Chapter Twenty-Eight:

75 2 0
                                    


Good morning to all Committers! Hugs & kisses to my followers! Nakakatuwa na may dumadagdag pa rin kahit ang tagal kong nag in-active.

Happy reading loves 😘

Uminom muna siya ng tubig bago sumagot. "Sa susunod na lang na linggo. Naka-leave ka na nun diba? Sabihan ko lang bukas."

Di na ako umiimik pa. May mga bagay lang ayaw ko ng balikan pa pero kailangan talagang harapin sa mga susunod na araw at isa sa mga iyon ang galit ng mga kapatid ko sa pamilya ng asawa ko.

Inantay ko siyang makatapos kumain bago ako nagligpit at naghugas ng pinagkainan. Alam ko namang pagod siya sa byahe kanina.

"Gusto mo massage mahal?" Tanong niya ng nakahiga na ako para matulog

"Kung sinisipag ka ba naman." Sagot ko naman bago niya inabot ang panghaplas na mainit sa balat kaya nagtanggal ako ng damit saka nagdapa

"Mahal, paki kuskos ulit ang likod ko mamaya ha? Makati na naman baka may pimples na naman." Sabi niya habang minamasahe likod ko

"Hmmnn ang sarap. Diinan mo pa mahal." Request ko

"Puro na naman ng lamig ang likod mo. Gusto mo ipahilot doon sa manggagamot sa gogognan? Diba magaling magtanggal iyon ng lamig sa katawan?" 

Tukoy niya sa pinahilutan ni Donna ng balakang at backbone pagkatapos manganak, masakit daw kasi kapag umuupo siya kaya pumunta siya roon, sabi ng manghihilot nalamanan na raw ang nakabuka niyang backbone dahil sa pagbubuntis kaya masakit. 

Luckily, gumaling naman matapos ang dalawang balik niya tapos marami rin nagpapagamot doon pati sa mga pinaniniwalaang sakit na gawa ng di nakikita pero sabi ng manggagamot, hindi raw siya albolaryo. 

Ang anak nga ni Donna, sobra isang linggo ang tae-tae. Ilang libo na raw nagastos nila sa ospital pero di nawawala, dinala nila doon, binigyan lang sila ng tubig na dinasalan daw noong maubos ang tubig nawala na rin ang tae-tae ng bata. Basta kilala iyon dito sa lugar namin.

"Busy pa ako, saka na lang. Diyan sa baba ng konti mahal. Ahhh sarap!" Ang ingay magpamassage ee

Nang natapos ang massage session ko ay nagsuot ako ulit ng damit ng hindi humaharap sa kaniya dahil wala akong bra. Pinaabot ko ang alcohol at cotton sa kaniya at siya naman ang naghubad ng damit para malinis ko ang likod niya.

"Galis na siguro itong nasa likod mo mahal." Pang-asar ko sa bungang araw niya

"Maligo ka rin kasi pag may time!" Dagdag ko pa

"Maglinis ka na lang ba. Dami pang reklamo." Depensa niya naman na ikinatawa ko

Kinabukasan ay pumasok ako sa school at nagbyahe siya ulit para mangompra ng gulay sa munisipyo. Pagdating ng gabi ay tumuloy akong muli kay baby lynlyn. Karga-karga ko siya habang pinapadede at binabasahan ng kwento. Pwede na as multitasking mom. Nang matapos siyang magdede ay kinantahan ko ulit para makatulog na naman.

"Twinkle twinkle Little star how I wonder what you are? Up above the world so high like a diamond in the sky.
Twinkle twinkle little star... When the blazing sun is gone, when he nothing shines upon, then you show your little light, Twinkle twinkle all the night.
Twinkle twinkle little star, when the traveller in the dark, thanks you for your tiny spark. He could not see which say to go, if you did not twinkle so. Twinkle twinkle little star."

Nang mahimbing ay binalik sa higaan saka pinatugtog ang instrumental music sa ipad at nagpaalam sa nurse para umuwi. Nakapagpa-alam na rin ako kay doc kanina tungkol sa plano kong kumuha ng assistance mula sa isa sa mga nurse niya nabibisita sa bahay. Nabigyan na rin si baby ng paunang bakuna kay sa first month niya kami magpapabakuna.

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon