63RD ROSE || Michelle meets Tricia Marie

21.6K 652 272
                                    

63RD ROSE || Michelle meets Tricia Marie

[A/N: Dedicated kay Tricia Marie 'nakalimutan ko ang apilyedo' XD na member ng Wattpadislove group! ^^ Salamat sa pagpapahiram mo ng pangalan mo sa akin. Hihihi! Enjoy reading this chapter. Thank you sa support ng 'Wattpadislove GC 30 Flaternity is Love' family sa akin. Saranghaeyo~ ♥♥♥]


- MICHELLE SUMASTRE -

"Eto na, kumain ka na. Sorry natagalan. Naghanap pa kasi ako ng Knorr sinigang na seasoning powder eh," untag ko sabay lapag ng isang platong kanin at isang mangkok ng sinigang sa mesa. Alas syete na kasi ng gabi nung manatili sa restaurant si Tric. Maaga kasi kaming nagsara dahil naghahanda sina Mama Rona, Joy at ang iba pa sa pageant ni Beyoncè. Alam n'yo naman, all around support ang pamilya namin sa ganito.

Matapos itabi ni Tric ang kanyang coat sa kabilang upuan ay agad n'yang hinarap ang pagkain.

"Hmm. Smells good," komento n'ya at bahagyang napatingin sa akin. "Let's eat."

Umiling ako bilang sagot. "Busog na ako tsaka para sa'yo talaga 'yang niluto ko. Pambayad utang dun sa libre mong pagkanta. Hahaha."

"Pft. Silly," agad naman n'yang tinikman ang sinigang at agad namang umasim ang mukha n'ya. "So sour but it's good!"

"Sabi sa'yo eh," sabi ko ngunit hindi na n'ya ako pinansin at agad n'yang nilantakan ang kanin at ang sinigang. Napangiti na lamang ako habang nakatingin sa kanya kasi para s'yang isang buwang 'di kumain dahil sobrang gana n'yang kumain. Nanatili lang kaming tahimik at tanging ang pagtunog ng kutsara at tinidor sa plato ni Tric ang maririnig. Nararamdaman ko ang awkwardness sa pagitan naming dalawa. Gusto n'ya rin atang makipag-usap pero hindi n'ya alam kung paano sisimulan kaya nanatili na lamang s'yang tahimik.

Agad naman akong napatingin sa kanya nung may bigla akong naalala. "Tric, alam mo bang nakakasama sa tao ang pagkain ng maaasim, lalo na ng sinigang?"

Napatingin naman sa akin si Tric habang sinusubo ang kutsara. "I didn't know it because it's my first time to eat this stuff. Is it bad?"

"May balita kasi na nakakamatay daw ang sobrang pagkain ng maaasim, lalo na ng sinigang," seryosong sagot ko.

"Really? How come?" interesanteng tanong n'ya habang sinusubo ang kanin.

"Oo totoo 'yun. May kapitbahay kasi kaming nurse sa Pagadian. Sobrang gustung-gusto n'yang kumain ng sinigang. Mula agahan, tanghalian, merienda, hapunan, kahit hatinggabi habang nag-re-review s'ya ng lessons n'ya puro talaga sinigang ang kinakain n'ya. Narinig ko nga sa mga kaklase n'ya, namatay daw s'ya dahil sa pagkain ng sinigang," napansin ko agad na natigilan si Tric sa pagkain at maang s'yang nakatingin sa akin. "At dahil dakilang tsismosa ako at dahil sa sobrang curiosity ko, nag-imbestiga ako kung ano talaga ang tunay na rason ng pagkamatay n'ya. At nung nag-imbestiga ako, totoo talagang namatay s'ya dahil sa sinigang. Nung gabing namatay s'ya..."

"What happened?" seryoso at puno ng kyuryosidad na tanong ni Tric.

"Tumawid s'ya para bumili ng sinigang sa katapat na eatery... at ayun, nasagasaan s'ya ng kotse at namatay."

Parang biglang nadulas ang siko ni Tric sa mesa matapos n'yang marinig ang salaysay ko. 'Yung tipong seryoso kang nakikinig tapos jinojoke ka lang pala? Ganoon ang naging ekspresyon n'ya.

Isang masaganang tawa n'ya ang bumalot sa tahimik na restaurant ni Mama Rona. Nakitawa na rin ako sa kanya at naging magaan ang loob ko nung makita ko s'yang tumatawa. "It's so funny. Jinjja."

"Oo kaya! Hahaha! Akala mo kung ano na noh?" tumango s'ya habang tawa parin kami ng tawa. Matapos ng ilang segundong tawa namin ay natapos na rin s'yang kumain at uminom s'ya ng tubig.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon