Chapter Sixteen:

108 2 0
                                    

"Surprise!" agad kong sabi ng pagbuksan ko ng pinto si Donna sabi niya kasi kanina, may surprise raw siya sa akin, ee mukhang nahuhulaan ko na kung sino?

Nakangiting mukha ni Donna ang nakita ko sa labas.

"Haha surprise!" bulaga sa akin nang nagmamagandang si Diane mula sa may pader kaya hindi agad makikita sa loob

"Haha miss you, tuloy kayo." Pagpa-unlak ko sa kanila

"Kumusta 'te?" tanong ni Diane

"Ayos lang, ikaw? May nabasa ako sa status mo, ano iyon? Seryuso?" tukoy ko sa pagpalit niya ng status mula single – engaged.

"Wala, kayo naman, parang hindi niyo ako kilala, laro-laro lang iyon." Paliwanag niya habang nilalaro si Azenette

"Ikaw, ayusin mo ang buhay mo ha? Ano iyon, nagkita na kayo sa personal?" curios talaga kasi ako sa love life ng isang ito, hindi pa nadala noon, inulit pa talaga. Oo, bombay na naman ang bf niya.

"Wala pa, kaya nga laro-laro lang iyon. Bakit naman ako magpapakasal sa lalaking di ko kilala?"

"Aw, mabuti't alam mo dahil kung hindi, sasamain ka talaga ngayon sa akin."

Malulutong niyang tawa ang umalingawngaw sa loob ng bahay

"Si che iyon maganda rin i-hot seat ee." Singit ni Donna, hay ewan ko ba sa mga babaeng ito napaka-weird ng mga lovelife

"Ay oo. Hindi rin ba niya sinasagot si Blue?" tanong ko

"Wala pa raw." Sagot ni Donna

"Ha? Ee bat may nakita akong profile niya na naka couple shirt sila? Ano iyon? Pashowbiz lang ang peg? Parang ALDUB at KathNiel na laging sinasabi to see is to believe, pinapuzzle pa ang mga nakakakita kung gaano sila ka sweet sa isa't isa tapos sasabihin hindi sila."

"Haha hayaan mo na iyon te, sumasakit din nga ng ulo ko kakaisip sa magulong bolbol ng isa na iyon.hahaha" sagot pa ni Donna

"Mabalik pala ako sa iyo girl, ang ex mo ba dati, nag-ano kayo?" biglang sabi ni Donna habang nakanguso, napangiti naman ako sa tanong bago ibinalik ang atensyon ko kay Diane

"Oo naman." deretcho niyang sagot

"Saan?"

"Sa lips, syempre."

"Gaano ka tagal?"

Napa-isip naman si Diane kaya tumawa kami ni Donna

"Mga 5 minutes?"

"Ganun? sa public place kayo naghalikan in 5 minutes?" bulalas ni Donna

"Oi, hindi noh? kaming dalawa lang." paliwanag naman niya

"Oh tapos?" nabibiting tanong pa ni Donna

"Ano?"

"Anong sabi niya, after the kiss?"

"I'm a bad kisser daw. Pinag-isipan ko nga ko kung ano ibig sabihin ng bad kisser, ee siguro nga bad. haha" nagtawanan kami sa sinabi niya

"Alam niya ba na siya ang first kiss mo?"

"Oo."

"ee bat di ka niya tinuruan sa loob ng 5 minutes?" natatawang tanong pa rin ni Donna

"Tinuruan niya ako, iyon nga hindi ako natuto."

"Hahaha bad kisser ka nga." sabi ni Donna

"Gaano ka pala katagal dito? Sabi ni che, punta raw siya rito sa Saturday night pa."

"Ngee, tatlong araw lang ako rito, may lalakarin pa ako sa Friday, tapos Saturday flight ko na."

"Ganun? sayang naman di man lang tayo makompleto, si ting nagpakasal na." pag-inform ko sa kaniya

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon