang sasakyan ko.

"Good morning! Hatid na kita sa terminal." Nagulat pa ako ng mapagsino ang nagsalita sa lalaking naka upo sa motor niya habang inaabot ang isang helmet sa akin.

"Ha? Nakakahiya naman." nahihiya kong sabi

"Sige na, male-late ka na." sabi niya naman na ikinabahala ko, napatingin pa ako sa relo bago inabot ang helmet at isinuot.

"Bagay sayo ang uniform mo, mas lalo kang gumaganda." Sabi niya habang humaharurot ang motor.

"Naku, maagang pambobola."

"Totoo iyon."

Lihim na lang akong napangiti.

***

"Sige, salamat ha?" sabi ko habang hinuhubad ang helmet na hindi ko na ma unlock.

"Tulungan na kita." Sabi niya nang agawin ang lock sa akin, mas naamoy ko ang natural morning scent niya, shit! Pwede bang huwag nang pumasok?

"Sakay na ako." paalam ko bago pa ako masiraan ng bait sa harap niya, ngumiti lang siya bago ako tumalikod

"Ma'am?" napalingon ako sa kaniya

"Ingat." Napangiti na lang ako sa sinabi niya, buti na lang naabutan ko pa ang bus, salamat kay Baldo.

***

Natuturete ang utak ko buong araw, hindi ko na maiwaglit sa utak ko ang mukha niya.

"Oi, si ma'am in love. Bakit kanina ka pa nakangiti riyan ma'am?" nagulantang ako sa pagpuna ng grade 4 student ko kaya nagkatawanan ang buong klase

"Anong in love pinagsasabi mo Adrian? Gawin niyo ang pinapagawa ko, hindi ang puro kayo kalokohan." Kunwaring inis kong sagot

"Ma'am, pakilala niyo po sa amin ha?" dugtong pa ni Adrian kaya nakisulsol pa ang iba

"Oo nga ma'am, pakilala mo sa amin."

"Silence! Back to your activity." saway ko sa kanila kaya nanahimik na.

Itong mga bata talaga ngayon, ang dami-daming alam sa pag-ibig. Minsan may pahugot-hugot pa pero multiplication table lang di pa memorize.

***

Friday night pagbaba ko sa terminal ng bus ay may sumabay sa paglalakad ko.

"Ako na magdala niyan, mukhang mabigat." Napaligon ako sa tabi ko

Anong ginagawa ng lalaking to rito?

"Para kang kabute, bigla-bigla ka na lang susulpot." Reklamo ko sa kaniya habang inaagaw niya ang mga bag kong naglalaman ng test paper ng mga bata.

"Dito tayo." Sabi niya habang nauna ng lumakad patungo sa mga nakaparadang motor

Ano bang nangyayari?

Hindi ako mapalagay sa pinagkikilos ng lalaking to. Pinagmasdan kong mabuti bawat galaw niya habang inaayos ang mga bag ko sa harap ng motor. Hanggang sa lumingon siya sa akin,

"Mukhang pagod ka ma'am, gusto mo mag chaolong? Treat ko."

"Aa ee... huwag na nakakahiya naman sa'yo." Sagot ko habang sinusuot niya ang helmet sa ulo ko.

Pakiramdam ko biglang nag init ang paligid, may kung ano sa dibdib ko na gustong kumawala, buti na lang at saglit niya lang naikabit at sumakay na ng motor niya.

Hindi na siya sumagot hanggang sa lumagpas ang sasakyan sa dapat kong babaan.

"Teka, ihinto mo na, dito lang ang baba ko." Naaalarma kong sabi

"Kain nga muna tayo, malungkot kumain mag-isa." Sagot niya naman,napabuntong hininga na lang ako.

Ang kulit!

-----------------

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon