Chapter Five:

261 5 0
                                    

-----------------

A/N: Ang susunod na eksena ay may temang hindi angkop sa mga bata o isip bata o nagpe-feeling bata o nagpapabata, pwede pong laktawan ang chapter na ito.

-----------------

"May problema ba?" tanong niya ng di makatiis sa pananahimik ko

"Bakit kanina ka pa ganiyan?" tanong niya ulit nang di pa rin ako sumagot

"Masama ba pakiramdam mo?" umiling lang ako

"Gusto mo ba ihatid na lang kita pauwi?" tinamaan na ako ng konsensya sa tanong niya

"Sorry ha? Hindi ko kasi alam kung papaano sasabihin sa iyo..." naguguluhan kong panimula

"Ang ano?" nakakunot noo niyang tanong

"Baog ako." napatulala lang siya. tumalikod at naglakad lakad.

Pakiramdam ko, mas masakit pa ito kaysa sa malamang baog ako. Ang isipin at makitang nagdadalawang isip na siya kung magugustuhan ka pa rin ba o hahanap na lang ng kompleto.

Ang sakit bes.

Hindi ko namalayan pumapatak na pala ang luha ko kung di lang siya humarap at pinahid ng hinlalaki niya ang basa ko nang pisngi.

"Shhh huwag nang umiyak. Marami namang alternative sa panahon ngayon. Huwag ka nang malungkot, mahal na mahal kita." Pabulong niyang sabi habang yakap niya ako.

Hindi ko na pinigilan ang sariling suklian ang mainit niyang yakap.

"I love you too." Sagot ko kahit garalgal na ang boses ko.

Bahagya niyang inilayo ang katawan sa akin at nakangiti niya akong tinitigan bago siniil ng halik sa labi.

He's a good kisser by the way.

"May aaminin din ako sa iyo..." mahina niyang bulong habang nakayakap ako sa kaniya, dahan-dahan akong kumalas at tumingin sa mga mata niya, hindi na ako nagsalita... I'm pretty sure nababasa niya na sa mga mata ko.

"May anak na ako sa naging girlfriend ko dati pero ayaw niyang panagutan ko..."nakayuko niyang sabi.

Hindi pa rin ako naka-imik, well... mabuti na rin siguro iyon at least, hind ko man siya mabigyan anak, alam niyang meron na siya, sa iba nga lang. napabuntong-hininga ako.

"Wala kang balak kunin kapag malaki na?" perhaps we could try the alternative na sina-suggest niya.

"Ayaw ngang magpasustento akin, malamang mas lalong ayaw niyang ibigay iyon." Sabi niya bago ako niyakap ulit.

"Hayaan na natin iyon, we'll get through this. For as long as you have me, I have you, we have us...nothing else matter."

Tonight, I give up everything to him. Para saan pa ang pagpapakipot kung hindi naman ako mabubuntis?

--------------------

A/N: Syempre isang malaking CHARUT ang bed scene, bukod sa hindi ako marunong, ayaw ko lang subukin baka paslangin ako ni Ate!

Enjoy reading committers!

--------------------

I must admit I am against pre-marital sex before, but in my situation right now, I guess I am the only exemption.

Naging parang ang bilis ng bawat oras na kasama ko si Reni. My life turns up side down. Naging apple of the eye ko si Reni. I never thought I could be like this, ang akala ko noon isa akong mahinhin na babae, ngayon parang bigla nagbago lahat ng pananaw ko sa buhay like I can make green jokes now siguro dahil sa experience.

--------------------

A/N: Gagawa na lang po ako ng ibang kwento, ang hindi kasama sa commit series para pwedeng lagyan ng pang inosenteng scene. Wala po akong balak lagyan ang commit dahil ito po ay may kagalang-galang at respitadong totoong mga pangalan sa iba't ibang industriya. Ang ilan sa kanila ay maaaring kakilala niyo pa.

PS: mas maraming authors note kaysa sa kwento. Bwahahaha

Thank you for reading committers!

--------------------

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon