135TH ROSE || When a Man Cries

8.3K 318 93
                                    

I'm sorry for the spoiled and short update guys but I hope you'll gonna enjoy reading this. 🙂

135TH ROSE || When a Man Cries

- THE ROSE WHO LOVES TO STORYTELL -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- THE ROSE WHO LOVES TO STORYTELL -

Ilang araw din ang nakalipas simula nung makipaghiwalay si Michelle kay Tric ay hindi na sila nagkikita at nagkakausap. Palaging wala si Tric, maging si Dae ay minsanan nalang n'ya kung makita. Buti nalang si Dae at nakikita n'ya sa linggong ito ngunit si Tric ay ni anino'y hindi n'ya nakita.
Aaminin ni Michelle na walang gabing hindi s'ya umiiyak dahil sa ginawang pananakit n'ya kay Tric—lalo na nung makita n'yang umiiyak ito dahil sa kanya. Ayaw n'ya talagang gawin sa totoo lang. Pero, ito lamang ang naisip n'yang paraan para matigil na ang gulo.
Nakatingin s'ya sa kanyang salamin matapos n'yang maisuot ang suit ng kanyang uniporme. Kinurot pa n'ya ang kanyang pisngi para sikapin ang sariling ngumiti.
Kahit ano'ng gawin kong pagprotekta sa kanila para hindi sila masaktan, sa huli pala ay ako lang rin ang mananakit sa kanila.
Pero sa halip na ngumiti'y napaluha na lamang s'ya at napahikbi.
Langga, halika na handa na ang almusal—” mula sa pagbukas n'ya ng pinto ng kwarto ng kanyang pamangkin ay rinig na rinig n'ya ang pigil na hikbi at pagluha ng dalagita habang nasa harap ito ng salamin. “Langga, okay ka lang?”
Tahimik na pinunasan ni Michelle ang kanyang mga luha at huminga nang malalim para hindi s'ya mapahikbi. Hinarap n'ya ang kanyang baklang tiyuhin at ngumiti. “Okay lang po ako, Mama Rona.”
Alam na alam ni Mama Rona ma kahit sabihin ni Michelle na okay lang s'ya, alam n'yang may pinagdadaanan ito.
Tahimik n'yang nilapitan ang kanyang pamangkin at niyakap ito nang mahigpit. “Okay lang, langga. Ilabas mo lang 'yan. Andito lang ako para aluin ka.”
Ang kanina pang gustong pigilan ni Michelle na mga luha ay hindi na n'ya tuluyan pang napigilan. Tuluyan na s'yang naiyak at humagulgol sa balikat ng kanyang tiyuhin.
“Mama Rona, nasaktan ko na naman s'ya,” hagulgol n'ya. “Nasaktan ko na naman ang lalaking mahal ko.”
“Sige lang langga, ilabas mo lahat ng sakit na nararamdaman mo. Andito ako para makinig sa'yo,” niyakap pa nang mahigpit ni Mama Rona si Michelle at mas lalo pa itong humagulgol.

Gusto ni Mama Rona na 'wag nang pumasok si Michelle dahil wala ito sa kondisyon para pumasok sa eskwelahan pero ayaw naman 'yon na gawing rason ni Michelle. Nasasaktan s'ya, oo. Pero hindi tamang rason na lumiban sa klase para lang magmukmok.
Kaso para ngang wala s'ya sa eskwelahan dahil sa sobrang lutang n'ya. Daig pa n'ya ang umabsent sa sitwasyon na iyon. She’s physically present but mentally absent. Hindi n'ya maiwasang lumingon sa upuang nasa likuran n'ya. Halos mag-iisang linggo ng bakante iyon. Napabuntong-hininga na lamang s'ya at nagpatuloy na lamang sa kanyang ginagawang pakikinig at pagsusulat ng mga kailangang isulat ngunit sa halip na ang leksyon na isinulat sa pisara ang kanyang isusulat ay ibang salita ang kanyang naisulat.
I’m sorry.
Napakagat na lamang ng ibabang labi si Michelle, pinipigilan ang sarili na maiyak. Huminga na lamang s'ya nang malalim.
Desisyon mong iwan s'ya. Panindigan mo iyon… kahit masakit.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon