12TH ROSE || Mission #5: Convincing the Casanova! (Kaizzer Ariel Roberts)

22.8K 686 19
                                    

12TH ROSE || Mission Number 5: Convincing the Casanova! (Kaizzer Ariel Roberts)

12TH  ROSE || Mission Number 5: Convincing the Casanova! (Kaizzer Ariel Roberts)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- MICHELLE SUMASTRE -

"Haaaay salamaaaaat!" sinampa ko agad ang likod ko sa aking kama at masayang niyakap ang unan ko. Linggo na rin sa wakas at makakapagpahinga na ako!

Tapos bukas, Lunes na naman. At magpapatuloy na naman ako sa pagkumbinsi ng natitirang sampung lalaking 'yon. Hay! Bakit ba kasi ayaw nilang sumama lahat eh pwede naman 'yun?

Tapos idadahilan na naman nila na dahil sa business or tinatamad lang sila. Prsh.

Humikab muna ako at bahagyang uminat. "Napagod ako sa pagtulong ko kina Tyrone at Errol tapos napagod pa ako sa pagtatrabaho sa restaurant simula kahapon. Iidlip nalang muna ako," hinarap ko naman 'yung right side ko, niyakap ang unan at pinikit ang mga mata ko.

Nang tuluyan na akong nakatulog ay bigla nalang akong napa-pitlag nung nag-vibrate ang cellphone ko sa side table. Masyado kasing malakas kaya nagising ako. Kinapa ko naman ang cellphone ko habang nakapikit ang mga mata ko. Nang mahawakan ko na ito ay agad kong tinignan ang screen. "Unregistered number?" luh? Sino kaya itong Poncio Pilatong ito at sobrang istorbo naman sa tulog ng isang 'to?

Bumangon naman ako at umupo sa kama tsaka sinagot ang tawag. "Hello, sino 'to?"

"Class pres, this is Kai!" sagot ng tumawag sa kabilang linya.

"Ha? Sino ka?" kumunot naman ang ulo ko dahil hindi ko masyadong marinig ang boses n'ya.

"This is Kai, class pres. Kaizzer Ariel Roberts!"

Agad naman akong napatingin sa screen ng cellphone ko tsaka ko s'ya kinausap ulit. "Ikaw 'to, Kai? Paano mo nakuha ang number ko?"

"Hiningi ko kay Quia. Nahirapan nga akong kunin ang number mo sa kanya eh. Kailangan talaga kitang makausap," aniya.

"O, eh, ano'ng kailangan mo ba?" napakamot na lamang ako ng ulo dahil sa sobrang antok.

"I badly need your help, class pres. Can you meet me? Please help me. Please save me," pakiusap n'ya.


Lumingon-lingon ako sa paligid ng park kung saan ko kikitain si Kai. Balak n'ya sanang puntahan ako sa bahay pero hindi ako pumayag. Mahirap na baka mabuko pa ako. Huhuhu.

"Class pres! Here!" napatingin naman ako sa lalaking naka-shades na kumakaway malapit sa isang magara at makintab na kotse. Sa tindig palang n'ya, masasabi mo nang si Kai nga iyon.

Agad naman akong lumapit sa kanya at tinanggal naman n'ya ang shades n'ya. Aaminin ko, gwapo naman s'ya. Kaso, 'di ko s'ya tipo. Masyadong mapaglaro sa babae ang isang 'to. "Thank God, you met me here," akma na sana s'yang makikipagbes-beso sa'kin pero agad ko naman s'yang pinigilan.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon