Special Chapter

36 0 0
                                    

Happy reading Committers! 

"Ma'am, your case is one in a million kaya medyo nakakapagtaka kung bakit at your age wala pa kayong menstruation, but the good news is... ayon dito sa findings, normal naman po lahat. Antay-antay lang po kayo, darating din iyon."

"Wala kang bahay bata. Walang tatanggalin at wala ring idadagdag. Mula rito sa cervix mo, wala ng makita, madilim na. Wala ang uterus at iba pang parts ng female reproductive system."

Isang dekada at kalahati na rin pero umaalingawngaw pa rin sa utak ko ang resulta ng una at pangalawa kong ultrasound sa magkaibang gynecologist.

At aaminin ko, magpasahanggang ngayon, hindi pa rin ako kumbinsido sa status ng reproductive system ko.

"Gusto kong subukan magpacheck-up ulit, curious ako kung ano na ang meron ngayon." Bukas ko ng usapan isang umaga habang nagkakape kaming mag-asawa.

"Sige, gusto mo ngayon na?" maagap niyang sagot.

Kinakabahan man ay agad akong tumango. Walang pagdadalawang-isip kaming naghanda at lumakad, isang araw bago ako magcelebrate ng ika-38 kong kaarawan. 

Ibang gynecologist naman ang pinuntahan namin ngayon. Dala ko rin ang resulta ng dalawa kong ultrasound noon.

"I-re-refer muna kitang magpa-ultrasound ma'am ha? Tapos balik ka rito sa akin pagkatapos, diyan lang sa kabilang pinto." Ani doctor habang inaabot ang referral slip na agad ko ring tinanggap.

Ako lang client sa mga oras na ito kaya agad akong inasikaso habang nagpaiwan sa harap ng opisina ng gynecologist ang asawa ko kung saan may pila.

"Wow! This one is extra ordinary!" namamanghang komento ng doktora habang abala ang kamay sa paglagay ng data sa computer.

"Anong nakikita niyo dok?" curious kong tanong habang pinapanuod ang screen na black in white lang naman.

"Napakaliit ng size ng uterus ma'am, usually po kasi nasa 3 to 4 cm pero ang sa inyo parang pang infant lang kalaki. I hope you don't mind, may menstruation po ba kayo?"

"Iyon nga pong problema ko doc, wala po, never kong na-experience." Paliwanag ko na ikinatango-tango niya

"Aa that's understandable, kasi pati sukat ng right and left ovary mo, maliit din ito kumpara sa normal size, usually 2 by 2 or 3 cm, ang sa iyo po very cute, hindi po ito basta-basta makikita kung hindi kasing high-tech ng gamit natin ngayon." Paliwanag niyang ikinahinga ko ng malalim. Unti-unting nagsi-sink-in sa akin ang sinabi niya.

"Wait...May bahay bata na ako? I mean, meron talaga? Hindi lang makita noon?" tanong ko bago nagpaliwanag na hindi ito makita sa pangalawa kong transvaginal ultrasound dahil madilim na daw at hindi rin naipaliwanag noong una kong check-up na transrectal ultrasound dahil ang sabi lang noon, normal daw lahat.

"Yes po meron. Inborn ito ma'am, hindi lang na fully develop... kung baga po mula ng ipanganak ka hanggang doon na lang ang development ng reproductive system niyo po, hindi na lumaki." Paliwanag niya pa.

Mas nalinawan ako ngayon kumpara noon, meron naman pala, hindi lang siya makita noon sa transvaginal ultrasound.

"I'm curious. I would like to know, is your breast, real?" tanong ng ultrasonologist matapos niyang ipaliwanag ang resulta ng ultrasound ko.

Imbes na ma-offend ay napangiti ako bago proud na sumagot, "Opo, totoo ito, 34 C."

"How about po ang sexual life mo ma'am?"

"Sa awa ng Dios, hindi naman po ipinagkait sa akin ang marating ang langit. 100% normal po."

Natatawa kong sagot na ikinatango-tangong muli ng babaeng doctor bago ako nagpaalam para bumalik sa gynecologist sa kabilang pinto dala ang resulta.

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon