"Ilagay mo naman yung harina at baking soda"utos niya kaya naman ginawa ko,buti nalang at meron kaming panggawa ng cookies.Idinutdot niya ang daliri niya sa batter at pinahid sa pisngi ko.

"Woyyy ano ka ba"natatawang sabi ko at dumutdot din ako at pinahidan siya sa ilong,kaya nauwi kami sa paglalaro pero natapos rin namin yung cookies at sabay kinain yun.

"Dito ka muna ah ligo lang ako"nakangiting sabi ko bago pumanhik sa kwarto at naligo.Nagsuot ako ng sun dress na floral,nag flatshoes akong kulay itim,nag shades din ako at ipinusod ang buhok ko lumapit ako sa salamin para tignan ang sarili ko

"Mahal mo na talaga yung payatot na yun"napatalon ako ng makita ko ang reflexion ni Kaizer sa salamin,madilim ang muka niya at parang nababalot siya ng maitim na aura.Nabilis akong lumingon sakaniya at mabilis ring napasandal sa salamin dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

"A-anong g-ginagawa mo dito"pilit kong pinatatag ang boses ko dahil ayokong mahalata niyang natatakot ako,ang itsura niya ay ang mismong itsura niya noong kami pa at may lumalapit na lalaki sakin.

"Alexis sinasagad mo ba ang pasensya ko?"

"I-inaano ba kita kaizer"

"Lexi i never sh---"

"I am not yours anymore"

"Pero di parin ako titigil Lexi,mahal na mahal kita ayokong may iba kang kasama"

"At sino ka para pag bawalan at pagsabihan ako sa mga bagay na gusto kong gawin,tapos na tayo kaya pwede tigilan mo na kami"

"Hinding hindi ako papayag,magkamatayan man hinding hindi.Pag nabuo ang bata sa sinapupunan mo!Hinding hindi ka makakawala sakin,wala ng makakaagaw sayo dahil akin ka na habang buhay"sabi niya,kaya naman naguluhan ako sa sinabi niya.Mabubuntis?Eh wala namang nangyayari samin,biglang pumasok sa isip ko yung lalaking nakaitim na napasok sa condo ko noon

"Ikaw yun"natatakot na tanong ko,hindi naman siya sumagot at tinalikuran ako.Pumunta siya sa bintana at doon lumabas

"Mahal"napabalikwas ako ng gising at napahawak pa sa tyan ko

'Hindi,hindi maaari!!Naalala ko yung gabing yun,pano kung may nabuo??Hindi pwede'

"Ayos ka lang?Pinagpapawisan ka eh"nag-aalalang tanong ni Xavier habang nakatingin sakin,napatingin ako sa paligid nasa kotse pala kami.Inalis ko yung panaginip ko sa isip ko at pilit ngiti ang ipinakita kay Xavier

"O-oo okay lang ako"sabi ko,bumuntong hininga naman siya at hinalikan ako sa labi bago bumaba sa kotse,umikot siya para pagbuksan ako ng pinto.

"I hope my kiss can make you feel that i'm always here for you no matter what"pilit ngiting sabi niya,ngumiti ako at lumabas ng kotse.

Xavier's Pov

"Saan mo gustong kumain?"tanong ko sakaniya,tumingin naman siya sakin at nag-isip.

"Doon sa korean resto please"pag-aanyaya niya sakin kaya naman sabay kaming pumunta doon

"Annyeonghaseyo"bati nung babaeng nakadamit pang korean,nag bow siya sa amin.

"Annyeong table for two please"sabi ko,tumango naman siya at sumenyas na sundan siya.Umupo kami sa medyo may labas na part ng restaurant kaya naman nakikita namin yung mga bulaklak sa labas.Sakto namang lumapit yung waiter.

"Annyeonghaseyo what is your order?"magalang na tanong nung waiter

"Ako Bulgogi at Gimbap sa dessert naman ay Omlet Bbang at Bingsu ayun lang"nakangiting sabi ni Lexi kaya naman ngumiti rin ako

Kaizer Montenegro's Obsession (COMPLETE)Where stories live. Discover now