34TH ROSE || The Art Of Liking Someone

20.3K 609 72
                                    

34TH ROSE || The Art Of Liking Someone

- MICHELLE SUMASTRE -

"Ko-ko de hana-shite i-i mo-no ka dou-ka..." napatingin naman ako sa katabi kong libro ng Japanese alphabet at calligraphy. Agad naman akong napabuntong hininga dahil sa pagkadismayang nararamdaman ko. "Hindi parin? Haist. Kahapon pa ako nagre-rewrite neto eh hindi parin tama?" kulang nalang talaga susuko na ako. Hindi ko na talaga ire-rewrite nito. Mahina talaga ako sa Japanese. [*TRANS: I'm not sure whether I should be saying this.]

Matapos ko na naman kasing ihatid sa hospital si Raven ay binantayan ko pa s'ya ng ilang oras bago dumating 'yung mga kaibigan n'yang mukhang mga gangsters pero mababait naman. Pinabantayan ko sa kanila si Raven para makauwi na ako. Muntik ko na ngang makalimutan ang essay ko dahil sa nangyari kaya eto walang tulog ang lola n'yo.

"Kaichou-sama, daijoubu desu ka?" napaangat agad ako ng tingin at bumungad sa akin si Ryuuji na dala-dala ang kanyang alagang si Usagi at isang parrot sa balikat n'ya—teka sandali, parrot?

"Ee? H-Hai, daijoubu. Ayos lang ako 'wag kang mag-alala," sagot ko sa kanya kahit hirap parin akong kausapin s'ya sa Japanese. Oo nanonood ako ng anime pero mga English dubbed at Tagalog dubbed na sa YouTube.

"Ohayou! Ohayou!" sigaw nung parrot sa balikat n'ya.

"Damedayo, Rika-chan," aniya sabay abot ng pagkain sa parrot n'ya. [*TRANS: That's enough, Rika.]

"Alaga mo, Ryuuji?" tanong ko sa kanya.

Tipid naman s'yang ngumiti sa akin. "Yes. Her name is Rika."

"Hello, Rika," bati ko sa parrot n'yang si Rika.

"Ohayou! Ohayou!" sigaw ulit nito.

Bahagya naman akong tumawa. "Mukhang palaging umaga para sa alaga mo ah?"

"Yeah," aniya. "Anyway, what are you doing, kaichou?"

"Ah, nag-re-rewrite lang ng essay ko into Japanese alphabet. Kahapon ko pa ito nire-rewrite pero hanggang ngayon ay hindi ko parin s'ya masulat ng tama," bahagya naman akong napakamot ng ulo.

"Soo desu ka?" agad naman s'yang umupo sa tabi ko. "Can I see your essay? Maybe I can teach you how to write it all in Katakana, Hiragana and Kanji."

Agad namang umaliwalas ang mukha ko at nakaramdam agad ako ng tuwa nung nag-alok s'ya ng tulong sa akin. "T-Talaga? Tu-Tuturuan mo 'ko?"

"Hai," sagot n'ya. "I am the only pure Japanese in our class and so I know all about this."

Bahagya naman akong umismid. May pagkamayabang rin naman pala itong si Ryuuji. Pero sabagay may maipagmamayabang naman s'ya dahil totoo naman na s'ya lang ang Japanese na kaklase namin. "Sige nga, isulat mo nga itong 'Koko de hanashite ii mono ka douka...' sa letters n'yo."

Tumango naman s'ya at nagsimulang magsulat sa papel. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi man lang s'ya inabot ng isang minuto sa pagsulat.

[A/N: 'Yung sinulat po ni Ryuuji nasa picture.]

]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon