Chapter Twenty-Five:

83 1 0
                                    

I extend my gratitude to Committers kimberlyCruzReyes, DennisCura, Cringlavapie, mhikyleyeoj, bedrejom, josiefaulve12, AnaShine8, RubyCudiamat, langganku, ReggsCredo, zallerose, elviracelestial,Lislee65Lee65, frauleinrose, Abby1987, emeperillo, lili_alain, shalitz23, user90803167, jennyrksequilag and dianaalviola

Thank you for voting commit series. Your silent support to my works are nakakataba ng heart at nakaka inspire magsulat pa.

Enjoy reading Committers 😘

"Oh! Pinalayas ka naman ng asawa mo?" Salubong ni Danica sa akin ng buksan niya ang gate dahil naka podlock. Sumimangot ako sa kaniya.

"I miss you too!" Sagot ko sa kaniya kaya lumambot bigla ang itchura saka parang naiiyak na sa harap ko.

"Hindi kaya kita na miss." Sagot niya naman pero niluwangan ang pagbukas ng gate at tumabi na parang sinasabi "tuloy ka ate, welcome back!"

"Kumusta na kayo rito? Kumain na ba kayo? May dala ako pero lulutuin pa." Sabi ko sabay angat ng bitbit ko

"Wala pa. Nararamdaman ng radar kong may darating na manlilibre ng ulam kaya di ako bumili at nagluto." Sabi niya saka isinara ulit ang gate kaya tumuloy na ako sa loob.

"Ang kapatid mo nasaan?" Usisa ko dahil di ko makita

"May group study raw sa bahay ng kaklase nila."

"Aw. Maki-alam na ako sa kusina niyo ha? Nakasaing ka na ba?"

"Feel free. Oo, sabi ko nga ulam lang wala."

Hinugasan ko ang isda saka inilagay sa kaserola at nilagyan ng asin, suka, tinadtad na sibuyas at bawang, durog na paminta at siling haba para ma i-paksiw. Bago ko sinimulang pigain ang kinudkod na niyog para sa paggata mamaya.

"Kumusta naman schooling niyo?"

"Ayos naman. Ikaw, kumusta ka na?" Tanong niya habang nakatingin sa mata ko dahil magkaharap na kami sa upuan nila habang inaantay kong matuyuan ang paksiw ko.

"Ok na kami. So far, so good. Pina-undergo ko siya ng test para sa HIV, lumabas na ang resulta, negative naman pero gusto ko munang makasigurado kaya nagpatest din ako, kahapon lang kaya after a month pa bago ko malaman.." tumigil muna ako para makakuha ng maraming hangin

"Oh, wala ka pa ring sex life?!" Napalaki naman ang mata ko sa kaniya

"Wala. Syempre mamaya positive pala ako at nagkamali lang sa kaniya edi patay na!" Honest ko namang sagot

"Poor woman! Oh! Di maghanap na naman iyon ng iba kay tigang na tigang na sa iyo?" Sumbat niya pa na ikinatawa ko. Kung alam mo lang Dan.

"Isa iyon sa kondisyon ko para tuluyan ko siyang tanggapin ulit sa buhay ko unless gusto niya ng tuluyang ma-kick-out." Paliwanag ko naman

"Mahal mo talagang gonggong na iyon noh?" Halata pa rin ang inis sa boses niya.

"You'll understand once you get there." Sagot ko na lang na medyo pabulong lang at nakayuko na

"Masaya ka na ba ngayon?" Tanong niya pa kaya napatingin ako ulit sa kaniya

Napangiti pa ako ng maalala ko ang pakay kong sabihin "amm may baby na kami."

Namilog naman ang mata niya sa akin na puno ng tanong

"May bigla na lang tumawag sa akin nakaraan pinapunta ako sa lying-in pinakita sa akin ang 8 months old baby pa lang kaya naka incubator pa tapos binigyan ako ng sulat saying na sa akin iiwanan ang bata. 

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon