Chapter Fourteen:

93 1 0
                                    

"Sabi niya sa akin, single siya." napapailing si Jasmine habang nakatitig sa gitna ng table sa loob ng isang vegetarian restaurant kung saan ko siya kinita

Kumpermadong babae nga ng malandi kong asawa. Isang fresh na fresh pang bata ang piniling muli ng tapat kong asawa. Si Jasmine ay isang second year nursing student sa isang pribadong paaralan.

"Anong plano mo ngayon?" tanong ko Sa kaniya

"Syempre makikipaghiwalay! Ano namang laban ko sa iyo? Aalis na ako, salamat sa information." Sagot niya bago nagmamadaling lisanin ang lugar

Pinagmasdan kong maiige ang bawat kilos ng babae hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin ko. May palagay akong buntis si Jasmine. Grabe namang lakas ng mga sperm cells ng asawa ko, puro talaga three points.

Hindi ko na alam kung kanino ako mahahabag: sa mga babaeng iyon na magkakaroon ng bastardong anak o sa sarili ko na may asawa nga hindi naman magka-anak o sa asawa kong marami ngang anak hindi naman matawag na tatay.

Napabuntong-hininga ako bago inubos ang buko juice at nilisan ang lugar.

***

"Pinaki-alaman mo ba ang cellphone ko nakaraang lingo?" kumpronta ng asawa ko pagkita namin byernes ng gabi.

Napataas ako ng kilay at hindi sumagot sa tanong niya

"Bakit? My dapat ba akong malaman sa cellphone mo?" ganti kong tanong

"Wala!" Padabog niyang sagot at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay

Pilit kong pinapapatatag ang sarili kong hindi maiyak bago sumunod sa loob

Agad lumisan ng bahay ang asawa ko matapos makapag palit ng damit, aakalain mong may emergency sa bilis ng pagkilos.

Saka pa lang nag-uunahang umagos sa mukha ko ang isang linggo ko na ring pinipigilang lumabas ng tuluyang maka-alis ang sasakyan ni Reni.

Meron pa bang mas isasakit pa rito?

Nakaramdam ako ng kalam ng sikmura habang nakatitig sa kisame ng kwarto. Nabilang ko ng lahat ng butiking dumaan. Muli akong napasulyap sa screen ng cellphone ko, 10:37 na ng gabi pero wala pa ring asawang dumating. Sinasabi ng isip kong kumain na pero tamad kumilos ang katawan ko. Nakakapagod umiyak.

Sabi ng iba, parusa raw sa mga babae ang pagdadaanang sa pagbubuntis at sakit sa pangnganganak... ngunit subalit datapwat hindi ko mararansan mga yaon, kundi pagkabalisa, pagkabagabag,stress, hinanakit, depresyon at kung ano-ano pang emosyonal at mental na sakit. Patas ba iyon Lord?

Napabuntong-hininga ako bago bumangon at taimtim na nagdasal na naway kaawaan pa rin ako ng Poong Maykapal. Kung sakaling mauwi sa hiwalayan ang relasyon na ito, dalangin kong huwag sana akong iwanan ng HIV o tulo ng makati kong asawa.

Huli kong sulyap sa cellphone ko ay 1:15 na umaga bago tuluyang magpahinga ng isip at mata ko.

Ngunit wala pa sa level 3 ang kasarapan ng tulog ko ng mapabalikwas ako ng bangon dahil sa sunod-sunod na malalakas na kalampag sa pintuan.

"Mahaaall, buk-sann mo itong pinto." Kumakabog ang dibdib ko habang papalapit sa pinto, hindi naman kasi palahubog si Reni

Pagbukas ko ng pintuan ay pasuray-suray itong naglakad patungong lababo at doon nagduduwal. Tumayo lang ako sa malayo habang nanunuod sa kaniya. Nang matapos niyang magsuka ay binuksan ang gripo at naghilamos bago naglakad papasok sa kwarto na para bagang wala ako sa paligid.

Napapa-iling-ilang ako habang kumukuha ng unan at kumot. Marapat na sa sala ako matulog kaysa tumabi sa ngayo'y humihilik ko ng asawa.

Maaga akong naligo at nilisan ang bahay, mamyang gabi na lang ako maglaba at makipag-usap sa asawa ko. Trabaho muna bago asawa, sa trabaho magkakapera ako sa asawa ko puro lang sama ng loob.

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon