10TH ROSE || Mission #3: Convincing the Prankster, Chef and Business angel!

25.7K 753 54
                                    

10TH ROSE || Mission Number 3: Convincing the Prankster, the Chef wannabe and the Business angel! (Jude Nolan Hernandez Jr. x Riel Dela Torre x Leogne Gio Walter)

 x Riel Dela Torre x Leogne Gio Walter)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N: In U.K., "Business Angel" is an investor in company needing funding. He or she is someone who is eager to invest in a potentially lucrative startup company.


- MICHELLE SUMASTRE -

"Waitress."

"Yes, ma'am, sir. Ano pong order n'yo?" agad kong binuklat ang pocket notebook ko at tinignan ang dalawang customer na kaharap ko ngayon.

"Ah, isang serve ng kanin, pancit at kare-kare lang sa akin. At isang 8 ounce na softdrinks na rin," sagot nung customer. "Sa'yo, Edwin?"

"Isang serve rin ng kanin at mechado. Isang softdrinks na rin," sagot naman nung kasama n'ya.

Nilista ko agad ang mga order nila. "Dalawang serve ng rice, dalawang 8 ounce ng softdrinks, isang serve ng kare-kare at isang serve ng mechado. Tama po ba?" tumango naman sila at ngumiti naman ako sa kanila. "Pakihintay po ng order n'yo."

Agad akong pumunta sa counter at binigay sa kasama ko ang listahan. "Eto 'yung order nung nasa table 5."

Tinignan naman n'ya ito at tumango. Pagkatapos ay hinanda na n'ya ang tray at nilagay doon ang mga inorder ng mga customers na kausap ko kanina. Maya-maya'y bigla nang pumasok sa counter si Tiya Rona at tinignan ako. "Ay nga pala, Michelle. 'Di ba may pasok ka pa? Si Joy na mag-se-serve sa table 5 tas magbihis ka na."

"Ay oo nga pala, nag-aaral ka pala sa Empire Academy, 'di ba? Ako na ang mag-se-serve nito baka ma-late ka na," presinta ni Joy. S'ya 'yung pinakamalapit n aka-trabaho ko sa restaurant ni Tiya Rona. Mabait kasi s'ya, joker at madaldal.

"Ano'ng oras na ba?" napatingin naman agad s'ya sa relo n'ya.

"6:30 AM."

"Ah, sige," aniko sabay hawak sa tray. "Ihahatid ko muna 'to bago mag-out."

"Sure ka?" tanong n'ya.

Ngumiti muna ako at tumango pagkatapos ay hinatid ko na ang mga orders sa table 5. "Eto na po ang order n'yo. Enjoy your breakfast."

Ngumiti naman sila sa akin tsaka ako bumalik sa counter. "Aalis na ako ah?"

"Sige ingat ka Mars!" pangiting sabi ni Joy habang kumakaway sa akin. Agad naman akong pumunta sa restroom para magbihis bago umalis papuntang Empire Academy.

Pagkarating ko sa Empire Academy ay agad kong pinarada ang bisekleta ko. May sarili rin kasing parking ang mga motor at bisekleta rito kaya hindi ka na mahihirapang iparada ang sasakyan mo. Agad naman akong pumasok sa building at tahimik na naglakad sa hallway.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon