59TH ROSE || New Found Friends

17.9K 536 82
                                    

59TH ROSE || New Found Friends

- MICHELLE SUMASTRE -


59TH ROSE || New Found Friends

- MICHELLE SUMASTRE -

I don't like your little games
Don't like your tilted stage
The role you made me play
Of the fool, no, I don't like you
I don't like your perfect crime
How you laugh when you lie
You said the gun was mine
Isn't cool, no, I don't like you (oh!)

But I got smarter, I got harder in the nick of time
Honey, I rose up from the dead, I do it all the time
I've got a list of names and yours is in red, underlined
I check it once, then I check it twice, oh!

Ooh, look what you made me do
Look what you made me do
Look what you just made me do
Look what you just made me
Ooh, look what you made me do
Look what you made me do
Look what you just made me do
Look what you just made me do


Napatingin ako sa bukas na pintuan ng dance room nung marinig ko ang tugtuging lakip ang boses ni Taylor Swift. Dala na rin ng kyurosidad ay dahan-dahan akong sumilip sa pintuan at isang babaeng naka-facemask na may markang 'SHUT UP' ang nakita kong nagsasayaw sa loob. Mukhang 'yung babaeng nakita ko nung isang araw ang nandito ulit para magpraktis ulit ng sayaw. Pero sa pagkakataong ito'y nakasuot na s'ya ng uniporme.

Mukhang hindi n'ya napansin ang presensya ko kaya nanatili lang akong nanonood sa kanya habang nakasandal sa hamba ng pintuan. Nasa pangalawang bridge na s' ya nung kanta nung madulas na naman s'ya dahil sa maling footwork n'ya.

"Shit!" agad ko naman s'yang nilapitan nung mapansin kong sapo n'ya ang kanyang kamay. Marahil ay nasaktan s'ya nung itinukod n'ya ang palad n'ya para hindi s'ya tuluyang matumba.

"Uy, okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya nung inalalayan ko s'yang tumayo.

Tumango naman s'ya at inayos ang kanyang buhok na nagulo. "Yes, I'm perfectly fine."

Nanlaki naman ang mga mata ko nung tinangggal n'ya ang kanyang facemask. Bahagya ko naman s'yang tinuro. "I-Iris Lee... I-Iris—"

"Shh!" agad naman n'yang tinakpan ang bibig ko para matigilan ako sa pagsasalita. "Shush it! Lower your voice!"

Tinanggal ko naman ang kamay n'ya at napalunok bago magsalita. "Sorry, sorry. Umm... i-Iikaw ba talaga 'yan, Iris Lee? A-Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Yes, I am so lower down your voice so I can't make any commotions here," bumuntong-hininga naman s'ya. "I'm... I'm studying here. I just transferred here last month."

Ah, so mid-term na pala s'yang pumasok dito. Hala? Pwede pala 'yun? Sabagay, pwede naman siguro as long as bigatin ka anytime pwede kang tanggapin ng Empire Academy. "Ah, gano'n ba? Akala ko kasi taga-Special Program in Arts department ka at nakigamit ka lang ng dance room kasi nung last time na nakita kita rito hindi ka kasi naka-uniform."

"Ah, yes. I was just rehearsing that time. Wait. How did you recognized me in this hair? Seriously, you're the first one who recognized me in this get up," aniya. 'Yung buhok n'ya kasi ay parang dark coffee kasi maitim na may pagka-brown iyon at medyo kulot. May manipis na bangs rin s'ya at seryoso, ang cute n'ya sa ganoong style ng buhok. Pero sandali... ako lang daw ang namukhaan s'ya? Ibig sabihin, 'yan ang disguise n'ya? Hannah Montana ang peg ni Iris Lee?

"Disguise mo pala 'yan? Akala ko kasi bagong style ng buhok mo iyan," sabi ko.

She smiled as she shook her head. "Nope. 'Pag andito ako sa school, ganito ang buhok ko. 'Pag nasa labas naman, iba na rin ang buhok ko."

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon