Chapter Fifteen:

109 0 0
                                    

#WifeClaims

Malayo pa lang ay tanaw ko na ang apat na motorsiklo sa harap ng bahay. Paano pa kami makakapag-usap na mag-asawa kung may mga bisita siya?

Nadatnan ko silang malakas ang tawanan habang nag-iinuman.

"Kunja gali ang agapangasawa medyo kang naulog na palua ang niyog." Dinig kong sabi ni Joshua na bagong kasal sa isa ring guro sabi niya ganito pala ang pag-aasawa, para kang nalaglag na sanga ng niyog.

Tsk. Tama lang talagang hindi ko siya inalagaan kagabi.

"Good evening ma'am!" magkapanabay pang sabi ng apat ng buksan ko ang gate habang hindi pa rin nakakamove-on sa paghalakhak si Reni

"Good evening din! Kanina pa kayo?" tanong ko habang hinihimas ang dalawa kong alaga, mabuti pa ang aso may ugaling asawa hindi lang ang asawa kong may ugaling aso.

"Kasisimula pa lang din mam." Si Joshua ang sumagot, ang matalik na kaibigan ni Reni, tumango lang ako bago umupo sa dalawang naglalambing

"Gutom na kayo?" pabulong kong sabi kay sachet at pack, ang mga anak kong hindi pwede sa tira-tirang mumurahing ulam, unless meat or else gagalisin sila.

Binigyan ko muna ng dog food sina sachet at pack bago tumuloy sa loob ng bahay kasunod ang asawa ko.

"Saan ka galing mahal?" nagulat ako hindi lamang sa tanong niya kundi maging sa tono ng pagkakasabi nito.

"Sa school." Walang gana kong sagot habang kumukuha ng tubig

"Kumain ka na? bumili ako ng letchon manok."sabi niya pa habang tinuro ang tupperware na pinaglagyan niya, tumango lang ako bago tumuloy sa kwarto para magpalit ng pambahay.

***

Hindi naglaon ay lumisan na rin ang mga kaibigan niyang palahubog.

"Mahal, galit ka ba sa akin?" pabulong niyang tanong habang dahan-dahang iniyayakap sa baywang ko ang braso niya mula sa likod ko

"May dapat ba akong ikagalit?"balik-tanong ko rin habang tinatangal ang kamay niya

"I'm sorry."sabi niya matapos ang nakabibinging katahimikan muli, nag-uunahang lumabas ang masasaganang luha sa mga mata ko. Tinangal ko ang mga kamay niya sa baywang ko saka tumayo

"Asawa kita! Sa mata ng Dios, sa mata ng mga tao, sa mata ng batas, asawa mo ako! Akala mo ba ganun-ganun na lang iyon? Nagsumpaan tayo na magsasama sa hirap at ginhawa habang buhay! Nagsumpaan tayo sa harap ng maraming tao, nagpirmahan pa nga tayo oh!" sigaw ko sabay bato ng marriage of contract sa harap niya

"Hayan! Baka lang kasi nakakalimutan mo na ang lentik na papeles na iyan Baldo! Ang hindi ko lang kasi maintindihan, bakit?" naghihinagpis kong sigaw sa mukha niya

"Bakit ang bilis mong makalimot?" paos kong sabi, pakiramdam ko hinang-hina na ang mga tuhod ko kaya napa walling ako habang nakasabunot ang dalawa kong kamay sa ulo ko

"Nakalimutan mo na ba?" sunod-sunod ang pag-agos ng luha kong hindi ko na mapigilan

"Ako ang asawa mo... pero bakit pakiramdam ko, daig ko pa ang puta! Bakit pakiramdam ko diring-diri ka sa akin? Sagutin mo nga ako? kasalanan ko bang maging impotent ako? Ha?!kasalanan ko ba Baldo?Hanggang kailan mo ba ito ipaparanas sa akin?" lumapit sa pwesto ko bago ako niyakap ng mahigpit

"Wala kang awa..." pakiramdam ko sasabog na utak ko sa sobrang sakit habang parang namanhid na ang buo kong katawan.

"Shhhh tama na." dinig kong sabi niya habang hinahagod ang likod ko

"tama na? hindi ba dapat ako ang nagsasabi niyan?"

"I'm sorry." tangi niyang nasabi

"Hindi ka ba nadidiri sa sarili mo? Ako Baldo, diring-diri na ako sa sarili ko. Hindi ko maimagine na ang katawan mo, iba-ibang pusa na ang dumilap tapos ibibigay mo sa akin?" hindi pa ako tapos pero iniwan na ako at lumabas ng bahay, wala naman akong narinig na umalis na sasakyan, malamang sa bamboo set iyon nagpahangin.

***

Nagising akong himbing na himbing sa pagtulog ang mahal kong asawa.

Pinakatitigan kong mabuti ang bawat angulo ng mukha niya.

Ano bang meron ka't ang sakit-sakit sa pakiramdam na iwanan ka?

Ang isiping ako ang KARMA niya sa mga pinaggagawa niya sa buhay ay parang patalim na unti-unting tumutusok sa dibdib ko...

Ano bang naging kasalanan ko at ako pa ang karma niya. May kulang nga sa akin, hindi niya naman mapunuan. Ginagawa ko naman lahat para sa kaniya, lahat ng pang-unawa at pagmamahal ko binigay ko na pero bakit di pa rin makontento ang lalaking ito sa akin?

May kulang pa ba? Hindi pa ba sapat ng sakrispyo ko para lang mag stick na siya sa akin?

Dapat ko ba talagang pagdaanan lahat ng ito?

Nasaan ang katarungan?

'You leave HIM for him.' Bulong ng utak ko.

Kaya siguro ako nahihirapan dahil tinalikuran ko siya.

Kaya lang nahihiya na akong magbalik loob kaya nga rito na lang ako nagpe-pray sa bahay. Naiintindihan naman siguro ako ni Lord, hindi ko naman siya kinalimutan kahit tumiwalag ako sa Iglesia.

"Kaaga-aga nagda-drama ka riyan, ano naman bang problema mo?" badtrip niyang sabi na ikinagulat ko dahil hindi ko man lang napansin na gising na pala siya at mas lalong hindi ko man lang nararamdamang lumuluha na pala ako

Ganito na ba ako ka manhid ngayon?

"Wala."

Hindi kaya ako ang Karma ng asawa ko? Diba tumiwalag din siya sa Iglesia?

Pero totoo kayang may karma?

Naniniwala ako sa good karma pero sa case ko parang di ko tanggap na isa itong karma.

Paano kaya kung makipaghiwalay ako sa kaniya at bumalik kay Lord?

Bigla ko lang natanong ang sarili ko.

Napabuntong hininga na lang ako.

Tunay ngang kay hirap ng buhay may asawa, hindi ito katulad ng mainit na kanin na kapag naisubo mo ay pwede mo pang iluwa.

Guiyonpaman, asawa na lang nga ang pwedeng maging akin, kukunin pa ng iba. Tss. Hindi ako papayag! Over my dead sexy body! Dahil para sa akin, asawa lang sapat na.

****Insert background music*****

And I love you so. People ask me how, How I've lived till now. I tell them I don't know. I guess they understand How lonely life has been. But life began again The day you took my hand. And, yes, I know how lonely life can be, shadows follow me and the night was set me free.

*****

"Ma'am, bakit po kayo umiiyak?" nagulat pa ako sa tanong ng student ko, saka ko lang nararamdamang basa na pala ang mukha ko

"Wala ito, napuwing lang si teacher. Sige na balik ka na sa chair mo." sabi ko habang hinahanap sa bulsa ko ang paniyo pero di wala akong makapa, nakita ko na lang na inaabot ng bata ang paniyo niya sa akin

"Here ma'am, you can use it for as long as you want."nakangiti niyang sabi sa akin, napangiti ako bago inabot ang paniyo at bumalik na nga siya sa upuan niya

Ang swerte naman ng magulang ng batang ito.

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon