137TH ROSE || Written in the Stars

10.1K 344 68
                                    

Sorry for slow update again XIELOs / ROSE ELITEs. I am fixing something this past few days so I wasn't able to update.

But since it's EXO's comeback (finally after almost two years) and they're freaking OT9 so I updated this chapter in celebration! For all EXO-Ls out there, let's support EXO, aratji? ♪ Don't mess up my tempo deureobwa igeon chungbunhi~ ♪  ♥♥♥ (Lmao, I am a multifandomer but I just fell in love with EXO so yeah. Hahaha)

Btw, Chapter 137 is up. Enjoy reading. ♥♥♥





137TH ROSE || Written in the Stars

137TH ROSE || Written in the Stars

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- THE ROSE WHO LOVES TO STORYTELL -


"Ikaw ang maid of honor, Michelle."

'Yun agad ang sumagi sa isip ni Michelle nung pinatawag s'ya ng sekretarya ni Dae para puntahan s'ya sa kwarto nito. Gusto n'ya na hindi muna magpakita kay Dae at sa hall nalang ng five-star hotel kung saan ginaganap ang kasal nalang s'ya magpapakita pero masyado namang rude iyon lalo pa't s'ya ang Maid of Honor ng dating kaibigan.

Nanatili ang kanyang tingin sa pintuan ng kwartong inuukupahan ni Dae. Huminga muna nang malalim si Michelle bago kumatok.

"Come in," rinig n'ya mula sa loob ang malumanay na boses ni Dae. Muli s'yang humigit ng hangin bago tuluyang pumasok sa nasabing kwarto.

"Hi," nag-angat ng tingin si Dae sa kanya habang nakaupo ito sa puting sofa hawak ang bouquet ng puting rosas. Seeing her wearing that grand long white gown, Michelle can tell that Dae is such a beautiful bride. "A-Ang ganda mo..."

Tipid lang na ngumiti si Dae sa kanya. Pero kahit tipid iyon, alam ni Michelle na hindi iyon pilit. "Thank you..."

"B-Bakit mo pala ako pinatawag? Kailangan mo ba ng assistance?" agad n'yang tanong dito.

Ilang segundong nanatiling tahimik si Dae bago magsalita. "Michelle."

"A-Ano 'yun?"

"Don't attend my wedding. I want you to go to Cagbalete Island," diretsang sagot nito sa kanya.

Napakunot agad ng noo si Michelle. Bigla s'yang naguluhan sa sinabi ni Dae. Kung ayaw naman pala nitong dumalo s'ya sa kasal, bakit pa ito nag-abalang imbitahan s'ya at gawing Maid of Honor? Hindi n'ya talaga alam ang tumatakbo sa isip ng dalaga. Pero isa lang ang masasabi n'ya...

"Ganyan mo ba ka disgustong makita ako? Kung ayaw mo palang dumalo sa kasal mo, bakit mo ako ginawang—"

"No, that's not it," marahang umiling si Dae. "Ayokong madamay sa gulong magaganap dito mamaya kaya papupuntahin kita sa Cagbalete Island. I'll make my guards escort you there."

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon