Chapter Twenty-Nine:

83 3 0
                                    

Kinabukasan, alas otso na kami nakalabas dahil inantay pa si doc para sa clearance at para makapagpasalamat na rin ako ng personal.

Sinalubong kami ng tatlo sa may gate kasama sina sachet at pack pagkababa namin ng tricycle habang nakamotor naman ang asawa ko. Kapag may time mag-aral ako mag drive ng kotse para magamit namin ni baby.

"Arf,arf, arf!" Bati ni pack

"People and pet, please meet baby lynlyn!" Pakilala ko sa karga kong mahimbing na naman ang tulog hindi man lang nagising sa ingay ni pack habang so sachet ay tahimik lang sa tabi ko

"Hello baby! Ang ganda mo naman!" Ani ni Claire dahil siya ang mas malapit saka niya kinuha ang ilang bagahe namin ni baby sa likod.

"Welcome home baby lynlyn!" Ang sabi naman ni Marie na halatang masaya sa pagdating ni baby

"Pwedeng makarga ma'am?" Saad naman no Manang na bahagyang lumapit

"Sure!" Maagap kong sabi bago dahan-dahang iniaabot sa kaniya si baby

"Ang puting bata, halatang matangkad paglaki. Pwera buyag." Sabi niya habang naglalakad na kami papasok.

"Kumusta po kayo rito?" Tanong ko habang nakasunod kay manang

"Ayos naman ma'am, kaso sila pack at sachet ang ingay kagabi rito sa labas kaya pinapasok na namin sa loob kaso sa sofa natulog." Kwento nito na hindi ko na ikinagulat

"Sanay po kasi silang nasa loob ng bahay. Papagawan ko na lang or bilhan ng malaking kulungan para sa labas sila nagbabantay kapag gabi. Baka ma-allergy si baby sa balahibo nila."

"Oo nga po. Kumain na po muna kayo, Marie paki prepare ang hapag." Sabi nito ng makarating kami sa sala, alerto namang sumunod si Marie habang si Claire ang nag-ayos ng mga dala namin

"Kumain na po ba kayo?" Tanong ko bago umakyat muna para makaligo

Nang bumaba ako ay abala sila sa pagpasa-pasahan kay lynlyn habang inaantay naman ako ng asawa ko para makapag-almusal.

"Aalis ka ba agad para magsundo?" Tanong niya habang kumakain kami

"Hindi pa. Paliguan ko muna si baby."

Matapos kong kumain ay naghanda ako ng maaligamgam na tubig sa timba katabi sa maliit na bathtub kung saan ko inilapag ang higaan na paliguan sa loob ng cr na nasa kwarto ni lynlyn bago ako naglatag ng twalya niya sa kama at inihanda ang damit nito.

"Time to bath baby!" Sabi ko bago kinuha kay manang, agad naman siyang sumunod sa kwarto ni baby habang nanunuod lang sa paghubad ko sa damit ni baby.

"Ay manang pa prepare po pala ng diaper ni baby, nakalimutan ko." Bago ko dinala si baby sa baniyo na ngayon ay nakamulat na

"Ready to take your first bath here?" Pagka-usap ko bago inilapag si baby na siya namang pag-iyak nito

"Naku! Ayaw mong maligo? Kailangan iyon dahil mainit dito sa Pilipinas." Sabi ko pa bago dahan-dahang binasa ang ulo nito ng maaligamgam na tubig habang naka-alalay ang kaliwang kamay ko sa likod ng ulo niya para itiklop ang kabilaang taenga ni baby, iwas pasukin ng tubig . Nang mabasa na ang buong katawan nito bago lang ito tumigil sa pag-iyak.

"Now you love taking bath huh?" Tahimik na itong nagpapa-ubaya na lang itong buhusan ng tubig. Naglagay ako ng baby liquid soap ss maliit at malambot na towel bago sinimulang ikuskos ng dahan-dahan sa malambot niyang katawan.

Matapos ko siyang banlawan ay dahan-dahan ko siyang kinuha sa higaan niya bago dinala at inilapag sa tuwalya para tuyuin at mabihisan.

Samantalang si Manang ang nagliligpit ng ginamit namin ni baby sa banyo.

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon