74TH ROSE || Revealed

20.3K 712 205
                                    

74TH ROSE || Revealed


- THE ROSE WHO LOVES TO STORYTELL -

Habang abala sa pagkain ang lahat at habang inaalagaan ni Michelle si Raven ay napaigtad s'ya nung biglang bumukas ang pinto ng private ward at niluwa no'n si Quia na pawisan sa sobrang pag-aalala.

Nilibot ni Quia ang kanyang paningin at nung dumako ito kay Michelle ay agad n'yang tinakbo ang distansya sa pagitan nila at niyakap ito nang sobrang higpit. "Oh my Goodness, Michelle! I'm so dead worried about you when I read your text. Are you okay?!"

Napangiti naman si Michelle habang sinusuri s'ya ni Quia. "Okay naman ako, Quia. Wala naman akong natamong kahit ano."

"Phew~ good to hear that," agad namang dumako ang tingin n'yak ay Raven na ngumunguya ng sliced-peeled apple na ginawa ni Michelle. "At ikaw naman, dapat hindi ka sumugod mag-isa! Dapat tumawag ka ng resbak. Gangsters 'yung mga kalaban mo hindi kahit sinong out-of-school youth sa tabi-tabi."

"Ano ba naman 'yan, pati ba naman dito hindi n'yo ako tatantanan ng sermon? Ledesma, ang mga tunay na lalaki, hindi kailangan ng resbak para lumaban dahil kaduwagan iyon," depensa ni Raven.

"Uh-huh? Dahil feeling mo ikaw si Superman, ayan, bugbog-sarado ka," natawa naman 'yung mga boys sa sinabi ni Quia dahilan para ma-uyam si Raven at nag-iwas ng tingin.

"They're weaklings, Quia. You don't have to worry," sabi ni Storm sabay kain ng mansanas.

"Isa ka pa Storm eh, nangungunsinte ka pa eh. Tabi nga kakain ako! Iniwan n'yo akong mag-isa sa harap ng gate!" sabi ni Quia sabay tulak kay Storm sa pinaka-edge ng sofa at umupo doon.

"Sino ba kasing nagsabi sa'yo na mag-antay ka do'n? Tsk," agad naman s'yang tinapunan ni Quia ng balat ng orange kaya pinagdilatan n'ya agad ito ng mga mata. "Ano ba?!"

"Storm, kalma na. Kumain na kayo," pigil ang tawa ni Michelle habang inofferan si Quia ng mga pagkaing pinamili nina Mark.


Hatinggabi na nung lumabas sila ng ospital para umuwi. Nagpaalam na si Quia na mauuna s'ya dahil may iniwan s'yang trabaho do'n sa company ng parents n'ya at paniguradong sermon ang maaabutan n'ya 'pag hindi pulido ang quality ng photoshoot. Si Arsean naman ang pumalit bilang bantay ni Raven at nagpaiwan naman sina Riel at Price para bantayan si Raven at doon na rin sila matutulog sa ospital. Talk about the past bond of best friends.

"Hooh~ finally we can go home. I am so sleepy now," humikab naman si Nolan at nag-inat nung makalabas na sila ng ospital.

"Michelle, hatid na kita?" napatingin naman ang lahat sa offer ni Mark.

Napakurap naman si Michelle. "H-Ha? A-Ano, ano kasi... 'wag na. Okay lang ako. Magtataxi nalang ako."

"It's not safe to communte, Michelle. And besides, wala nang dumadaang public vehicles here. I will be the one to escort you home then," offer din ni Luke.

"A-A no—"

"I will escort you home," offer rin ni Nathaniel.

"Ako na lang ang maghahatid sa kanya," offer naman ni Tyrone.

"Ano'ng kayo? Ako ang maghahatid sa kanya pauwi," sabi naman ni Nolan.

"You're a reckless driver, Nolan. Ako nalang ang maghahatid kay Mich pauwi," utas ni Hans.

"Hindi, ako na ang maghahatid sa kanya," sabat ni Kaizzer.

"Ano ba kayo? Pati 'yan pinag-aawayan n'yo? Ako nalang ang maghahatid sa kanya," sabi naman ni Storm.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon