Chapter Four:

337 5 0
                                    

#MissingPiece

Nang makarating kami sa Chaolongan, isinuot ko ang hud ng jacket ko, ayaw kong makita ako ng kahit isa sa mga kapatid ko sa pananampalataya.

Balita ko pa naman ay INC itong kasama ko, mahirap na.

"Anong order mo?" tanong niya nang maka-upo na kami sa bakanteng table

"Beef stew." Tipid kong sagot

"Drinks?"

"Coke na lang." sagot kong muli saka siya tumayo para magpila, dahil kilalang Chaologan ang pinuntahan namin, sobrang crowded na at may mga nakatayo na sa labas na waiting sa table na mababakante, swerteng nakapasok agad kami.

Aabutin din ng ilang minuto ang antay sa order kaya may panahon pang makipagchikahan.

Pinakatitigan kong mabuti ang pagmumukha niya ng bumalik na siya sa seat na kaharap ko.

"Bakit ganiyan ka makatingin?" medyo naiilang niyang tanong sa ginagawa ko

Ikinunot ko ng maige ang noo ko, sinisiyasat ko kung sasagot ba siya sa tanong ko, mukhang mapapasagot naman kaya tinanong ko na "Bakit mo to ginagawa?"

"Gusto kasi kita." Direct to the point niya ring sagot na walang kakurap kurap, napatingin ako sa table napkin sa harap ko, I can't prolong seeing his eyes parang matutunaw ako

"Required bang gustuhin din ang taong may gusto sa iyo?" nakataas kilay kong sagot

"Hindi tanong ang sagot sa tanong ma'am" nakangiti niyang sagot

"May tanong ka ba?"

"Meron, ilang taon ka na?" sabi niya na biglang napakamot ng ulo

"26. Ikaw?"

"28." Tumango lang ako, pwede na din.

"May girlfriend?" tanong ko

"Hahaha ano to? Screening?" tumingin ako ng masama sa kaniya tulad ng pagtitig ko sa isang studyanteng makulit.

"Wala akong girlfriend." Seryuso niyang sagot

"May asawa? Or ex live-in partner?"

"Wala rin po ma'am." napangiti ako sa sagot niya, masyado bang teacher-like?

"Anong religion mo?" tinanong ko na rin para sure.

"Dati akong INC pero tiwalag na, hindi na kasi ako nag aattend ng pagsamba."

"Ganun..." napapa isip ko ring sabi, kung tiwalag, pwede kaya iyon? I mean, bawal kasing makipag relasyon sa hindi kapanalig, una syempre magkaiba kami ng paniniwalaan, isa lang iyon sa hindi namin pagkakasunduan.

"Bakit? Ano bang religion mo?" bigla niya namang tanong sa kalagitnaan ng pagmumuni muni ko

"Iglesia ng Dios." Direct to the point kong sagot, medyo di na rin naman siya nagulat dahil sa klase ng pananamit ko.

Lagi akong nakapalda at lagi ring nakapusod ang naka tirintas kong mahabang buhok – old fasshion as they call it, but at least, hindi kami sanhi ng pagkakasala ng iba. No offend doon sa mga babaeng kung maka damit ee labas na ang mga hindi dapat ilabas.

"May katungkulan ka ba sa Iglesia?" medyo curious niyang tanong

"Secretary ako nang local at member ako ng choir kaya wala akong time para sa iba." Pasaring kong sabi

"Hmmmn" sabi niya na lang dahil dumating na ang order namin

"Andami naman nito?" tanong ko sa kaniya dahil may cheese French bread pa for two

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon