Chapter Twenty-Two:

100 1 0
                                    

Special thanks to my loves, jenderama, letsjam, literaturecrazy, jessicaryandizon, reigzmiel, cheveleony, _GeniusDaw, kriskentin, LhenFradejas, Kimhyejo, jhinx_00, MafeAdvincula5 and of course Ms. LadyAzenette. Salamat po sa time na magpahayag feels sa kwento ni Joana, Gretchen, Anna at Realyn 😍😍😍( hindi ko pa che-check ang ibang story) your comments mean a lot to me. Love you guys 😘😘😘😘😘

PS: di ko na alam gamitin ang wattpad, dont know kung paano mag tag. Hahaha dati nagagawa ko ngayon di ko na makita

PSS: enjoy reading Committers, salamat at nanjan pa rin kayo kahit taon na bago mag update ang masipag nyong abang lingkod. ✌


TTumingin muna ako sa kaniya ng pagod na expression bago tumayo para pumunta sa kusina at uminum ng isang basong tubig. Pakiramdam ko tuyong-tuyo na ang lalamunan ko. Napalingon ako sa kaniya na nakasunod pala sa akin.

"Kumain muna tayo, bago mag-usap." Sabi ko bago kumuha ng plato at mangkok na paglalagyan ng adobong manok na binili ko sa labas ng subdivision.

Kumuha naman siya ng baso at tubig.

Tahimik kaming kumain habang nagpapakiramdaman. Ano na kayang mangyayari sa amin kapag nai-uwi na namin dito si baby lynlyn. Sa isiping iyon ay na excite ako at di mapigilang mapangiti na napansin naman ng isa.

"Now you're smiling. While I'm here so freaking nervous that anytime now you'll change your mind and just kick me out of this room." Magkasalubong ang kilay niyang sabi, tumikhim muna ako bago uminum ng tubig saka tumayo dala ang plato kong wala ng laman.

"Tapos ka ng kumain? Huwag mong sabihing diet ka?" Puna niya naman dahil halos dalawang kotsarang kanin lang isinubo ko

"Wala akong gana." Mahina kong tugon bago maghugas ng kamay at magtoothbrush

Nakita ko naman siyang nililigpit na rin ang pinagkainan at nilagay sa pakainan nina sachet ang sobrang kanin at ulam. Bago nagsimulang maghugas ng pinagkainan namin. Tahimik pa rin akong tumayo sa tabi niya pagkatapos kong mag toothbrush.

"Kagagaling ko lang sa isa mo na namang babae." Simula ko habang nakamasid sa reaction niya. Napatigil naman siya sa pagsasabon at napatingin sa mata ko na parang binabasa kung nagsasabi ako ng totoo.

"Pumanaw na siya kaninang madaling-araw, hindi ko na naabutan, nailibing na raw pero iniwan niya sa akin ang anak niniyo." Hindi ko napigilang mapaluha kaya inakbayan niya ako at hinalikan sa noo.

"Kaya natin to. Kakayanin natin. Ngayon pa ba?" Simula noong lumabas siya sa kulungan ay naging positive siya tungkol sa relationship namin. Sinusubukan niya talagang magbago

"Saan ang baby?" Bago lang ako napatingin sa kaniya akala ko kasi hindi siya interesado

"Sa Viray Lying-in. Naka incubator pa. 8 months pa lang daw. Ang alam ko himalang mabuhay ang mga ganung case ok na raw ang 7 months huwag lang 8. Pero healthy si baby, bukas pinapabalik ako para sa newborn screening at para maka fill-out na rin ng birth certificate ng bata. Iniwanan lang ako ng sulat. Bukas ko na rin kontakin ang atty ng nanay ng bata pagkatapos natin doon. Sasama ka ba?" 

Malumay kong sabi, tumango naman siya baho inalis ang kamay niya sa balikat ko at pinagpatuloy ang pag huhugas ng pinggan. Pumasok na ako sa kwarto para gumawa ng exam ng mga bata dahil anim na subject at tatlong grade ang hawak ko kaya ina- advance ko ang paggawa para di ako tambakan ng trabaho at hindi rush lagi tulad ng mga kasama kong laging last minute.

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon