CHAPTER 25.5 || Extra Chapter

19.8K 670 67
                                    

CHAPTER 25.5 || Extra Chapter

- MICHELLE SUMASTRE -

"We call this a week," nakangiting saad ni Quia pagkatapos naming maligpit ang mga gamit namin. Pagkatapos ng isang linggo namin dito sa Outside School namin sa Baguio, sa wakas ay makakauwi na kami. Pero nakakaramdam ako ng panghihinayang dahil maikli lang ang panahon namin na magkakasama. Back to reality na naman kami bukas. Kanya-kanyang business meetings, business rivalry at ang nakakainis na batas ng mga Elites. Parang 'di ko feel tuloy pumasok sa Empire bukas.

"Yes. And tomorrow, we'll face te reality again. But seriously, I enjoyed this camp a lot," napangiti naman ako sa sinabi ni Chantal. "Let's go?"

Tumango naman ako at agad na kaming lumabas ng tent. Hindi na ako magtataka kung may magliligpit ng tent para sa amin mamaya. Ang aarte ng mga bata dito eh. Prsh.

Napalingon ako kahit sa huling sandali sa camp site na iyon. Sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi nung sumagi sa isip ko ang mga masasayang alaala namin dito sa camp. Kahit sa sandaling panahon lang, nagawa naming gawin ang mga bagay nang malaya nang hindi nag-aalala sa mga tumitingin sa amin, kung may magdidikta sa amin, at hindi nag-aalala sa mga sisita sa amin... without minding the Empire's laws of the elite.

"Ya, babo ahjumma, d'you wanna stand there like a statue forever?" nagsisisi na talaga ako kung bakit ako umiyak sa harapan ng lalaking 'to dahil lang nasugatan s'ya. Isang malaking bwisit s'ya sa buhay ko eh.

Pinukulan ko naman s'ya ng matalas na tingin. "Alam mo, ang lakas din ng topak mo noh? Wala ka nang ibang nagawa bukod sa bwisitin ako araw-araw."

"Please remind me that you cried in front of me because you don't want me to die, babo ahjumma," umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi matapos n'yang sabihin 'yon. Idagdag mo pang ngumiti pa s'ya ng nakakaloko. Bwisit ka talaga, Tric!

"Buang ka!" sabi ko sa kanya na ikinatitig naman n'ya sa'kin.

"You know what, ilang beses ko nang naririnig sa'yo ang word na 'yan. What the hell is that buang?" curious n'yang tanong.

Hmm, pagtripan ko kaya 'to? Wala namang masamang gumanti paminsan-minsan, 'diba? "Buang? It means gwapo or pogi, you know?"

Gusto kong matawa ng malakas dahil sa sinabi ko sa kanya. Mukhang paniwalang-paniwala pa s'ya. I saw amusement in his chinky brown eyes.

"Really?" tumikhim s'ya at taas noo pang napatingin sa akin. Bahagya pa n'yang hinimas ang oh so perfect jawline n'ya. "Good thing you knew that I'm buang," agad naman n'ya akong tinalikuran para lapitan sina Mark.

Tahimik akong humagalpak ng tawa dahil sa reaksyon n'ya. Hahaha! Ano nalang kaya ang magiging reaksyon n'ya kung malaman n'ya ang totoong meaning no'n?


"Oh, mukhang good mood si royal icon ah?" narinig kong bati sa kanya ni Kai.

"Stop teasing me, Kai. You look stupid," at ayan na naman po ang magaspang n'yang ugali.

"Aw, Tric aw~ it hurts you know?" sabi pa ni Kai habang himas-himas ang dibdib n'ya. "Why did you do this to me?"

"Because I'm buang."

Bumalot ang katahimikan sa grupo nina Kai at maya-maya'y bigla silang humagalpak ng tawa.

"Buti inamin mo rin na buang ka paminsan-minsan!" tawang-tawang turan ni Tyrone.

"Hindi kaya minsan, kapag inatrasan s'ya ng regla araw-araw!" dagdag pa ni Arsean.

"Hey, why are you laughing? It's true that I'm handsome, you know?" inosenteng tanong ni Tric.

Pigil na pigil ang pagtawa ni Nolan habang tinatapik ang balikat ni Tric. "Hindi ka aware kung ano ang totoong meaning n'yan noh?"

Kumunot naman ang noo ni Tric. "Huh? What are you talking about?"

Raven snorted. "Buang is a bisaya word for 'baliw', 'may amats', 'krung krung', at 'may saltik sa ulo'."

Napasinghap naman ako nung nilingon ako ni Tric na parang galit na galit s'ya. Napatingin rin sa akin sina Raven. Doon na ako humagalpak ng malakas na tawa.

"Ah, hindi na ako magtataka kung saan mo nalaman ang word na 'yan. Hahaha," natatawang saad ni Mark.

"Michelle Sumastre!!!" parang galit na torong sinugod ako kaya agad naman akong tumakbo palayo.

"O-Oy, Tric Marion Baek joke lang! Hahaha! Joke lang 'yun oy 'wag mo namang dibdibin! Hahaha!" tawa parin ako ng tawa habang hinahabol n'ya ako.

"You're trying to get a revenge by teasing me and calling me 'buang', huh? Well then I'll tease you all day everyday as your punishment," nagtaka naman ako kung tumigil s'ya sa kakahabol sa akin at sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi n'ya.

Napasinghap naman ako nung bigla akong umangat sa lupa at ang ulo ko nama'y nakaharap sa lupa. Pinangko ako bigla ng kung sino'ng Poncio Pilato at binuhat ako na parang sako ng bigas!

"Hoy! Pakawalan mo ako nasusuka ako!" rinig na rinig ko naman ang tawa ni Tric habang ang pumangko sa akin ay naglakad pabalik kay Tric.

"Sorry, class prez. Tropa na kami ni Tric eh. Hahaha," narinig kong sabi ni Luke. So si Luke pala ang pumangko sa akin!

"Oy, Luke. Friends naman tayo, 'di ba? Ibaba mo na ako please?" paawa effect pa ako rito kahit sukang-suka na ako sa posisyon ko.

Napatingin naman ako nung pumunta si Tric sa likod ni Luke para harapin ako. "A man is always loyal to his men. So, I'm sorry, class pres, but Luke's loyalty is mine," tinapik pa n'ya ng tatlong beses ang ulo ko. "A-ra-sseo?"

"Mukha kang aso! Buang kaayo ka!" inis kong sabi sa kanya.

"Babo ahjumma~" he stuck his tongue out like an immature Elementary student.

"Let's go to the bus guys!" narinig kong sigaw ni Nolan.

"Ho-Hoy, Luke ibaba mo na ako baka makita tayo ng mga kaklase natin nakakahiya!" parang hindi nila ako narinig at tinawanan lang nila ako.

"You look so sexy there, class prez."

"'Wag kang manyak Kai! Kulatahon tika diha ro'n! (Banatan kita d'yan eh!)"

"Ang epic mo class prez mukha kang palaka! Hahahaha!" sabi ni Nolan at nakitawa naman ang lahat sa kanya.

"No, she looked like a cat who stole a fish and got punished," nakisali pa si Nathaniel sa kanya.

"Kulatahon tamong tanan ro'n!" sigaw ko sa kanila. (Banatan ko kayong lahat d'yan eh!)

"Ibaba mo na 'yan, Luke. Ang ingay eh," buti naman at naisip mo 'yan Storm. Kaso 'yung ingay talaga eh. Leche.

Luke chuckled as he put me down. "Aray, ang bigat mo pala talaga kahit petite ka. Sa'n ba napupunta ang kinakain mo?"

"She's a skinny piggy babo ahjumma," kung nakakamatay lang ang masamang tingin malamang kanina lang namin pinaglalamayan si Tric.

"Bentang-benta 'yung skinny piggy eh. Payat na baboy!" tawa ng tawa si Nolan at nakipag-apiran kay Tric. Mga bwisit talaga!

Narinig ko naman ang masagana nilang tawanan kaya wala nalang akong nagawa kundi ang tumahimik.

Maya-maya'y sumilay naman ang magaan na ngiti sa mga labi ko.

Lord, ito po ba ang isa sa mga rason n'yo kung bakit napasok ako sa Empire Academy o...



A/N: This is just an extra chapter so I managed to update this. I'm kinda busy with my thesis and my head and eyes are in pain because of him. Good thing it's not the heart. Hahaha. Lol. Thank you everyone and thank you for reading this chapter please do support this so keep on voting, commenting, reading and supporting the "18 Roses: Laws of the Elite"! Hope you'll support this on #Wattys2017! Thank you so much XIELOs~ enjoy reading~ ^O^

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon