67TH ROSE || Cinderella and the... Ten Princes?

21.9K 661 294
                                    

67TH ROSE || Cinderella and the... Ten Princes?

[A/N: Some of the scenes of this chapter was inspired from the Japanese anime Kamigami no Asobi (Mischiefs of the Gods) episode 10

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[A/N: Some of the scenes of this chapter was inspired from the Japanese anime Kamigami no Asobi (Mischiefs of the Gods) episode 10. Enjoy reading guys. ^^]



- MICHELLE SUMASTRE -

Tatlong araw din ang nakalipas matapos ng pagsagawa namin ng booth at ang pag-isip ng magiging play namin sa darating na School Festival ay abala ang buong klase namin sa paghahanda. Mabuti na lamang at walang klase kaya malaya naming nagagawa ang booth at mag-practice sa play. Sa umaga, hinahanda namin ang booth at sa hapon ay nagpa-practice kami sa play ngunit hindi namin ginagawa iyon sa school kundi sa bahay ni Nathaniel. For the first time nakapunta ako sa bahay ni Nathaniel. Parang palasyo talaga sa laki. Mas malaki nga lang ang bahay nina Tric. Pero minsan ay nagkakabangayan sa practice dahil napipikon si Nathaniel o si Raven kapag nantitrip si Nolan kaya pressured na pressured kami kung mapi-perfect pa ba namin ang play.

Abala rin ang lahat sa kanilang mga booth para sa paparating na School Festival. May iba ngang nagdala pa ng kanilang mga maids, butlers at bodyguards para tulungan sila. Tsk. Mga tapulan. (Mga tamad)

Tahimik akong pumasok ng classroom bitbit ang mga tablesheets na gagamitin namin sa cafè namin. Mula kay Quia ang mga nasabing tela at masasabi kong maganda nga ang panlasa ni Quia sa mga ganito. S'ya rin ang gumagawa ng mga butlers at maids uniform kasama si Ryuuji at Chantal dahil pareho itong nanonood ng anime at cosplay conventions.

Naabutan ko sina Raine, Venessa, Lorelie at Honey na nakaupo sa bakanteng mesa at parang may nililistang kung ano kaya agad ko silang nilapitan. "Okay na ba ang lahat?"

Inabot naman ni Raine sa akin ang isang papel. "This is the menu list for the cafè. Some of our classmates suggested it."

Inabot rin sa akin ni Venessa ang isa pang papel. "Ah, this is the design of the cafè that everyone suggested. It's a sort of French-ambianced café. What do you think?"

"Hmm. Maganda. Ang suggestion ko lang, i-divide natin ang mga naka-assign sa kitchen at sa mga customers. At etong sa menu naman, masyadong marami ang nilagay ninyo at may iba na mukhang aabutin ng isang oras ang paghahanda. Dapat ilagay n'yo lang 'yung mga mabilis at madaling gawin pero masarap parin at masa-satisfy ang mga customers. Mas maganda ring 'wag tayong masyadong gumamit ng fozen foods. Masama kasing masyado nating pinaghihintay ang mga customers. Nakakainis 'yun para sa kanila. If we leave the finishing touches to the waiters, we can also have good communication and good impression to the customers," ani ko habang nakatingin sa dalawang papel.

"Waah, that's amazing indeed. You know a lot about this, class pres," nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Honey.

"U-Umm... a-ano kasi... ma-mahilig kasi akong pumupunta-punta sa mga restaurants at cafés kaya na-naoobserbahan ko ang mga gi-ginagawa nila," shemay! Muntik na ako do'n ah?

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon