Chapter Nine:

117 1 0
                                    

#CallingForAChange

"Ano mga bakla? Operation Sagip Puso tayo?" tanong ni Donna kina che at Diane, nakita ko pang kumindat si Donna

"Ligo ka na ate, may pupuntahan tayo." Sabi naman ni che

"Saan?" curious kong tanong

"Susugurin natin ang babae ni kuya Baldo." Sabi naman ni Diane

"Di nga? Ano namang gagawin natin doon sa babae niya?" di ko talaga masakyan nasa isip ng mga batang ito

"Isa salvage natin, kaya maligo ka na." sabi naman ni Donna

***

Akala ko naman talagang pupuntahan namin ang babae ng asawa ko, iyon pala sa mall lang kami pupunta.

"Anong gagawin natin dito?" dismayado kong tanong sa kanilang tatlo

"Relax ate, may kailangan muna tayong ayusin bago isalvage ang babae ng asawa mo." sabi ni Diane

"Anong aayusin?" clueless ko namang tanong

Hinawakan naman ni Donna ang dalawang balikat ko bago tiningnan mula ulo hanggang paa tapos pina ikot.

"Kailangan malaman ng asawa mo, kung ano ang mawawala sa kaniya. Let's go." Sabi pa ni Donna sabay hila sa akin papasok, gusto ko sana pumalag kaso nasa likod ko ang dalawa, tulak tulak ang likod ko.

Una nila akong pinapasok sa mga jeans.

"Sukatin mo mga ito ate." Sbai ni Diane habang inaabot ang tatlong ibat ibang branded na pantalon

"Hindi ako nagsusuot niyan." Sabi ko kanila

"Kaya nga naghahanap si kuya ng iba kasi look at yourself... baka hindi na iyan ang tipo ng asawa mo. keri na iyan, hindi ka na rin naman nagsisimba." Sabi naman ni Diane

"Grabe kayo sa akin."

"Isukat mo na, kung di mo gusto, di huwag mong bilhin. Ganun lang iyon pero sa mga oras na ito, pagbigyan mo na kami para sa iyo iyan." Sabi naman ni Donna

Tumingin ako kay che dahil kanina pa siya tahimik

"Try mo tita kung kakagat sa pagbabago mo si tito, kung walang epekto saka natin idaan sa santong paspasan. Try muna natin sa santong dasalan." Sabi naman nito, kaya kinuha ko na nag pantalon na hawak pa rin ni Diane

Pinasukat din nila ako ng ibat ibang klaseng sexy at eleganteng dress kaya lang di ko na pinatulan ang mga iyon. Hindi naman rich kid si Reni.

Tinungo naman namin ang jewelry section matapos makabili ng ilang pantalon at mga bagong damit.

"Wala namang butas taenga ko." Sabi ko ng iabot ni Diane ang earings.

"Ate, kaya nga tayo nandito." Sabi naman ni Donna bagi kinausap ang saleslady

"Miss diba may pambutas kayo ng ear? Virgin pa kasi taenga ni ate namin ee." Sabi niya pa sa saleslady

Siniko ko siya para tumigil pero di nagpaawat.

"Ee bakit? totoo naman. hikaw lang bibilhin natin."

Hindi na lang ako tumutol pa, anyway, maybe it is time to call for change.

Huli naming tinungo ang parlor. Sabay sabay kaming nagpalinis ng manicure at pedicure na apat.

"Anong kulay po gusto niyo ma'am?" tanong sa akin ng naglilinis

"Lagyan mo nga ng Red." Sagot ko

"Huwag na ate, simplicity is beauty." Sabi naman ni Donna

"Akala ko ba for a change?" reklamo ko sa kanila dahil tatlo sila na hindi nagpalagay

"Ibang usapan kasi ang koko. It reflects inner beauty." Paliwanag naman ni Donna pero hindi ako nagpapigil, pinalagyan ko ng pula ang paa at kamay ko.

Nang matapos, akala ko uuwi na kami iyon pala sila lang ang tapos na.

"Ms. Paki rebond po hair ni ate namin, tapos paki putulan ko hanggang lagpas balikat." Dinig kong sabi ni Donna

"Oi, huwag na. wala na akong pera." Reklamo ko

"Sagot namin itong tatlo kaya umupo ka na riyan." mga bastos talaga itong makipag usap sa akin, ako pa rin matanda sa kanila pero minsan pakiramdam ko ako ang bunso.

"Hanggang lagpas balikat talaga? Sure kayo roon?"napahawak pa ako sa lampas talampakan kong buhok na araw-araw kong tinitirentas bago ipusod.

"Ate, say no to old maid look na." malambing na tugon Donna

"Ok."sang-ayon ko na lang

"Dito po tayo ma'am." aya sa akin ng taga ayos ng buhok.

Ano pa nga ba?

Total transformation pala ang gusto ng mga batang ito, hindi man lang ako na inform. Nakakapanghiniyang ang ilang taon kong inalagaan ang buhok ko pero ... ayaw ko na ng dating ako. masyado nang masakit.

"Wow!" nakangiting react ni che ng lumabas ako, roon lang kasi sila sa waiting area.

"Ang gandang hindi mo inakala." Sabi naman ni Diane

"Gorgeous! Now it's time to do your part. Akitin mo ng bonggang-bongga iyang asawa mo nang hindi na tumingin pa sa iba. Pero once na nahuli mo pa rin siyang may babae inspite of all the effort you've done, I promise you ate, isa ako sa magpapalayas diyan sa asawa mo sa pamamahay mo." mahaba at madiing sabi naman ni Donna, na touch naman ako kaya niyaya ko na silang kumain sa unli rice, syempre tuwang tuwa naman ang mga bruha.

"Pero huwag tayong mag-expect ng husto, sabi nga, once a cheater always a cheater. Ang iba diyan mas maganda pa sa atin pero pinagpapalit pa rin." Negatibong komento naman ni Che.

"Oo nga pero kanina pa kami gutom." Sabi ni Diane





-----------------

A woman marries a man expecting he will change, but he doesn't.
A man marries a woman expecting that she won't change, and she does.

-----------------

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon