121ST ROSE || Surprise Blowout

11.7K 314 61
                                    

121ST ROSE || Surprise Blowout


- MICHELLE SUMASTRE -


"Halika, bilis!" kahit medyo hinihingal ako sa pag-akyat sa Namsan Tower habang hinihila si Tric ay hindi ko na iyon iniisip. Andito kami sa Namsangongwon-gil, Yongsan 2(i)ga-dong, Yongsan-gu sa Seoul kung saan makikita ang Namsan Tower o ang Seoul Tower (ang haba ng address nalula ako sa pag-memorize). Andito na rin lang ako sa Korea eh 'di lulubus-lubusin ko na bago kami umuwi sa Pilipinas mamaya.

 Andito na rin lang ako sa Korea eh 'di lulubus-lubusin ko na bago kami umuwi sa Pilipinas mamaya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Aish, ya, babo ahjumma. You should be careful and stop walking so fast!" medyo hindi na napapabilis ang lakad ko dahil pinipigilan ako ni Tric na lumakad nang mabilis. Medyo nababalutan kasi ng snow ang daraanan papunta sa gusto kong puntahang parte sa Namsan tower. Hindi ko na s'ya pinansin dahil abala ako sa paghahanap ng lugar na iyon.

Isang malapad na ngiti ang sumilay sa mukha ko nung makita ko ang parteng hinahanap ko sa lugar na iyon. "Eto nga! 'Yung Locks of Love!"

"How did you know about this place?" tanong ni Tric at nararamdaman ko ang pagsunod n'ya sa akin habang nakatingin ako sa mga locks na naroon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"How did you know about this place?" tanong ni Tric at nararamdaman ko ang pagsunod n'ya sa akin habang nakatingin ako sa mga locks na naroon.

"Sa mga pinapanood kong Korean Dramas," humarap ako sa kanya at ngumiti nang malapad.

"Babo," bahagya s'yang natawa sa sinabi ko. "Pero wala tayong locks para ilagay dito. Hindi mo kasi ako sinabihan kanina na balak mong pumunta rito eh."

Mas lalo pang lumapad ang ngiti ko sa kanya at agad pinakita ang dalawang padlocks na binili ko—baby blue at baby pink. "Charan~"

 "Charan~"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon