Chapter Twenty-Three:

96 3 0
                                    

Happy Chinese New Year!

My great appreciation to my Committers kenjieefajardo, bluejm22, sajetnels, samsunggalaxy, RowenaLlantada, AileenTrinida, jhoanne06172008, zephrkaye, harrines, ElvieManzanole, bolandosjessica, Wilmaregonis, kaitogreat, michelleann78, jennie0219, breadko, regiondubius, RocelynMPeracho, darlyn102116, maryroselucas5, queenjessa6, ashleykatemay, lovenbuncalan, ceilomaquiling, mbianan, AntonioCachero8 and jonalyndadaya0

Maraming salamat po sa pag appreciate ng commit series. I feel the love through your votes and this makes me feel more connected to you. 😘


Happy reading Committers!😘

Almost lunch na matapos akong makunan ng sample blood.
"Saan mo gusto kumain mahal?" Tanong sa akin ng asawa ko pagkalabas namin ng center

"Sa bahay na lang, bili tayo ng inihaw na malaking isda. Tapos kalamansi at silver swan soy sauce para sa sawsawan." Sagot ko naman habang inaabot ang helmet ko

"Sige, may pupuntahan ka pa ba?"

"Oo. Kung makakuha ako ng appointment kay Atty. mamayang hapon. Maglalaba pa ako, kundi wala akong masuot na uniform sa Monday."

"Tulungan na kitang maglaba." Alok niya naman, tumango lang ako bago umangkas sa Raider niya.

Nang makarating kami sa bahay ay agad niyang inasikaso ang sawsawan habang nakakikipag usap ako sa secretary ni Atty.Sumiuag.

"Good noon! This Claire, Atty. Bernard Sumiuag secretary. How may I help you?" Bungad ng nasa kabilang liniya matapos ang tatlong ring

"Good noon din, tanong sana ako kung may free time mamayang 6PM si Atty. Sumiuag?" Malumanay kong tanong

"Sino pong nasa linya ma'am?"

"Mrs.Laarny Solomon."

"Mrs.Laarny Solomon? Are you related to Ms.Lanielyn Cruz?"

"Yes."

"Available po si Atty. Mamaya at 6PM. Saan niyo po gustong makipag meet ma'am?" Magalang namang tanong iyon pero napasalubong na kilay ko. Pa importante ako?

"Wala bang office si Atty? Wala kasing nakalagay na address sa binigay sa akin."

"Meron naman po ma'am pero baka gusto niyo po na dinner meeting sa restaurant. Kayo pong masusunod, VIP client po kasi kayo. We are expecting your call." Ngayon nama'y napataas ang kilay ko. Ganun? Sosyal aa?

"Sige. Sa Verandah Restaurant na lang. Will you kindly set a reservation for us? "

"Reservation in Verandah Restaurant then at 6 PM. Ise-send ko po ang personal number ni Atty. Ma'am"

"Ok then, I'll expect that. Thank you, Claire."

"You are welcome, ma'am."

Tumuloy na ako sa lababo para makapag hugas ng kamay dahil nahihilo na ako sa gutom. Paupo na ako sa harap ng hapag ng magsalita siya "lalaki ang Atty. na kikitain mo mamaya?"

"Oo. Bakit?" Hindi naman lingid sa kaalaman kong may pagka seloso siya pagdating sa akin though nasa lugar naman.

Nagsimula na kaming kumain pero di pa rin siya sumasagot, napaka seryuso lang ng mukha. Umiinom na ako ng pineapple juice ng magsalita siya "pwede ba akong sumama?"

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon