79TH ROSE || A Confession On Pictures

20.7K 731 450
                                    

79TH ROSE || A Confession On Pictures


[A/N: Hirap akong maglagay ng dedication as of this moment dahil nagloloko si Wattpad dahil nadedelete ang chapter kapag iniedit ko 'to o naglalagay ako ng dedication. Medyo late na rin akong mag-update next week dahil under maintenance pa raw si Wattpad (kaya pala hirap akong mag-update last time at hirap makita 'yung Chapter 77). So, yeah I'll be updating next Saturday kapag medyo okay na itong site ni Wattpad. I hope you guys can wait for me. You'll wait for me, right? Possible magti-triple or double update ako next week. We'll see. I love you guys~ enjoy reading.

I also do have Sweek account guys! Parang wattpad rin ang site na iyon at convenient rin s'ya basahin. Nagpost na ako ng isang story doon at possible na ipopost ko rin ang 18RLOTE doon so you can follow me there to with my username @MaxielindaSumagang

By the way, advance Happy Pasalamat Festival sa mga kababayan ko sa Pagadian City! Pit Senyor!]


- MICHELLE SUMASTRE -

"Ano?! Magpinsan kayong dalawa ni Tric?!" halos umalingawngaw na ang boses ko sa loob ng refectory/dining hall ng Empire Academy Senior High matapos akong kausapin nina Hye Ra at Seul Gi. Matapos kasi ng insidente kahapon at nung pumunta si Tric kagabi sa bahay namin para humingi ng sorry ay masyadong nakonsensya ang magpinsan sa kanilang ginawa sa aming dalawa ni Tric kaya eto sila at kinakausap ako para humihingi ng sorry. In short, planado nila ang lahat ng nangyari sa pagitan naming dalawa ni Tric. Tama ang narinig n'yo, magpinsan sina Tric at Hye Ra. Magkapatid ang papa ni Tric at mama ni Hye Ra kaya first degree cousins sila. Andito sila para linawin ang lahat ng mga nangyari at humingi ng apology pero sa halip na humingi ng sorry ay tawa ang narinig ko mula sa kanilang dalawa.

"I told you Seul Gi, she will be dead surprise when we tell her about our connection with Tae Hyun-oppa," natatawang sabi ni Hye Ra.

"Yeah jinjja!" tumawa rin si Seul Gi. Planado rin pala 'yung pagkakabangga n'ya sa akin sa SSG Office sa hindi ko malamang dahilan.

"Teka nga sandali naguguluhan ako," agad naman akong napatingin kay Hye Ra. "Kung magpinsan kayo, bakit mo ginawa sa akin 'yung kahapon?"

Bahagya naman s'yang natawa. "You know eonni, we knew that Tae Hyun-oppa is so choosy when it comes to girls and we barely see him with girls well... except sa amin nina Seul Gi at Seon Mi-eonni. Kahit nga ang makipagdate sa mga babaeng anak ng business partners ng parents namin ay hindi n'ya ginagawa. He's not a womanhater pero sadyang ilag lang s'ya sa babae. Gano'n na talaga si Tae Hyun-oppa not until one day, nung bumalik s'ya ng Korea para bisitahin ang business nila at kami naring magpipinsan ay bigla ka n'yang naikwento sa amin. For the first time in our lives, narinig namin s'yang magkwento tungkol sa isang babae na hindi namin ka-relative at hindi namin kilala which comes to be you, Michelle-eonnie."

'Wag na kayong magulat kung marunong marunong magtagalog si Hye Ra. Sila ni Seul Gi eh marunong talaga silang magtagalog dahil tinuruan sila ni Madame Agatha. Kahit purong Koreana silang dalawa ay kailangan nilang matutong magtagalog para kung sakaling bumisita daw sila sa Pilipinas ay hindi na sila mahihirapan.

Tumango naman si Seul Gi bilang pagsang-ayon. "Majjayo, eonni. Naging curious kaming makilala ka dahil sa mga kwento ni Tae Hyun-oppa tungkol sa'yo kaso ayaw naman n'yang ipakilala kami sa'yo kaya kami na mismo ang gumawa ng paraan para makilala ka."

Sumikdo naman ang puso ko sa sinabi nilang dalawa. Seryoso? Si Tric kinikwento ako sa dalawang 'to? "A-Ako? Kinikwento ni Tric? B-Bakit naman n'ya ako kinikwento sa inyo?"

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon