Special Chapter II

23 2 0
                                    

Happy Reading Committers!


Ang totoong tagumpay sa buhay ay ang mga taong may kinakain tatlong beses isang araw, kahit bahay-kubo basta't may masilungan at pahingahan, may masayang pamilya, tunay na kaibigan at higit sa lahat may kapayapaan ng isip at kalooban.

Aanhin mo ang karangyaan, pamilya o maraming kaibigan kung hindi naman payapa ang isip at kalooban mo?

At the age of 38, I'm still not successful. I have the wealth, child, and husband but I don't have peace of mind. My heart is always at stake.

Bakit hindi?

Isang gabi, dumating ang asawa ko mula sa lugar nila kasama ang kaibigan na may dalang bawal sa batas.

"Mahal! Bakit may dala kang ganyan?" sita ko sa kanya pagkakita ng dalawang malalaking karton na may lamang kaliskis ng pangolin.

"Huwag ka na lang maingay mahal. Ide-deliver naman iyan bukas ng gabi." Saway niya rin sa akin.

Napapikit ako't napabuntong hininga. Hindi na alam ang gagawin.

"You expect me to keep quit after seeing illegal things inside my house? Pag sure Baldo! Sinasabi ko sa iyo, hindi ko kukunin ang kita mo mula sa bagay na iyan." Banta ko bago tumalikod para bumalik sa kwarto.

"Hindi ko naman talaga ibibigay sa iyo, may pinag-iipunan ako." Rason niya pa

"My God!" tangi kong nasabi bago ibalibag ang pinto ng kwarto.

Hindi ko talaga papakainin ang anak ko mula diyan. Never!

Buti na lang at may sariling pera sa Lanielyn.

Ano pa bang kulang Lord? Bakit naliligaw na naman ng landas ang asawa ko? Noon babae, ngayon naman trabaho... hay naku! Bahala ka na lang po, huwag mo lang kaming idamay ni lynlyn Lord please.

Gustohin ko mang palayasin ang asawa ko'y di ko magawa kaya paulit-ulit na lang ang dasal ko na kung mahuhuli man siya, na siya rin talagang pinapanalangin ko para matauhan siya pero sana sa labas na lang.

Tumagal pa rin ng ilang buwan ang kalokohan nilang magkaibigan bago siya natimbog ng mga autoridad habang nasa byahe papunta rito sa bayan.

Akala ko nga kaliskis lang ang benebenta nila. Nagulat pa ako ng mapanuod ang balita sa TV na pati pala laman ang pinupuslit nila.

Nagtakip pa ng mukha ang asawa ko habang ine-interview ng broadcaster. Sa isip ko may konting kahihiyan pa rin pala sa asawa ko.

Wala rin naman kahit isang salitang binitawan si Reni para sagutin ang anomang katanungan sa kanya. Matalino rin talaga, ginagamit ang karapatang manatiling tahimik dahil pwedeng gamitin ang mga salita niya laban sa kanya.

Ayon sa balita, binibili sa mga Chinise restaurant ang pangolin sa halagang 25k to 30k bawat isa.

Hindi ko rin alam kung sino ang nanghuhuli sa kagubatan dahil likas namang matinik magtago ang asawa ko ng mg sekreto niya, hindi ko na pinilit ang sarili na alamin. Bahala siya sa buhay niya basta huwag niya kaming idamay ng anak ko.

Hindi niya kasama ang kaibigan ng mahuli siya kaya ligtas ang isa. Hindi ko siya pinaki-alaman sa problema niya, hindi niya rin ako tinawagan para ipaalam sa akin ang nangyari sa kanya, kung hindi lang sa balita, hindi ko malalaman.

Nagkunwari akong walang alam sa nangyari dahil halos dalawang araw lang din siyang walang paramdam sa amin bago umuwi.

Hindi ko kilala ang mga connection niya sa black market pero masasabi kong malakas dahil ang bilis niyang nakalaya kahit pa nahulihan rin siya ng baril na walang lisensiya na hindi ko rin alam na meron pala siya.

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon