133RD ROSE || Don't Leave

9.2K 308 141
                                    

133RD ROSE || Don't Leave


- MICHELLE SUMASTRE -


Ilang araw rin ang nakalipas simula nung mag-usap kami ni Dae ay hindi ko na s'ya nakikita. Hindi na rin s'ya pumapasok nitong mga nakaraang araw at ang sabi ay may business trips daw s'ya kasama ang papa n'ya.

Aaminin ko na nakahinga naman ako nang maluwag no'n pero hindi parin ako kampante. Sa kaso ko, kahit maraming kampi sa akin, mahirap parin makipaglaban sa mayaman at mataas ang antas kaysa sa'yo.

"Aray!" agad kong sinapo ang aking ulo at napatingin kay Storm na nasa tabi ko na at nakatayo. Pinanlakihan ko s'ya ng mga mata. "Bakit mo ako binatukan?"

"You're spacing out and you're blocking the way," blangko ang ekspresyon n'ya habang nakatingin sa akin.

"Bakit ba? Ang laki ng daan o?" tinuro ko pa ang bakanteng space ng lobby habang kinakamot ang ulo ko. "Tsaka hindi mo ako kailangang batukan."

"Tsk. Stupid. Tric Marion Baek is an intelligent one yet I wonder why he fell in love with a crazy girl like you."

Natigilan ako sa pagkamot ng ulo ko at isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.

"Hey, I was just joking. Don't take it in your heart," puno na ng sinseridad ang boses ni Storm habang nakatingin s'ya sa akin.

Umiling naman ako at ngumiti bilang tugon. "Hindi naman. Alam ko namang nagbibiro ka lang eh."

"Is there something bothering you? Parang wala ka sa sarili mo lately," aniya habang naglalakad kami pareho palabas ng building. "Mula sa klase natin hanggang sa pag-uwi, lutang ka."

Umiling ulit ako. "Wala lang 'to. Pagod lang ito."

"You know what, if you gonna lie, please try harder," sabi n'ya.

Binuka ko ang bibig ko para magsalita ngunit walang lumabas na salita o boses sa bibig ko kaya itinikom ko na lamang ito.

"If you don't wanna tell it to me, it's okay. I'm not good in advising something because I'm not taking advices too but you can talk to me anytime. I'm a good listener," minsan ko lang makita si Storm na ngumiti kasi madalas ay nakabusangot s'ya o kaya nama'y poker face. Pero masasabi ko sa bawat pagngiti n'ya ay alam kong nagpapakatotoo talaga s'ya sa akin.

Ngumiti rin ako sa kanya. "Salamat."

Tinapik n'ya ang ulo ko bago s'ya pumunta sa kanyang kotse at umalis.

Nanatili ang ngiti ko habang sinusundan ng tingin ang kanyang kotse bago ko tinungo ang scooter ko at umalis.



"Eto na po ang tsaa n'yo, Madame Trinity," nakangiting inabot ko kay Madame Trinity ang teacup na malugod naman n'yang tinanggap.

So far naman ay nag-i-improve na si Madame Trinity sa kanyang mga treatments at therapies. Kumpara noon, nagko-cooperate na ngayon si Madame Trinity sa lahat ng pinapagawa sa kanya ng mga doktor. Nakaantabay naman kaming lahat doon lalo na ang anak n'yang si Tric.

"Thank you so much, dear," nakangiting tugon ni Madame Trinity. "And stop calling me 'Madame Trinity', dear. Just call me 'Tita'. I am more comfortable with it."

Napakamot ako ng likod ng tenga ko at nahihiyang sinambit ang "T-Tita. Tita Trinity."

"There, that's better," mangiti-ngiti s'yang sumimsim sa tsaa. Para tuloy akong nanonood ng Harry Potter kapag kausap si Madame Trinity dahil sa British accent n'ya kapag nag-i-English s'ya. "So, how are you doing in school, dear? How's Tric there? Too bad he's not here to visit me."

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon