Chapter Seventeen:

94 0 0
                                    

Pauwi na kami ni Donna ng maalala ko ang sinabi ng pamangkin ko kay Baldo

"Tita, pinuntahan namin ni tito ang bahay ng girlfriend niya" sambit ng bata habang nanunuod kami ng TV, kauuwi ko lang galing school kaya di ko lam kung anong ginawa ng mag tito, umalis din ngayon ni Baldo para mamasada saglit

"Anong sabi mo tantan?" nagulat kong tanong sa kaniya

"Kulay red po ang gate ng bahay. hindi ko alam kung anong lugar iyon tita, basta malayo ang pinuntahan namin, bago makarating sa bahay ng girlfriend niya may madadaanang bahay na may bangka sa harap na tinaniman ng halaman."

Shock is an understatement to describe what I have felt right now. Hindi nagsisinungaling ang bata. Kaya pala kinukutuban na naman ako lately.

"Paano mo naman nasabing girlfriend iyon ni tito mo?" tanong ko sa kaniya

"Nagkiss po sila tita, saka narinig ko pong nag I love you tulad ng sinasabi niya sa iniyo."

"Walang sinabi si tito mo sa iyo?"

"Wala naman po. Sabi kasi ni mama, kapag nanbabae raw si papa magsumbong ako sa kaniya. Hindi ko po nakikitang may babae si papa pero si tito po may nakita ako, nakausap ko pa nga po ee, pinakain pa nga po ako ng macaroni salad." Kwento niya, akala ko tapos na pero may binulong pa

"Pero tita, mas masarap kayong magluto ng macaroni salad."

"Nambola ka pa." sabi ko na lang bago ginulo nag buhok niya

Buong magdamag akong hindi nakatulog ng maayos kaya nagpasama ako ngayon kay Donna maglakad lakad

"Neng, samahan mo nga akong maghanap ng bahay na may bangka sa harap, tinaniman daw ng halaman. Di ko kasi alam ang exact address, basta rito raw banda sa malayo." Sabi ko kay Donna

"Bahay na may bangka?"

"Oo, iyon kasi ang sabi ng pamangkin ni Baldo. Doon daw malapit ang boarding house ng babae niya."

"ANO??" nagulat niya namang reaction, hindi ko kasi binanggit sa kaniya

"Hindi pa ako sure ee, kaya nga gusto kong makita ang sinasabi ng bata para ako mismo makatuklas." Nahihiya kong sabi

"May bangkang tiniman ng halaman pero hindi iyon bahay, isa ang tourist inn saka malayo rito, ee mukha namang bahay, nandoon iyon malapit sa inuuwian ko, ka-street lang."

"Talaga? Baka iyon nga. Tara, tingnan natin." Excited kong sabi, mahuhuli rin kita, antay ka lang.

***

"Heto na nga siguro iyon, wala na rin naman atang ibang may ganito rito." sabi ko habang palinga-linga pa ako sa harap ng bangka.

"Sabi niya, red daw ang gate ng bahay." Sabi ko pabago naglakad para hanapin sa mga sumunod na bahay.

"Dalawa ang gate na red ate, saan dito sa dalawa?" tanong naman ni Donna

"Ako na bahala kung saan dito sa dalawa, ang mahalaga alam ko na kung saan banda."

***

Kinagabihan nagpasama ako kay Lilia para puntahan muli nag lugar kung saan naglulungga ang asawa ko at ang kabit niya.

Bumaba kami ni Lilia sa tapat mismo ng inn at naglakad sa direction na tinahak namin ni Donna kanina.

"Hindi ba iyon ate Laarny ang bago niyong motor?" tanong ni Lilia sa akin, napatingin naman ako sa motor na nakaparada sa loob.

"Hindi ko matandaan ang plate number Lilia..." pag-amin ko, dahil di ko naman iyon ginagamit

"Ang kapatid mong si Mikie, nahiram niya iyan minsan diba? Baka alam niya." sagot niya naman

"Sige, sunduin natin si Mikie, pagna confirm natin na iyan ang motor saka tayo pumasok." Desidido kong sabi

"Sure ka ate? Natatakot ako." bakas ang pag-aalala ni Lilia sa boses at mukha niya ng lumingon ako sa kaniya

"Wala tayong dapat ikatakot. Ako ang niloloko nila at hindi ako ang nang loloko."

***

"Iyan nga ate." Pag confirm ni Mikie ng makita ang motor.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at tuloy tuloy na akong pumasok sa loob ng compound. Nakatingin lang sa akin ang mga nakatambay sa pasilyo habang nakasunod naman si Lilia at Mikie sa akin.

Tatlong katok ang ginwa ko sa pinto kung saan nakatapat ang motor. Agad naman itong nagbukas, isang babaeng nakapajama.

"Dito ba si Baldo?" tanong ko

"Baka po ang nandiyan sa kabilang kwarto ate wala po akong kasama rito." nakangiting sabi ng babae

"Sorry, salamat." Sabi ko bago tumalikod at kumatok sa kwartong tinutukoy ng babae

Sakto namang ang magaling kong asawa ang nagbukas.

Surprise is an understatement para I describe ang mukha niyang biglag namutla.

"Sino iyan mahal?" dinig kong sabi ng babae sa loob kaya naglakas ang loob kong itulak ang asawa ko para makapasok ako ng tuluyan

I've never been this war freak pero ibang usapan kapag may binabahay na ang asawa ko.

"Malandi ka." Sabi ko bago hablutin nag buhok ng babae saka sinampal ng kaliwat kanan.

Pero dahil nasa teritoryo nila ako, malakas ang loob ng babaeng gumanti.

Nagkalintikan na.

"Tama na nga iyan. Nakakahiya kayo sa kapitbahay." Dinig sabi ni Baldo habang nagpapagulong gulong kami sa sahig ng babae niya, kapwa hawak ang buhok ng isat isa. Sinipa ko siya sa sikmura para kung sakaling buntis siya, malaglag na sana.

Hinablot ako ng asawa ko palayo sa babae niyang umiiyak na lang sa sulok.

"Umuwi ka na roon. Susunod ako, mag-uusap tayo." Utos sa akin ng asawa ko

"Wala kang karapatang utusan ako kung ano gagawin ko. Animal ka. All this time, ginagago mo pa rin ako."

"Umuwi ka na sabi." Sigaw niya pang muli sa mukha ko

"I swear Baldo, this is the last." Banta ko sa kaniya bago lumabas. Malapit na kami sa gate ng tumili ang isang babae sa likod

Napalingon ako bigla.

"Mikie!" hiyaw ko ng makitang sinuntok ng hinayupak kong asawa ang kapatid ko.

"Putang *** mo! Anong kasalanan sa iyo ng kapatid kong demoniyo ka!" sigaw ko habang tinutulungang tumayo ang kapatid ko.

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon