73RD ROSE || Those Boys To The Rescue!

21.9K 740 430
                                    


73RD ROSE || Those Boys To The Rescue!

- THE ROSE WHO LOVES TO STORYTELL -

Hectic na ang schedule ng mga estudyante ngayon sa Empire Academy, lalo na sa Grade 12. Nagsisimula na kasi ang review nila para sa GAT/PAT Exam na gaganapin ilang buwan mula ngayon. GAT/PAT Exam, gaya ng sa Thailand ay ginagawa na rin sa ilang pribadong institusyon sa Pilipinas para makapag-college mapa-local man o international. Medyo advance ang Empire Academy sa pag-conduct ng nasabing review dahil narin sa ang goal nila ay manatili sa Top 5 schools na may pinakamaraming nakapasang estudyante sa GAT/PAT, kasunod ng ilang schools sa buong Asya. Kaya simula sa araw na ito ay may dalawang oras sila ng review, mula alas-singko hanggang alas-syete ng gabi, at alam narin ito ng parents at guardians ng mga estudyante dahil pinadalhan na rin nila ng authorization letter ang lahat.

Binubuo ang GAT/PAT ng ilang sets ng tests. Ang GAT o ang General Aptitude Test ay binubuo ng dalawang Sections. Ang unang seksyon ay Reading writing, critical thinking skill and problem solving skill. Ang ikalawang seksyon naman ay Ability in Englsih communication. Ang PAT o ang Professional Aptitude Test ay binubuo ng dalawang parte, ang Basic knowledge kung saan naroon ang academic subjects at ang aptitude assessed.

Hindi naman palalampasin ni Michelle ang ganitong oportunidad gayong kapag mataas ang score n'ya sa GAT/PAT, maaaring makakuha s'ya ng scholarship offers sa ilang organisasyon at maaaring makalibre na s'ya sa matrikula sa pag-aaral n'ya sa college pagkatapos n'yang maka-graduate. Tama, 'yun nga ang misyon n'ya kaya nagpupursige s'yang makapag-review at makakuha ng mataas na score sa GAT/PAT. Maaari ring makapag-aral s'ya sa ibang bansa, lalo na sa mga unibersidad sa Thailand kung saan doon talaga ginaganap ang GAT/PAT Exam, malaking oportunidad rin iyon para sa kanya.

[A/N: Actually, sa Thailand lang talaga ginagawa ang GAT/PAT (I guess? Ayon kasi ito kay Mr. Google at sa kaibigan kong Thai Kpop fan na nag-aaral sa Thailand (P'Vrin Vrin! Sawadee ka~)) but then, I got interested on the procedures of GAT/PAT in passing admissions on Universities (parang entrance exam s'ya) kaya ginamit ko na rin s'ya rito. Kunyare may ganito sa Pilipinas. Hindi ko kasi alam kung nagte-take parin ba ang Grade 12 ng NAT exams since I'm a product of K to 10 curriculum, second to the last batch who graduated in that curriculum.]

Alas quatro y media nung lumabas si Michelle mula sa kanilang classroom para pumunta sa library dahil plano n'yang humiram ng sample test reviewer sa GAT/PAT nung makasalubong n'ya si Ryuuji na hindi maiwaksi ang ngiti habang may hawak itong isang puting papel.

"Kaichou!" masayang bati nito sa kanya habang tumatakbo na ito palapit sa kanya.

Agad naman s'yang tumingin rito at ningitian. "O, Ryuuji ikaw pala!"

"Kaichou. T-Tignan m-mo o-o!" ani Ryuuji at pinakita nito sa kanya ang essay nito. "I got 96 points! Mrs. Duran said that my essay is great that's why she wanna put 100 points on it but it sounds unfair if she'll do it since I just rewrote my essay so she put 96 points. A-Ang ga-galing ko 'di-di ba?"

Lumamlam ang tingin ni Michelle kay Ryuuji habang nakatingin ito sa kanya na may malapad na ngiti sa mga labi. Alam na alam ni Michelle na nagsisikap si Ryuuji na matutunang magsalita ng Tagalog kahit nahihirapan pa ito dahil nauutal pa itong magsalita. Nung isang araw pa ito nagsimulang matuto kaya okay lang na mautal-utal pa itong magsalita sa simula. Pasasaan pa't matututo rin ito at magiging hasa na itong magsalita ng Tagalog. "Talaga, Ryuuji? Wow! Ang galing! Masaya ako para sa'yo!"

"S-Salamat," nakangiting tugon ni Ryuuji at parang nahihiya pa ito. "T-Teka, sa-saan ka umm pu-pupunta? The review is about to start, right?"

"Ah, oo. Pupunta ako ng library kasi manghihiram ako ng mock test reviewer ng GAT/PAT," sagot ni Michelle.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon