Now I wonder kung ilang trainee na agad ang namatay dito sa loob. Naglaho ang katawan ng babae at may lumabas na isang itim na flag doon. Dahan-dahan akong lumapit dito at binasa ang nakasulat.

Vivien Falcon
Class 2R

Huminga ako ng malalim at mabilis na kumilos. This flag indicates how unfortunate she was. Ayokong maglaho at matubuan ng flag na ganito habang naka-sulat ang pangalan ko at kung saang class ako nabibilang.

Tahimik akong tumakbo papunta sa likod ng isang malaking statue ng lion. Mula sa pinagtataguan ko ay nakita ko ang dalawang mutant na nagaaway at pinipilit ang sarili na lumaban. We don't have any weapon kaya tanging pisikal na lakas lamang at diskarte ang kailangan namin para mag-survive.

After a minute ay narinig ko ang malakas na tunog mula sa leeg ng isang lalaki. His opponent is breathing continously at mabilis na iniwan ang namatay na lalaki. Nawala ang katawan nito and replaced by another black flag.

I've never been into any circus at wala akong alam sa lugar na ito. Nababasa ko ito dati sa libro ngunit hindi ko alam na ganito pala ang actual na hitsura nito.

After an hour of hiding in different spots ay nabigla ako dahil sa isang malakas na tunog ng alarm. I can already sense a great danger kaya inihanda ko na ang sarili ko. Maya-maya pa ay may malakas na sigaw ang pumukaw sa kaba ko at lumabas sa kung saan ang isang babae habang hinahabol ng isang mutated elephant.

The animal was enormous at nayayanig pa ang lupa sa bawat takbo nito. It has two large horns at malalaking tinik sa bawat parte ng katawan nito. Lumabas na rin ang iilang mutants dahil ginigiba ng malaking halimaw ang nadadanan nito.

The elephant was using its trunk and tusks to destroy every possible blockage. Naaninag ko ang kanyang trunk na kasing tigas ata ng metal dahil sobrang lakas nito. Pati na rin ang kanyang tusks na parang isang matigas na buto at kulay puti pa ito.

Patuloy na nagwawala ang halimaw at walang nagawa ang ibang mutant kundi ang tumakbo. I was watching every mutant na tumatakbo tuwing naabutan ng halimaw. Pinagmasdan ko ang strategy na ginagawa nila upang makawala sa mata ng hayop. Some mutants uses their powers and some of them are just running.

Everyone is observing. Minamasdan ang galaw ng bawat isa.

Unti-unting humupa ang galit ng halimaw at humina narin ang paggalaw ng lupa. Naka-hinga ako ng malalim dahil unti-unti ng nawala ang halimaw sa vision ko. Bumalik ulit sa pagiging tahimik ang paligid ngunit ang ibang parte ng circus ay sira na. Some of the stalls are wrecked at ang natira nalamang ay ang malalaking show house.

Umikot ako sa pinagtataguan ko. Kailangan kong makahanap ng pwedeng mapagtataguan at gawing safezone para sa gabi. I don't want to move during night dahil hindi ako sanay.

May nakita akong isang show house at nakalagay sa karatula ang isang clown. Looks like ito 'yung show house kung saan nagtatanghal ang mga clowns at nagpapatawa. Umakyat ako sa hagdan na nasa likurang bahagi. Pagdating ko sa itaas ay nakita ko ang kabuuan ng circus.

Sobrang lawak ng lupain at medyo malayo pa ang ferris wheel. Sobrang laki nito at katabi nito ang isang ride na deadly tower. Pinagmasdan ko ang paligid at yumuko. Ayokong makita ng ibang mutant at baka mapatay agad ako. Dahan-dahan akong dumungaw at nakita kung paano magtago ang ibang mutant. Some of them are in the roof also at ang iba ay palipat-lipat ng pwesto.

Mula rito ay natanaw ko ang isang mutant na sobrang bilis tumakbo. Super speed ang ability niya at halos hindi ko makita ang kabuoan niya dahil sa bilis ng kanyang takbo. He stopped beside the large water tank kaya agad akong naka-isip ng plano.

I gestured my hand at inisip agad na sirain ang tower kung saan naka-patong ang water tank. Hindi ako nabigo dahil agad na bumagsak ang tanke papunta sa lalaking nagtatago. Ngunit, bago pa siya mabagsakan ay mabilis siyang tumakbo papalayo.

I cursed after realizing what happened. Bigo ako sa plano ko kaya mabilis akong bumaba mula sa pinagtataguan ko.

Pagdating ko sa baba ay isang malakas na suntok ang bumungad sa akin mula sa likuran. Bumagsak agad ang katawan ko at halos mamilipit dahil sa sakit.

"Hey, hey little girl. You're too careless to hide," ani ng isang lalaki at humalakhak na parang nangiinsulto.

I tried to stand up pero agad niya akong tinadyakan sa tiyan kaya mas-lalo akong hindi naka-tayo. I tried to stand again ngunit isang malakas na suntok ang inabot ko sa kanya at mabilis na lumabas ang dugo sa bibig ko. His punches are too painful at halos hindi na ako maka-galaw. Hindi ko na natanaw ang hitsura niya at agad kong sinubukang gumapang papalayo.

He chuckled again at sumabay sa pag-gapang ko.

"Do you wanna play, huh? Gusto mong maglaro? Come here."

He grabbed me with both of his hands at sinakal ako. Hindi ako maka-hinga dahil sa higpit ng kanyang pagkaka-sakal. Nakita ko ang hitsura niya and somehow familiar ang kanyang mukha.

"Papatayin na kita huh? Babye!" Mapaglarong sigaw niya at tumawa pa lalo.

Kahit na hindi maka-hinga ay agad akong ngumiti sa harap niya. Kumunot ang kanyang noo dahil sa inasta ko.

"Don't smile you freak!" He said.

Wrong move!

He was about to grip me to death ngunit agad kong hinawakan ang dalawang kamay niya. I managed to feel his bones at agad kong inisip na durugin ang mga ito.

Hindi na siya tuluyang naka-sigaw at bumagsak nalamang siya na durog na ang kanyang mga buto.

Binawi ko muna ang hininga ko bago ko tinalikuran ang patay na niyang katawan. Mabilis akong tumakbo sa pinakamalapit na show house at magtatago sana ng may biglang humigit sa kamay ko papunta sa isang sulok.

Naramdaman ko ang kanyang kamay sa bibig ko at tumindog ang balahibo ko matapos marinig ang boses niya.

"Don't shout, si Sebastian 'to."

Lumingon ako sa lalaking humigit sa akin at naaninag ang mukha niya. Mabilis na lumabas ang mga butil ng luha sa mata ko at agad akong yumakap sa kanya.

"Ssshh, don't cry.. my Love. Nandito na ako, you're safe now." Aniya at hinigpitan ang yakap sa 'kin.

Caged Bird ✔ (TRILOGY)Where stories live. Discover now