104TH ROSE || Quia, Let's Make Up

12.1K 440 83
                                    

104TH ROSE || Quia, Let's Make Up

104TH ROSE || Quia, Let's Make Up

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- MICHELLE SUMASTRE -


"You okay now?" napatingin ako kay Tric nung makaakyat na s'ya sa ibabaw ng kotse n'ya at tumabi sa akin. Ala siete na ng gabi nung maisipan n'yang dalhin ako sa isang tahimik na park kung saan kitang-kita namin ang mga bituin sa kalangitan. Binigay n'ya sa akin ang kapeng binili n'ya na tinanggap ko naman.

Medyo mahapdi pa rin ang mga mata ko sa kakaiyak at ramdam ko rin ang hapdi sa lalamunan ko pero pinilit ko paring sagutin s'ya. "Oo, okay lang ako."

"Quit lying, Michelle. Your answer doesn't match what's inside your heart," sabi ni Tric sabay inom ng hawak n'yang kape.

"Totoo kaya ang sinasabi ko. Okay naman talaga ako eh," yumuko ako sa kapeng hawak ko. "Salamat kasi andito ka para kausapin at samahan ako."

Tumango naman s'ya bilang tugon at napatingin sa kalangitan. Ilang segundo rin kaming binalot ng katahimikan bago s'ya magsalita. "You can tell me what's on your mind."

"Eh?"

Napatingin naman s'ya sa akin. "Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari sa'yo kanina. Kung bakit ka umiyak."

Napatingin naman ako sa kalangitan. "Si Quia... galit s'ya sa akin."

"Quia is mad at you? Why? I couldn't imagine that she'll get mad at you. May nagawa ka bang hindi maganda sa kanya?" tanong n'ya.

Bumuntong-hininga naman ako. "Hindi ko nga alam kung bakit s'ya biglang nagalit sa akin eh. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko nung sinabi n'ya na... lumayo na ako sa kanya at kakalimutan na n'ya ako."

"Now, that's weird. I never thought Quia will say that to you. You're very precious to her," aniya.

"Nag-iisip na nga ako ng paraan kung paano ako mag-sosorry sa kanya."

"You don't have to do that," kumunot naman ang noo ni Tric. "Wala ka namang ginawang masama sa kanya. Bakit ikaw ang magsosorry?"

"Mas mabuti na ang gano'n, Tric. Kahit wala kang kasalanan, ikaw nalang ang magpakumbabang humingi ng kapatawaran kesa ang magpataasan kayo ng pride at mag-antay kung sino ang unang hihingi ng sorry sa inyo. Ayoko na ring maghintay, Tric. Gusto kong ayusin agad ang gusot sa pagitan naming dalawa. Hindi ko rin kayang ganito ang trato sa akin ni Quia..." bumuntong-hininga ako at napansin ko namang tumitig sa akin si Tric. "O, bakit? May dumi ba ako sa mukha?"

He tsked. "Ang bait mo masyado. Kaya ka naaabuso eh. Tsaka, ang unfair naman masyado. Sa kanila, mabait ka tapos sa akin ang nagger mo. C'mon, where's the justice on that?"

Natawa naman ako sa sinabi n'ya. "Magbago ka na kasi."

"Hey, I've already changed for the good, you know?"

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon