18RLOTE Special Chapter || Summer Special (Pt. 1)

12.9K 430 105
                                    

18RLOTE Special Chapter || Summer Special


[A/N: Hello ROSE ELITEs and XIELOs! This is your beautiful (pweh!) author in the house! What time is it? SUMMER TIME! P-A-R-T-Y! P-A-R-T-Y! At dahil Summer na at ineenjoy na natin ang ating bakasyon, let's take a break muna sa POVs ng mga boys at alam kong namimiss n'yo narin sila kaya ienjoyin muna natin ang bakasyon kasama sila! Yes. Kasama. Silang. Lahat. Sa. Chapter. Na. Ito. So here's 18RLOTE Summer Special! Enjoy reading guys~ ^_^]



"Eto na po ang order n'yong black coffee at tapsilog! Enjoy your breakfast po!" mangiti-ngiting sabi ni Michelle sa isang customer at tumugon naman ito ng tango at ngiti sa kanya. Matapos n'yang maihatid ang lahat ng mga orders ng mga customers ay agad s'yang tumungo sa counter. Namataan n'ya naman si Shakira na panay ang buntong-hininga habang nangangalumbaba sa counter.

"Ano 'yan, Shakira? Umagang-umaga ganyan ang mood mo. Baka mawalan ng gana ang mga customers natin dahil d'yan," puna ni Michelle. "Ano bang problema mo at parang pasan mo ang langit at lupa d'yan sa itsura mo?"

"Hay nako bebe Michelle... summer na summer ngayon wala naman aketch maisip na gagawin. Buti pa si Mama Rona namasyal kasama ang mga amiga n'ya kahapon kaya ngayon nagpapa-beauty rest s'ya kasi may party na naman daw s'yang pupuntahan mamaya. Si Merci Joy naman naghahanda dahil concert na daw nung paborito n'yang K-Pop group 'yung EXO. ElyXion ba 'yung pangalan ng concert? Oo 'yun. VIP Standing pa ang bakla tapos 'yung ibang mga vaklush ang daming mga eklabush na pinagkakaabalahan kaya hindi sila naboboring. Ako, pagkatapos kong dumuty ditey sa parlor at restaurant bo-borlog lang ako kasi wala akong maisip na gawin. Ikaw ba? Ano ang balak mong gawin ngayong summer at saan ka naman gogora?" tanong ni Shakira sa kanya matapos nitong ilagay sa gilid ng counter ang mga tray.

"Wala lang, tatawagan ko sina Papang at Mamang na pagka-graduate ko ng Senior High uuwi agad ako ng Pagadian para makasama ulit sila. Alam kong nag-e-expect sila na uuwi ako ngayong bakasyon kaso hindi kaya ng budget ko kaya sasabihan ko nalang sila na sa susunod na bakasyon nalang. Since hindi naman ako uuwi, igugugol ko ang bakasyon ko sa pag-aaral at pagtatrabaho ko rito sa restaurant," Michelle grinned.

Shakira's mouth formed an O. "Grabe bebe, wala ka bang kasawaan sa pagsusunog ng kilay at pagtatrabaho? Mag-relax ka naman paminsan-minsan. Magbakasyon ka, ganern~"

"Nakakabagot naman po kasi kapag wala akong gagawin sa bakasyon tsaka wala naman po akong maisip na pupuntahan ngayong bakasyon eh," Michelle smiled sheepishly.

"Sabagay, tama ka," nangalumbaba muli si Shakira. "Hay sana may mga papable na darating ditey para pasiglahin ang araw natin dito. Tayong dalawa lang ang hindi busy ditey eh."

Napailing na lamang si Michelle sa pagpapantasya ni Shakira. "Hay naku."

"Waitress, o-order ako!"

Napalingon agad si Michelle sa bagong dating na customer. "Opo, ma'am!"

Akmang lalapit na s'ya sa customer nung biglang bumukas ang glass door ng restaurant at bumungad sa kanya si Tric Marion Baek at ang mga bodyguards nito. He is wearing a red Hawaiian polo shirt with brown overcoat and blue faded jeans and it was ripped on the left knee. Agad naman s'yang napasinghap nung makita n'ya ang binata. For the first time, nakita n'yang gano'n ang get up ni Tric.

Kahit nakatoon sa kanya ang lahat ng atensyon ng mga tao sa loob ng restaurant lalung-lalo na ang mga babae ay hindi ito bumaling ng tingin sa kanila sa halip ay kay Michelle lang nakatoon ang atensyon n'ya.

"There you are," walang pag-aalinlangang nilapitan n'ya si Michelle at hinila sa pulsuhan. "Let's go."

Agad namang pumiglas si Michelle dala ng gulat. "Ha? T-Teka, saan mo'ko dadalhin?"

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon