Chapter Twenty-Two:

Magsimula sa umpisa
                                    

Makalipas ang ilang sandali ay sumunod na siya sa kwarto at nakasandal lang sa headboard ang likod habang nakatingin sa akin. Pinabayaan ko lang at ipinagpatuloy ang ginagawa. Alas dyes na ng gabi ng matapos ako saka tumabi sa kaniya at nauna ng mahiga. Sumunod naman siya at nilagyan ng kumot ang katawan namin saka ako pinaunan sa braso niya niyakap ng isa ngang kamay.

"Mahal, ang tagal ng tigang ni jun-jun" bulong niya sa taenga ko, nakikiliti ako sa tumutubo ng balbas niya at ang init ng hininga niya sa may batok ko banda

"Hindi pa pwede." Sagot ko sabay hawi sa kamay niyang naglalakbay na papasok sa t shirt kong suot

"Bakit naman?" Pangungulit niya pa habang naglalakbay na naman ang isang kamay sa hita ko na agad ko namang pinalis.

"Huwag kang makulit at malikot!" Inis kong sabi sa kaniya

"Please." Bulong niyang sabi na akala mo hirap na hirap na

"Nakaya mo ng isang buwan na wala, kakayanin mo ulit ng isang buwan pa. Gusto kong makasigurado, magpapatest ako ulit bukas kapag nag negative ako saka pa lang ako matatahimik." Paliwanag ko sa kaniya

"Hindi pa rin pala tayo tapos diyan? Sana sumabay ka na lang sa akin ee di sana ngayon may result ka na rin." Naiinis niya namang sagot, tumahimik lang ako, di ko alam kung sasabihin ko ang sakit ng kabit niya

Siya naman ang napabuntong hininga bago inalis ang braso na inunan niya ng ulo ko bahagya pang lumayo ng konti sa akin saka tumalikod ng higa.

Tss.

Tampururot.

"Isang beses lang ba may nangyari sa inyo ni Lanielyn?" Curious kong tanong, napalingon naman siya sa akin

"Siya ang nanay ni baby?" Gulat niyang tanong kaya napasalubong ang kilay ko

"Oo." Pabulong ko lang halos na sagot

"Paano nangyari iyon? Wala man nangyari sa amin. Hindi siya kasama sa mga babae ko noon." Magkasalubong rin ang kilay niyang pahayag. Natahimik ako.
Bakit sinabi niyang asawa ko ang tunay na tatay?

"Alangan naman nagsisinungaling ang kamamatay lang na tao?" Tanong ko naman sa kaniya

"At alangan naman na ako ang nagsisinungaling ngayon. Matagal na akong nagbagong buhay..." Defensive niya namang sagot

"Hindi ko naman sinabing sinungaling ka, tinatanong ko lang kung bakit siya nagsinungaling."

"I dont know. But I swear kahit mag pa DNA test pa ako sa bata, hindi sa akin iyon."

"Sino ba si Lanielyn sa buhay mo?"

"Girlfriend iyon dati ng barkada ko. Pero matagal ko ng hindi nakikita iyon."

"Alam ba ng barkada mong nabuntis niya iyon?"

"Hindi ko alam. Wala mang nabanggit sa amin." Nakatitig lang ako sa mga mata niya habang nagsasagutan kami at mukhang hindi naman siya nagsisinungaling. Sa tagal na naming nagsasama, alam ko kung kailan niya ako niloloko. Napabuntong hininga na lang ako bago pumikit.

"Matulog na tayo. Maaga pa tayong kailangan bukas ni baby." Sabi ko habang nakapikit pa rin. Naramdaman ko namang niyakap niya ako ulit at hinalikan sa buhok.

"Good night mahal. I love you so much. Aantayin kita." Sabi niya pa bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman.

Kinabukasan ay bumalik ako sa lying-in kasama si Reni. Habang abala siya sa pag fill-out ng birth certificate ni baby, tinawag naman ako ni Doc para sa newborn screening.

Kanina habang papunta kami rito at sinabi ko nang gusto ipamana ni Lanielyn ang pangalan niya sa bata.

"Paki karga si baby mommy." Nanikip pa dibdib ko na parang di na ako makahinga sa pagtawag sa akin ng mommy ni doc. Paano lang kaya kung si baby lynlyn na mismo ang magtawag sa akin nun. Napangiti ako habang dahan-dahang inaakay si baby mula sa kinahihigaan niya

"Hindi kasi tulad ng sa matanda na sinisipsip lang ng syringe ang dugo. Dito po kailangang pumatak lang galing talampakan." Paliwanag ni doc habang naghahanda ng mga gagamitin.

Hinubad ni doc ang pants at socks ni baby bago tinalian ng goma sa baba ng tuhod sa kanang paa. Bahagya pang nagulat si baby lynlyn kaya nagsimula itong umiyak. Nakaramdam ako ng awa sa sanggol habang paulit-ulit na hinahatak ang paa niya pababa para bumaba ang dugo sa talampakan.

"Uwaaaaa! Uwaaaaa!" Hiyaw ng munting sanggol sa may dibdib ko, hindi ko mapigilang hindi maiyak sa sobrang sakit na nararamdaman ni baby parang dinudurog din ang puso kong nakatingin sa namumula niyang paa lalo na ng isang patak pa lang ang lumabas, kinakailangang hatakin ulit ang paa niyang napakalambot pa.

This newborn screening procedure is so heartbreaking.

"I'm so sorry baby." Naluluha kong bulong sa taenga ni baby but of course it won't ease the pain.

Sana hindi na lang ako ang nagkarga, ang sakit sakit sa dibdib.

Matapos ang makahabag damdaming tagpo ng newborn screening ay ininalik muna siya sa incubator. Oobserbahan muna raw ng isang linggo, kung ok na pwede na umuwi. Ako nama'y nagtungo sa HIV test center para makasiguradong healthy pa rin ako. Syempre sumama siya.




Sana bago ako mag birthday tapos na ito. Tiwala lang. 💪

Her Husband (Commit #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon