27TH ROSE || Rhythm of Their Feelings

22.2K 632 58
                                    


27TH ROSE || Rhythm of Their Feelings

- THE ROSE WHO LOVES TO STORYTELL -

"Good morning, ma'am and sir. Welcome to Maid's Garden Restaurant," pangiting bati ni Michelle sa mga customers na pumapasok sa munting restaurant ng kanyang tiyuhing si Mama Rona.'Maid's Garden Restaurant' ang pangalan ng restaurant ng tiyuhin n'ya, bagay na bagay sa suot nilang uniform na black and white na pang-maid. Ngumiti naman sa kanya ang mga customers at umupo sa bakanteng upuan. Agad naman n'yang nilapitan ang mga ito at kinuha ang mga orders nito. Nang mailista na n'ya lahat ay agad n'yang nilapitan si Joy na busing-busy sa counter.

"Order sa Table 10," aniya.

Tinignan naman ni Joy ang listahan at agad n'ya itong pinasa sa kusinero sa loob. Pagkatapos n'yang ibigay iyon ay agad naman s'yang humarap kay Michelle.

"Mars~ Michie~ busy ka ba mamayang hapon?" tanong nito. Close na kasi sila ni Michelle kaya tinatawag n'ya itong 'Michie' bilang palayaw at 'Mars' naman bilang endearment kuno nila.

"Ha? Mamayang hapon? Hmm... hindi naman, bakit?" tanong n'ya habang inaayos ang mga menu lists sa tabi nito.

"Yayayain kasi kitang manood ng Undergound Dance presentation mamaya nina J.No~" kinikilig na sagot nito.

Kumunot naman ang noo n'ya. "J.No? Kpop group na naman ba 'yan?" kilalang-kilala n'ya kasi si Joy bilang isang dakilang Kpop fan kahit may lahing intsik ito.Graduate na ito ng bachelor college degree, hindi nga lang halata sa itsura nito na mukha paring teenager at hindi napaghahalataang 21 years old. Habang naghihintay pa ito ng schedule sa LET exam, nagta-trabaho muna ito para daw araw-araw may pera s'ya, gaya ng kadalasang paniniwala ng mga Instik sa oportunidad at kasipagan. Suma-sideline lang ito sa restaurant ng tiyuhin n'ya hindi dahil hirap ito tulad n'ya. Sadyang gusto lang nitong makalikom ng pera para sa fangirling desires n'ya gaya ng pagpunta sa concerts ng mga iniidolo n'ya ng hindi humihingi ng pera sa mga magulang nito.

"Hindi!" agad na tanggi nito. "Underground dance troop sila. Kadalasan silang nagpapasimuno ng flash mob dito sa village natin. Kadalasan silang nagre-rehearse sa bakanteng lote malapit do'n sa convenient store. Fan na fan kasi ako ng grupong 'yon lalung-lalo na kay J.No kaya gusto ko silang panoorin ngayon," ngumuso ito. "Sige na samahan mo na ako~ minsan lang naman 'to eh tsaka para hindi ka na ma-stress do'n sa mga kaklase mong mga bilyonaryo."

Natawa naman si Michelle sa sinabi ng kaibigan. "Alam na alam mo talaga akong kumbinsihin ha? O, ano'ng oras ba, Merci Joy Rosales?"

"Mamayang 4PM. Uwian n'yo na ba 'yan?" hope was written in Joy's face habang nakatitig itokay Michelle.

"Hmm... wala naman kaming matinong klase sa 4PM dahil club and organization activities 'yan kaya sige sasamahan kita. Pero ngayon lang ah?" ani Michelle.

"Yes!" tuwang-tuwang saad nito sabay yakap sa kanya. "Salamat talaga, Michie~"

"Pick up!" tinapik naman ni Michelle ang braso ni Joy nung marinig n'ya ang bell mula sa loob. Agad namang kinuha ni Joy ang tray na may mga pagkain at binigay itokay Michelle. Hinatid naman ni Michelle ang mga order at binati ang mga bagong dating. Pagkatapos ng tatlong hatiran ng orders ay agad na itong nagpaalam kay Joy at kay Mama Rona dahil papasok na s'ya sa Empire Academy.


Ordinaryong araw lang ang araw na ito para sa Class 12-1. Gaya ng nakasanayan, may mga kaklase silang absent dahil sa may mga pinuntahan ang mga ito na business meeting. Hindi rin n'ya masyadong nakakausap sina Chantal at Quia dahil sobrang busy ang mga ito sa stockholds nila. Ang babata pa nila pero kailangan na nilang humawak ng gano'n.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon