Chapter Two:

509 5 0
                                    

#FirstMeet

"Che, may alam kang boarding house na mura lang? Gusto ko sanang umalis dito." tanong ko sa bisita kong si Diana

"Meron 'te, roon kila tito."

"Magkano?"

"1500 lang, kahit ilan pa kayo, kaya lang masikip ang daan doon parang squater area siya."

"Tingan natin, baka magustuhan ko." Interesado ko namang suggest

"Sige ba, anong malay mo pati si tito, magustuhan mo. haha"

"Boarding house ang hanap ko day, hindi lalaki." Natatawa kong sagot

"Hindi ko naman sinabing gustuhin mo si tito, ang sabi ko po baka magustuhan mo rin. Just so you know, mabait iyon, masipag, guard siya sa gabi tapos namamasada siya ng tricycle niya sa araw." Pagmamalaki niya pa

"Wow, pamilyado lang?"

"Oi, single iyon noh, di ko lang alam kung saan niya ginagamit pera niya, siguro sa motor niya or sa babae."

"Oh, babaero pala tapos ibubugaw mo pa ako?"

"Hindi kita binubugaw noh. Nagsasuggest lang, malay mo, ikaw pala ang inaantay ng pihikan niyang puso."

"Ee di wow. Wala namang forever." Sabi ko na lang

"Huwag kang bitter 'te. May forever."

"Wow, nagsalita ang may forever." Namimilosopo ko namang sagot, makasabi ito, samantalang NBSB nga siya

"Ako naniniwala sa forever kaso di ko pa nakikilala, di pa kasi tamang panahon."

"Haha push mo iyan."

***

Bumisita nga kami ni Che sa boarding house ng tito niya tulad ng napag-usapan namin pero bigo akong makilala ang sinasabi niyang tito.

Well, nacu-curious ako sa mukha ng tito niya, that's all.

Ok naman ang kwarto, pwede na naming pagtiisang magkakapatid, kaysa naman doon kami sa binabaha, lagi na lang may alipunga si Danica at Mikee.

Patulog na ako ng makatanggap ng text mula sa unregister na number.

"Hi, si Baldo ito, ikaw ba si Laarny, ang nag-inquire ng kwarto kanina?" hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, parang bigla akong na excite kaya agad akong nagreply

"Good evening, opo ako nga si Laarny, nakita ko na nga ang kwarto kanina."

"Ok na ba iyon sa iyo?"

"Ok na ang kwarto pero wala na bang discount iyon? hehe" pagbabakasakali ko, anong malay ko, makalusot, sayang din ang discount

"Hehe fix na talaga iyon ee, kila mama kasi iyon, ako lang caretaker."

"Aw, sige, ayos lang... so bale sa iyo ko ibibigay ang advance at deposit?"

"Oo, may service na ba kayong nakuha?"

"Wala pa nga ee, magcocommute na lang siguro, marami namang tricycle rito."

"Ako na lang magsundo sa iniyo kung ok lang sa iyo."

"Talaga? Magkano naman singil mo, baka can't afford ko naman." syempre manigurado na ako, mamaya mas mahal pa kaysa mag commute

"Libre na para sa iyo."

"Wee? Totoo iyan?"

"Oo nga."

"Haha ai, hindi ba ako tumatanggi sa grasya. Huwag ka bang magbiro."

"Haha hindi ako nagbibiro, kailan kayo maglipat?"

"Haha sige, sa Sunday sana."

"Sige, see you on Sunday."

Nakangiti tuloy ako bago matulog habang iniimagine kung ano ba ang itsura ng Baldo na iyon.

***

Mula sa pagkakatayo ko sa labas ng gate ay tanaw ko ang paparating na tricycle. Bumusina pa ito bago humito sa harap ko.

Bumaba ang isang lalaki na katamtaman ang tangkad, nakaputing t-shirt na halatang luma na dahil sa sobrang nipis at laylay na ang leeg nito, habang short at tsinelas naman ang pambaba.

Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Ito na ba si Baldo? Infairness, singkit ang mata, matangos ang katamtamang laki ng ilong, natural ang pagka pinkish ng lips ibig sabihin, hindi naninigarilyo, moreno, sa kabuoan, pwede na kung physical ang usapan.

"Good morning."

Ngumiti ako bilang tugon.

"Pwede magpatulong magbuhat?" Nahihiya kong tanong

Tumango naman siya bago sumunod sa akin.

"Ito na lahat?" tanong niya ng makita ang mga box sa loob, tumango lang ako, I am running out of words you know.

"Tatlong balik lang ito" sabi niya pa bago nagsimulang magbuhat ng malalaking box, habang mga bag naman ang pinangbuhat ko.

"Ikaw na lang Danica ang magpahuli, ako na mauna para maibigay ko ang bayad." Bilin ko kay Danica na hindi pa tapos mag tape ng ibang box

"Sige ate."

***

Matapos naming mailapag sa loob ng kwarto ang mga box ay inabot ko sa kaniya ang isang envelop.

"Heto nga pala ang para sa deposit at advance payment ko." Sabi ko sa kaniya

"Sige, salamat. Balik na ako." sagot niya naman bago tumalikod, medyo suplado pala, buong byahe na hindi ako kinibo.

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon