Chapter Six:

339 5 0
                                    

#FirstSacrifice

Parang may isang tsunami na hindi ko namalayang nagbago na pala ako.

Nakalimutan kong isa akong member ng simbahan.

Nawalan ako ng ganang mag attend ng pasalamat o kahit prayer meeting. Hindi ko na nga ine-entertain ang mga sister at brother kapag tumatawag sila o nagtetext.

Para saan pa?

Inilaaan ko ang ilang taon ko sa kaniya pero ano? Heto ako ngayon, namomroblema sa matris ko.

Ok na ako noon ee. Maluwag na sa loob ko na maging magulang ng mga kapatid ko pero at least man lang naging patas siya sa akin.

Sinunod ko lahat ng turo nang simbahan para mabuhay ng naayon sa kalooban niya pero ano napala ko? Ano bang balak niya sa akin? Tumandang dalaga? Mamatay nang nag-iisa?

Linggo nang makatanggap ako ng tawag pero hindi ko sinagot busy akong maggupit gupit ng mga pang décor ko sa classroom. Makalipas ang ilang sandali ay may kumatok na sa pintuan.

"Tao po? Sis, nandiyan ka ba?" napatingin ako sa pinto, sure akong kasamahan ko iyon sa choir and I left no choice, binuksan na ni Danica ang pinto

"Good morning." Dinig kong sabi sa labas, sumilip ako ng bahagya kaya nakita nila ako

"Good morning" sabi ni Danica kasabay ng pagtawag nila sa akin

"Sis!" tumayo na ako para salubungin sila.

As expected, niyakap nila ako ng mahigpit. Iniabot ang pasalubong na unan at pagkain. Huling lumapit sa akin ang pinakamalapit kong kapatid.

"Kumusta sis? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag namin? Kung may problema ka, pwede naman nating pag usapan iyan." Sabi ni sis Lorie habang yakap niya ako, hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko

"Aha kasi..." sabi ko pero di ko alm kung anong kasunod, bumitaw siya sa pagkakayakap

"Maupo muna kayo, tuloy kayo sis, brod." Sabi ko s apagitan ng pag iyak

For three months I guess, heto ang pinaka iniiwasan kong mangyari, but I guess destiny calls it.

"Balik ka na sa bahay sis." Pangungumbinsi nila sa akin dahil hindi naman ako kumikibo, ano bang sasabihin ko? Na ayaw ko na?

***

#SecondSacrifice

Nakalimutan kong isa pala akong huwarang guro until my co-teacher ask me this.

"Ma'am, nagsasama na ba kayo sa isang bahay ng boyfriend mo?" literal na pinagpawisan ako ng malamig at namutla sa tanong ni ma'am Abby.

"No ma'am. bakit niyo po naitanong?" tinatry kong kumalma para hindi niya ako mabuko.

"Nakita ko kasi kayo nakaraan na sabay lumabas ng bahay, madaling araw iyon, papunta kasi ako ng hospital."

"Aa, sa bahay iyon ng kapatid niya, doon kami nagpalipas ng gabi kasi birthday ng pamangkin niya ee uminom kasi siya, takot naman akong commute kasi nga meyo liblib ang lugar." Hindi ko alam kung saan kapal ng mukha ako kumuha ng storya para mapaniwala ang kausap ko

"Aw, sorry ma'am. Matanong ko lang syempre mabuti na ring malinaw, alam mo naman sa panahon ngayon iba ang pwedeng ma interpret ng tao sa kilos natin." Paliwanag niya naman

"Oo nga ma'am. mga judgemental kasi mga tao ngayon."

"True. Kaya ako pag may mga katulad niyan gusto ko, ako mismo magtanong ng personal para hindi ma misinterpret. By the way, may balak na ba kayong mag settle down ng papang mo? You seems so inlove. Gumaganda ka lalo araw araw."

"Naku nambola pa si ma'am. so far wala pa, maybe next year... who knows, baka bukas. haha" sabi ko na lang, hay problema nga pala itong pinasok ko. Nagkalintikan na.

***

#ThirdSacrifice

At dahil sa sunod-sunod ang mga tagpong pinakaiiwasan ko, napagbubuntunan ko ng inis ang mga kapatid ko.

Not aware that I am pushing them away from me. Nakalimutan kong goal ko nga palang panatilihing magkakasama kami sa hirap at ginhawa.

"Ano ba iyan Danica? Kahit mag linis na lang ng bahay hindi niyo magawa?" maaga kong sermon kahit nakahiga pa ang mga kapatid ko. Paano? Buong linggo akong wala rito, pag balik ko ganito pa rin ag bahay, wala man lang naglilinis.

"Magsibangon na nga kayo riyan. Tanghali na ito, di pa kayo nakakaluto. Ang mga labahan niyo tambak na oh. Iyan na lang nga gagawin niyo, tinatamad pa kayo? Ee kung ako kaya ang tamarin magtrabaho para sa panggangailangan niyo?"

Tahimik silang nagsibangon at kaniya kaniyang gawa ng mga gawaing bahay. Si Danica ang nagluto habang naglilinis naman si Mieki. Si Benjie naman ang kumuha ng Laundry Basket at binitbit papunta sa CR.

Ako nama'y abala na sa pagrecord ng mga quizes ng students ko sa iba't ibang section.

***

"Ano ba iyan si ate, pati ba naman brief ng asawa niya tayo pa rin maglalaba?" dinig kong reklamo ni Danica habang nagkukusot, iihi sana ako kaya lumabas ako at tumungo sa baniyo kung saan sila ng lalaba ni Mieki

"Kung ayaw niyo maglaba, di umalis kayo sa bahay namin." Nainis kong sabi.

Maglalaba na lang nga ang gagawin nila, magrereklamo pa. Di sila nahiya, ee si kuya nila ang naghahanap buhay para makakain sila ng masarap buong linggo na wala ako rito.

Wala silang imik habang naglalaba.

----------------

A/N: Ano pa kaya ang kayang i-give-up ni Laarny para sa lalaking ito?

Enjoy reading! UNTIL NEXT TIME COMMITTERS!

----------------

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon