83RD ROSE || Storm Gonzaga (Pt.2)

16.3K 577 189
                                    


83RD ROSE || Storm Gonzaga (Pt.2)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- STORM GONZAGA -

I admit that the Outside School is really fun and exciting. I was really expecting na magto-tour lang kami sa mga tourist spots at magsestay kami sa hotel but no, it's not. Sa Outside School na ito ko lang naramdaman ang totoong essence ng camping. I am the batter in our baseball in the mud game, representing our team in Grade 12. Well, actually I'm playing this sport eversince Elementary so yeah, this game is not really hard for me and it'll not make me bleed once I'll start running for a home run since we're playing in the mud.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa baseball bat habang nakatingin ako sa bola nung marinig ko ang cheer ng mga kaklase ko, at nangibabaw naman doon ang boses ni Michelle.

"Go Storm! Go Storm! Kaya mo 'yan!!!" bahagya naman akong napatingin sa kanya na katabi lang ni Quia habang winawagayway n'ya ang kanyang panyo na may nakaimprintang mga rosas. Malapad ang ngiti n'ya habang chinicheer ako.

Palihim akong ngumiti kasabay ng pagpalo ko sa bola at pagtakbo ko sa mga base. Bago pa man maibalik sa pitcher ang bola ay naka-home run na kami.

Sigawan agad ng mga ka-batch ko ang narinig ko nung maka-home run kami. Hinanap agad ng paningin ko si Michelle na ngayon ay masayang-masayang tumatalon habang pumapalakpak at nakatingin sa akin.

"Ang galing mo!!!" sigaw n'ya para marinig ko s'ya.

I snorted seeing her face messed with mud but I'm happy seeing her smile. Nanalo ako dahil ang galing mong mag-cheer eh.

Did I just suddenly became warm towards her? Oh, boy, this is not good. This is really not good. Alam ko kung saan patutungo ang nararamdaman kong ito ngunit hindi, hindi ko hahayaang mangyari ito. I will never ever get involved in this twisted thing called infatuation.

So far naging masaya naman ang buong linggo namin sa Outside School. Hindi naman naging boring iyon dahil na rin sa mga games at pakulong ginawa namin doon. Nakalimutan ko nga ang problema ko sa parents ko nung sumama ako sa Outside School. I guess I should really thank our class president for this.



Unti-unting sumilay sa mga labi ko ang kanina ko pang sinusupil na ngiti matapos kong maalala ang mga nangyari sa Outside School. Hindi ko alam kung bakit ko naaalala ang mga iyon—ilang araw nang nakalipas iyon ngunit heto ako't naaalala ko parin lahat iyon. This is driving me nuts and it's that girl's fault kaya ngumingiti ako na parang baliw rito. Goddamn it. Umiling na lamang ako at pinagpatuloy ko ang pagkain ng instant noodles. Yes, this will be my dinner for tonight. Mas mabuti na rin itong mag-isang kumakain. At least nakakain ko ang mga pagkaing gusto ko, unlike in our house.

"'Wag puro pambara ang kainin mo. Dapat may panulak."

Nag-angat ako ng tingin sa may-ari ng boses at gulat ang rumehistro sa mukha ko nung makita ko si Michelle kaya halos hindi ko malunok ang kinakain ko. "Su-Sumastre, a-anong ginagawa mo rito?"

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon