151ST ROSE || Those Boys Gave Me 18 Roses

9.1K 306 153
                                    

"You shine like a miracle,
you’re just so beautiful
I guess I must’ve wandered so long
just so I could meet you in the end
In this moment, I’m gonna cherish you
I swim in your eyes
In this moment, I’m gonna cherish you
I’ve completely fallen for you."

-- Cherish, EXO-CBX (첸백시)



151ST ROSE || Those Boys Gave Me 18 Roses


“내가 너를 사랑하는 18 가지 이유 (18 Reasons Why I Love You)”

“내가 너를 사랑하는 18 가지 이유 (18 Reasons Why I Love You)”

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


- MICHELLE SUMASTRE -



Bahagya akong napakamot ng ulo habang papasok kami sa marangyang building ng clothing line ni Quia.
“Quia, hindi mo naman kailangang gawin 'to eh. Okay lang naman ako sa simpleng party cocktail na hinanda sa akin ni Mama Rona.”
“No!” iling ni Quia. “You deserve to look good tonight so whether you like it or not, you’ll wear the gown that I prepared for you.”
Napabuntong-hininga ako. “Sobra-sobra na kasi ito, Quia. Nung debut ko ginawa mo rin ito tapos ngayon… sa Senior Ball. Hindi ko alam kung paano makabawi sa'yo.”
“Oh, Michelle,” she cooed as she cupped my face. “You don’t have to think something like that. I am your friend, your best friend and I want what’s best for you. Now, stop being such a drama queen and let’s go. Ayokong ma-late tayo sa ball.”
Bahagya na lamang akong natawa at hawak-kamay naming tinungo ang kanyang sangtawryo kung saan naroon ang mga damit na ginawa n'ya.



Una muna akong minakeupan ng personal makeup artist ni Quia. Si Quia naman ay mukhang abala dahil panay ang kalikot n'ya sa kanyang cellphone habang nakikipag-usap sa akin. Gusto n'ya sanang gawing bongga ang gagawing hairdo sa buhok ko pero ako mismo ang tumanggi kaya inayos na lamang ng makeup artist n'ya sa simpleng paraan na sinabi ko pero syempre may kumikislap parin na abubot na ginamit sa buhok ko.
Agad akong nilagyan ng mga mamahalin na alahas at isa na roon ang mamahaling diamond earrings, necklace at silver stilletos na bumagay sa puting sequinned ivory gown na suot ko na si Quia mismo ang nagdisenyo.
Dumako agad ang tingin ko kay Quia. Naka-messy bun ang kanyang buhok na may mamahalin ring alahas na nakapusod sa buhok n'ya at nakasuot ng champagne-colored long gown habang manghang nakatingin sa akin. “Wow. You’re so gorgeous, Michelle!”
Ngumiti naman ako sa kanya. “Salamat. Ang ganda-ganda mo rin sa suot mo, Quia.”
“You are the reason why I made that gown. I really made that for you,” sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.
Nilakad ko ang distansya sa pagitan naming dalawa at niyakap s'ya nang mahigpit. “Salamat, Quia.”
“No, thank you for coming in our lives, Michelle.”
Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kanya at ngumiti.
“Let’s go. The others are waiting for us.”


18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon