61ST ROSE || Meet the KNIGHTS

18.9K 545 106
                                    

61ST ROSE || Meet the KNIGHTS

[A/N: Sorry kung marami kayong grammatical errors, typos, wrong spellings and any other errors sa story na ito dahil on the process pa ako sa editing nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[A/N: Sorry kung marami kayong grammatical errors, typos, wrong spellings and any other errors sa story na ito dahil on the process pa ako sa editing nito. Don't worry, dahan-dahan ko na ring iniedit ito. :) ]


- MICHELLE SUMASTRE -

"Dito nalang ako," naramdaman ko ang pagtingin sa akin ni Luke nung sabihin kong bababa ako nung dumaan na kami sa Seven Eleven. Matapos n'ya akong isakay pahatid ay hindi na kami nagkibuan kaya tahimik lang kami buong biyahe. Wala rin akong balak magbukas ng paksa dahil hindi ko naman alam kung ano ang pag-uusapan namin na magkakaroon s'ya ng interes. Talagang sa Seven Eleven ako nagpahatid dahil ayoko namang madiskubre n'ya ako.

"I thought you'll go straight to your house?" nakakunot-noong tanong n'ya, at kitang-kita ko naman iyon sa peripheral vision ko.

Tumingin naman ako sa kanya at tipid na ngumiti. "May gagawin pa kasi ako rito kaya hindi muna ako dideretso ng bahay. Don't worry, I told my guardian that he'll gonna fetch me here."

Huhuhu... sorry talaga Luke ngunit kailangan ko talagang gawin ito sa'yo.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan n'ya bago tumugon. "Okay, if you say so."

Binuksan ko naman ang pintuan ng passenger seat at bumaba. Dumungaw naman ako sa bintana at bahagyang kumaway sa kanya. "Bukas ko na isasauli ang coat mo. Salamat sa paghatid."

Tumango naman s'ya. "Take care."

Matapos n'yang sabihin iyon ay tuluyan na n'yang pinasibad ang kotse at nilisan ang lugar na iyon.

Nakatingin lang ako sa papalayong sasakyan ni Luke habang nakatayo sa harap ng Seven Eleven. Kahit kating-kati akong tanungin s'ya tungkol sa sinabi n'ya kanina ay nagdesisyon na lamang akong itikom ang bibig ko. Bahagya kong ipinilig ang ulo ko at naglakad papunta sa bahay ni Mama Rona.

Hindi nga ako makatulog nang maayos kinagabihan dahil patuloy paring sumasagi sa isip ko ang sinabi n'ya at ilang close-open ako ng messenger dahil gusto kong itanong sa kanya kung ano'ng ibig sabihin n'ya sa sinabi n'ya sa akin kanina ngunit pinili ko na lamang na 'wag nalang s'yang tanungin baka isipin n'yang assumera ako at jinojoke time lang n'ya ako nun.

"Stay, you clumsy girl. Stay with me and don't go."

Baka sinabi n'ya 'yun kasi balak ko talagang alisin 'yung coat n'ya kasi binibwisit n'ya kasi ako. Tama, baka 'yun lang talaga. Wala nang ibang meaning iyon, masyado lang talaga akong nanonood at nagbabasa ng love stories kaya kung anu-ano nalang ang naiisip ko at binibigyan ko pa nang malisya.


"Malapit na pala ang school festival ng Empire," bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa bulletin board kung saan nakapaskil ang announcement. 8:45 ng umaga nung makapag-desisyon akong pumasok ng eskwelahan. Ewan ko ba, dati naman gusto ko maaga akong papasok pero ibang-iba ngayon. Marahil dahil sa pagod.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon