Chapter Twelve:

120 0 0
                                    

3 years later

"Mahal, pasuyo naman ako ng sisidlan ng tools." Sabi ng asawa ko sa likod ng bamboo sofa bed kung saan ako nagcocompute ng grades

May inabot akong box sa kaniya mula sa gilid ng upuan kahit di ko tiningnan

"Maganda ka nga, tanga naman!" napalingon ako sa sinabi niya habang hawak- hawak ang binigay kong sabonera pala


"Ginawa ako ng Diyos na MAGANDA para pakasalan mo ako. At ginawa ako ng Diyos na TANGA para pakasalan kita!" nakasimangot kong sagot

"Dinamay pa ang Dios."

"Namemersonal ka ee. Hindi ko naman sinasadyang maiabot ko, kita mo naman kasing busy ako rito dahil may hinahabol akong deadline, disturbo ka, kalapit naman sa iyo ang toolbox mo." naiinis kong depensa

"Oo na, ako na nga may kasalanan, lagi naman... umiinit ka agad diyan,gusto mo ba magpa-init tayo ngayon,mahal?" nang-aakit niyang sagot

"Mahiya-hiya ka nga! Hindi ka pa na kontento sa init ng araw?"

"Iba naman iyon mahal, sige na lambing lang ng asawa mo."pabebe effect niya pa

"Tantanan mo nga ako Baldomero!" asar ko ng sabi

"Oh? Nakalimutan mo na sinabi ni mayor nun?" pangungunsensya niya pa

"Naalala po,ang sabi po malibang pagkasunduan niniyong huwag munang magsiping upang maiukol niniyo ang panahon sa pananalangin at ako poy nananalangin na kung iyo munang mararapatin,akin muna po itong tapusin bago ang iyong naisin. "

"Ok ok."sagot niya namang nakangiting nilisan ako habang pasipol-sipol pa

***

"Hindi ka pa tapos diyan, mahal ko?" bigla niyang tanong mula sa likod ko saka minasahe ang balikat ko.

"Aaah sarap! malapit na po, dalawa na lang. Bakit?" nagtataka kong tanong rin dahil kagigising lang nito, matapos mag-ayos ng motor samantalang ako hetot hindi pa rin tapos magcompute ng grades ng 7 section na may tag singkwentang mag-aaral

"Bihis ka pagtapos mo riyan, pasyal tayo." Yaya nito habang minamasahe pa rin ang balikat ko. Medyo na-excite ako kaya napangiti ako.

"Sige, wait lang."sagot ko bago binilisan ang ginagawa, iniwan niya ako at pumuntang kusina

"Gusto mong kape mahal?" tanong niya

"Yes please." Tugon ko ngunit makailang saglit lang ay nahagip siya ng paningin ko

"Oh saan ka punta?" nagtataka kong tanong, nagmmadali kasi itong lumabas ng bahay

"Bibili lang ako ng tinapay mahal."sabi nito sabay kindat pa

Sakto namang pagbalik niya ay tapos ko na rin ang ginagawa ko.

Matapos naming magmeryenda ay nagbihis na ako habang naghugas naman siya ng ginamit namin. Patapos na akong mag-ayos ng pumasok siya

"Wow! bakit ang ganda mo mahal?" nangingislap pa ang mga matang tanong nito habang nakatayo sa may pinto

Napatingin naman ako suot kong navy blue dress na pinaresan ko ng airwalk shoes.

"Nambobola ka na naman ee."reklamo ko dahil hindi niya pa rin ako tantanan ng tingin

"Nagsasabi lang ng totoo, mula ng makilala kita hanggang ngayon hindi pa rin kumukupas ang ganda mo mukha ka pa ring teenager." sabi pa habang papalapit sa akin

"Asus! Magbihis ka na nga! Dami mong satsat."

"Ang sungit naman ng sexy kong asawa." Hirit niya pa saka ako hinapit sa baywang at siniil ng halik, panira ng lipstick

***


Nakahanda na ang alcohol at cotton pagpasok sa kwarto ni Reni, simula ng magsama kami I make sure na makuskusan ko ang likod niya dahil wala ng space para sa bagong tagyawat at sa tulong nga ng alcohol, makinis na ngayon ang kaniyang likod. Dagdag seremoniya na lang sa ito sa night moment namin bilang mag-asawa.

Nagising ako sa ilaw mula sa cellphone ni Reni. May Jasmine na tumatawag. Napasulyap ako sa himbing na himbing na pagtulog ng mahal kong asawa.

Hindi lang ito ang una,ikalawa o ikatlong beses...maka-ilang ulit na, na nahuli ko siyang may kinahuhumalingang babae.

Agad kong kinuha ang numero ni Jasmine saka sinave sa phone ko.

Minsan niya na lang nga akong dalawin dahil doon na siya sa lugar ng magulang nila namamalagi para mamili ng murang bigas at mga gulay saka ideliver dito sa syodad. Panatag ang kalooban ko kung naroon siya kasama ng pamila niya pero araw-araw at gabi-gabi akong nababagabag tuwing may delivery siya samantalang kay sarap ng tulog niya.

Napasulyap akong muli sa gawi niya bago pumikit. Dios ko po, tulungan niyo ako. may bago na naman akong katatagpuin bukas.





--------------------

A/N: Update is whenever.

Thank you for reading committers! Until next time!

--------------------

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon