Chapter Thirteen:

102 0 0
                                    

#WifelyDuties

Nagising ako kinabukasan hindi dahil sa yakap asawa kundi sa nanginginig at mainit niyang katawan.Automatic ang pagsapo ng palad ko noo niya kahit pumikit pang muli ang mga mata ko puyat ng kakaisip sa bagong babae niya.

"Masakit ulo mo mahal?" nag-aalala kong tanong, tumango lamang siya bilang tugon habang nangangatog sa lamig.

Bumangon ako para kumuha ng gamot sa emergency kit ko saka tumuloy sa kusina para kumuha ng tubig bago bumalik sa kwarto.

"Inumin mo muna itong paracetamol mahal ko, para bumaba ang lagnat mo." malambing kong sabi sa tabi niya, dahan-dahan naman siyang bumangon saka inabot ang mga dala ko.

Tumayo ako at kumuha ng isa pang comforter para ipatong sa kumot niya nang bumalik siya sa pamamaloktot.

Kumuha na rin ako ng planganita na may malamig na tubig at alcohol. Pinusan ang kaniyang mukha, leeg at braso saka minalagi ang bimpo sa noo niya.

Bumalik ako sa kusina para magsalang ng tubig. Hindi na muna ako nagtoothbrush upang atupagin ang mga ingredients ng lulutuin kong sopas.

Agad kong kinuha ang iniwan kong basang bimpo sa noo niya na ngayon ay tuyo na. Kinapa kong muli ang noo niya bago umupo sa gillid ng kama, medyo mainit pa rin pero tumigil na siya sa panangangatog. Agad naman siyang nagising, nagulat pa ako ng bigla niya akong hilahin pahiga saka pinulupot ang braso sa baywang ko mabuti na lang at nailapag ko na sa katabing lamesita ang dalang mainit na sopas at kape.

"Kaya mong bumangon?" halos pabulong ko lang nasabi pero umiling naman siya

Kinalas ko ang braso niyang nakayapos sa akin at dahan-dahang bumangon, kumaha ng isa pang unan para dagdagan ang gamit niya, hindi naman ako nahirapang i-angat ang ulo niya dahil kusa naman niyang ini-angat.

"Subuan na lang kita." Tumango naman siya bilang pagsang-ayon

"May chicken sandwich sa kusina, gusto mo?" tanong ko matapos niyang ubusin ang isang mangkok ng sopas at habang pinapa-inum ko ng kape.

"Ok na ako. kumain ka na. salamat sa masarap na sopas" malambing niyang sabi sabay kiss bago pumikit ulit, tinangal ko muna ang isang unan bago lumabas dala ang mangkok at tasa.

Igugugol ko na lang ang buong maghapun sa pagluluto at pag-alaga sa asawa ko. Ipagpapaliban ko muna ang pakikipagtagpo kay Jasmine. There's always a perfect timing for everything.

Habang pinagmamasdan ko siyang matulog, iba't ibang tanong ang gumugulo sa isipan ko.

Saan ba ako nagkukulang sa iyo Reni? Inaalagaan naman kita pagnandito ka. Hindi naman ako tumatanggi kapag kailangan mo ako. pinagbibigyan ko naman mga kapritso mo.

Saan ba ako somobra? Sa pagmamahal?

Saan ba ako dapat lumugar diyan sa puso mo?

Hindi ko maisatinig, nasasaktan ako. Tumalikod na ako bago pa pumatak ang mga maalat na tubig, parang love life ko... may flavor. Tinungo ko ang sala para manuod pero kapag swerte, karelasyon ang palabas at tungkol pa mag-asawang nangangaliwa ang topic.

Pinatay ko na lamang ang telebisyon at nagtimpla ng kape. Kumuha ako ng limang kutsarang nutella para iflat sa plato at ilagay sa freezer. Habang pinapatigas ko pang palaman, pinaghalo-halo ko naman ang harina, itlog, asukal at gatas bago isinalang ang pan. Isa ito sa mga paborito naming mag-asawa, ang nutella pan cake.

Sakto namang patapos na akong magluto ng magising si Reni.

"Ang bango naman niyan mahal." Hindi ko namalayang nasa likod ko na pala siya

"Oh, bat tumayo ka na?"

"Kaya ko na, magaling ang doctor ko e." sabi niya habang nilalantakan ang luto ko

"Bolero!"

"Totoo naman. hmm ang sarap pa rin" tukoy niya sa pancake

Hindi naglaon ay may humintong sasakyan sa harap ng bahay.

"Tao po! Tito Baldo? Tita Laarny?" sigaw ng mga pamangkin niya kasama ng kapatid niyang si Marga.

Biglang nagkaroon ng ingay ang bahay dahil sa tatlong bata.

"Gaano na kaya kalaki ang anak natin ngayon kung nabuntis ka?" tanong niya habang nanunuood sa mga bata, kasabay ang isang milyong boltahe ng kirot sa dibdib ko.




--------------------

WARNING: This portion is Rated SPG. Not suitable for young readers! pero denelete ko. Di ko kaya. sorry guys. baka ipa-TOKHANG ako ni ate kaya hindi ko na in-upload. Parang hindi po kasi makatotohanan ang buhay may asawa nila kung walang bed scene kaya itry my best na gawan but in last minute I decided na huwag na lang ishare, hindi baleng konti ang magbasa at least wala akong niyurakang pagkatao. Sapat ng malaman kong kaya ko ng magsulat ng ganun. Abangan niyo na lang po sa ibang kwento nalilikhain ng inyong abang lingkod. Hope you understand. muah

Thank you for reading committers! Until next time!

--------------------

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon