36TH ROSE || So, Class Pres is a Waitress

22.5K 635 105
                                    

36TH ROSE || So, Class Pres is a Waitress

- THE ROSE WHO LOVES TO STORYTELL -

"Hello, Ma'am. Welcome to Maid's Garden Restaurant," bati ni Michelle at ng kasamahan n'yang bading na si Julie sa bagong dating na customer. Naka-black and white maid na uniform silang dalawa. Hindi naman kasi halatang lalaki si Julie dahil medyo payatot ito at magaling din itong magmake-up ng pambabae kaya mukha talaga s'yang babae.

"Please, follow me ma'am," iginiya naman agad ni Julie ang bagong dating na customer sa bakanteng upuan at agad na pinakita dito ang menu ng restaurant.

"Waitress!" napalingon naman si Michelle at agad na nilapitan ang customer'ng tumawag sa kanya.

"Yes, sir?" tanong ni Michelle at nilabas naman n'ya ang notepad para ilista ang oorderin ng customer.

"Gusto ko ng isang egg omelette, isang kape at isang rice," sabi ng customer.

Agad namang nilista ni Michelle ang order ng nasabing customer. "One egg omelette, one coffee and one rice po ang order n'yo sir, tama?" tumango naman ito. "Give me 5 minutes to prepare this sir."

Pagkatapos n'yang makipag-usap sa nasabing customer ay agad naman s'yang nagtungo sa counter at binigay kay Joy ang listahan. Agad namang binigay ni Joy ang nasabing listahan sa loob ng kusina. "Weekend ngayon pero eto ka't nagtatrabaho. 'Di ba dapat magpahinga ka? Kakatapos lang ng hectic schedule mo sa eskwelahan n'yo pero eto't nagtatrabaho ka na naman."

Ngumiti naman si Michelle sa kanya sabay salin ng kape mula sa coffee maker. "Eh s'yempre, gusto ko lang namang pagtrabauhan 'yung allowances na binibigay sa akin ni Mama Rona. Nakakahiya naman kung bigay lang s'ya ng bigay ng pera sa akin para sa ipon ko tapos hindi ko man lang s'ya natulungan dito sa restaurant. Kaya dapat, hangga't kaya ko pang gawin, tutulong ako rito. Tsaka, wala naman akong ibang gagawin maliban sa mag-aral tuwing weekends eh."

Bumungisngis naman si Joy at agad na tinapik ang ulo ni Michelle. "Ikaw na, ikaw na talaga ang mabait na pamangkin ni Mama Rona."

"Pick up!" sabi nung isa sa tatlong chef nila sa kusina.

Agad namang nilagay ni Joy sa tray ang isang serve ng kanin at egg omelette at agad na binigay ito kay Michelle. Hinatid naman ni Michelle ang nasabing order at binati ang bagong dating na customer.


"Mareng!" agad namang dumako ang tingin ni Rona sa pinto at bumungad sa kanya ang napakayamang loyal customer n'yang si Madame Agatha.

"Mareng!!! Humayghad ikaw pala 'yan!!!" tuwang-tuwang bati ni Mama Rona at agad na nilapitan si Madame Agatha at nakipag-beso beso rito. "Kamusta? Tagal mo nang 'di nagawi rito ah?"

Madame Agatha let go an exhausted sigh. "I just got home from Greece dahil umattend ako ng kasal ng Greek friend ko and I went to my son in-law's business convention in Russia kaya medyo pagod ako ngayon kaya I need an extreme beauty treatment, hand and foot massage that's why I came here."

"Same as ever mareng, nosebleed pa rin si atashi sa iyong English churvalu," natawa naman si Madame Agatha sa komento ni Rona. Agad naman n'yang iginiya sa bakanteng upuan ng salon ang kanyang loyal customer. "O maupo ka na rito mareng at mag-relax dahil ako na ang bahalang mag-magic sa beauty mo."

"That's why I love to come back here in your salon because your service is with tender, loving care," bumungisngis naman sila pareho sa tinuran ni Madame Agatha.

"O s'ya, unahin muna natin ang buhok mo para mawala itong mga white highlights mo sa ulo. Mga bekis, ang kamay, kuko at paa ni Madame. Gora!" agad namang sumunod ang staff ni Rona sa inutos nito.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon