'Miss ko na siya'

Nakangiti akong bumaba sa kotse at tinahak ang daan papuntang gym,may practice kasi kami ng basketball tuwing umaga kailangan kasi namin maghanda para sa interhigh.Pagpasok ko palang sa gym ay sinalubong na ko ng mga tropa ko.

"Oyyyy Xavier"

"Xavier my men wazzup"

"Uyy musta na?"biglang sulpot ni Henry sa likuran ko at inakbayan ako.

"Okay naman..maayos na ang business namin"sabi ko at inilagay ang gamit ko sa bench.

"Ayos yun..malapit na ang sembreak finally makakapagpahinga na tayo"aniya at umupo sa bench ako naman ay nananatiling nakatayo at nakatingin sa kaniya.

"Okay nga yun!Pagod na pagod na ko pare BS Managment ang course ko,ang sakit sa ulo lalo na yung mga major subject"

"Wow naman pare anong sinabi ng BS Managment mo sa kinukuha kong Law pare alam mo yung Bill of Rights makapal yun ang sakit sa ulo put*"nakasimangot na sabi ni Henry kaya naman natawa ako dahil ang epic ng muka niya.

"Ano nga palang balak mo sa sembreak?"pag-iiba ni Henry sa usapan,napangiti naman ako ng maalala ang planong naisip ko.

"Oyyy anong ngiti yan?"

"Yayayain ko kasi si Lexi pumunta sa Disney Land actually kakabili ko lang nung ticket last day"nakangiting sabi ko.

"Cool,edi romantic yun for sure"panunukso niya,nginitian ko nalang siya at nagpatuloy pa sa pagkukwentuhan.Sa kalagitnaan ng pagkukuwentuhan dumating si Coach at pinag warm up na kami.

"Daniel ipasa mo sakin"sabi ni Henry,kaya pinasa ni Daniel na binabantayan ni Nathan.Agad naman shinoot ni Henry ang bola..2 pointss

Binabukaran ako ni Nathan ngayon kaya nag cross over ako para malampasan siya at nag lay up.Tumagal pa ng tumagal ang practice namin hanggang sa maya-maya....

"Xavier!Xavier si Lexi pinagkakaisahan nila Allison sa canteen"biglang sabi nung lalaking pumasok  lalaking  sa gym,agad naman ng nanlaki ang mata ko at wala sa sariling naibato ang bola at nagmamadaling umalis sa gym.Pansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao tapos yung iba nagbubulungan pa,pero hindi ko na pinansin yun at nagmadaling pumunta sa Canteen.

"You bitch!Hah!Hindi ka pa nakuntento sa isa ah!You two timer"maarteng sabi ni Allison at sinipa si Lexi na ngayon ay nakahiga sa sahig at basang basa ng tubig.

"We all thought na mabait ka,we idolized you because of your beauty and kindness pero hindi namin nagugustuhan ang kalandiang taglay mo"sabi naman ni Trixie,sa sandaling yun hindi ko maikilos ang paa ko at nananatili lang akong nakatingin kay Lexi mula sa malayo.

"This girl is a slut,bitch and a whole.Napaka landi mo girl,may Xavier ka na nga may Kaizer ka pa?"nandidiring sabi ni Allison,para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa naririnig ko..kumikirot ng matindi ang puso ko nasasaktan ako sa naririnig ko parang hindi ko pa man nakukuha ang sagot ay alam ko na.

"Inagaw mo ang baby Kaizer ko!Malandi!"sabi ni Allison at hinila ang buhok ni Lexi at kinaladkad,hindi ko alam kung ano pang gagawin ko..sobra sobra ang nararamdaman kong sakit at galit

"She is so malandi nakita niya daw si Lexi sa bahay ni Kaizer nung Monday"

"What!hindi na ba siya nahiya sa boyfriend niya?Ang landi niya nga talaga"

"Hindi mo alam ang lahat Allison kaya wag mo kong husgahan"sigaw ni Lexi kaya naman nabaling ulit sakaniya ang paningin ko.

"Wow!So anong ginawa mo sa bahay ni Kaizer..nakitulog?Nakakahiya ka kababae mong tao napakalandi mo"dagdag ni Allison,sa mga sandaling yun para akong nabibingi at nawawala sa sarili.May mga luha ng isa isang napatak sa mata ko.

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant