Chapter 53: Sleepless Night.

63 2 0
                                    

Vexx's POV.

“Nagmamakaawa a-ako sainyo.. h-huwag, p-pleas--- AHHH!”

“M-mama..”

“H-huwag.. may mga a-anak pa ak---”

“VEXX!”

“Wag!”

Napabalikwas ako at napabangon mula sa pagkakahiga.

“M-mathei?”

“Okay ka lang ba? Kanina ka pa sumisigaw ng wag.

Napahilamos ako.

Panaginip lang pala.

“Ayos lang ako, sige na bumalik ka na sa kwarto mo.” tinitigan niya muna ako.

“Sigurado ka ba?” tinanguan ko lang siya, napabuntong hininga naman siya.

“Alam ko ang mga nangyayari sa'yo Vexx.. pasensiya na. Ako ang nag dala sa'yo ng mga kamalasan.”

“Tumigil ka nga, wala kang kasalanan. 'Wag mong sisihin ang sarili mo atsaka pwede ba? Nakakabakla ka ha. Ang drama mo, sige na bumalik ka na.” sinamaan niya lang ako ng tingin at umalis na.

Naalala ko ang panaginip ko.

'Yon ang mga huling salitang binitawan ng mga magulang ko bago sila namatay, ilang beses silang nagmakaawa pero hindi sila pinakinggan.

Mukhang sa ganoong paraan kami nakatakdang mamatay, ang magmakaawa sa sarili naming buhay.

Muli kong naalala ang nangyari no'ng isang araw, dalawang araw na ang nakakalipas simula no'ng nagkita kami ni Prim sa mall at may nangyaring masama sa parking area.

Aaminin kong kinabahan ako. Kinabahan sa sarili at lalo na kay Prim dahil baka may mangyaring masama sakanya at makadamay siya.

Totoo ang sinabi ni Liv.

Hindi sila magkasama at magkakilala ng Vantablack pero pareho sila ng gusto, ang patayin ako at burahin sa mundo.

Isang itim na rosas at isang sulat ang itinapon no'ng taong 'yon sa sasakyan ko, hindi ko alam kung babae ba siya o lalaki dahil natatakpan ang mukha niya.

It was nice to meet you and have a dance with you last night, Vexx Kozlov.

Pero maniwala ka sakanya, hindi kami magkakilala at wala siyang kinalaman sa nangyari kagabi.

Do you love and enjoy my game?

If yes, then prepare for more exciting and bloody game.

Remember, I can see you. I go wherever you go.

—Aphro.

'Yon ang laman ng sulat. At hanggang ngayon ay nanghihina't nanginginig pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang nangyari no'ng Masquerade Ball lalong lalo na sa Parking Area.

Hindi ko alam kung bakit at paano humantong sa ganito ang buhay ko.

Lumayo na ako sa kapatid ko para hindi ako mapahamak pero bakit parang ako ata ang palaging napapahamak?

Dapat na ba akong bumalik?

Pero kapag bumalik ako sakanya, para ko na ring tinanggap ang mundong iniwan ng ama namin at ang mundo na meron ang kapatid ko ngayon.

Sa panahon ngayon, hindi mo na alam kung saan ang lugar na walang panganib, kahit sa simbahan na tahanan ng Diyos ay may magnanakaw na.

Mahirap. Sobrang hirap kumilos dahil baka mamaya ay may mangyaring masama sa'yo.

Hindi ko na alam kung sino ang mga dapat pagkatiwalaan dahil kung sino pa ang mga pinaka pinagkakatiwalaan mo ay siya pa ang tatraydor sa'yo.

That's the sad truth and reality.

Wala ka nang ibang mapagkakatiwalaan kundi ang sarili mo na lamang.

×××

Aphro's POV.

“Mukhang napapatagal ang ginagawa niyo, Aphro.”

“Humahanap pa ho kami ng magandang tyempo.”

“Magandang tyempo? Kailan pa kayo kikilos, Aphro? Kung kailan may isa nanamang mawala sainyo?!”

Napayuko na lamang ako dahil hindi ko kayang tumingin sa nakakatakot niyang mga mata.

“Hindi kayo ganyan kumilos noon, Aphro. Wala kayong paligoy ligoy at pinapatay niyo agad ang target, pero bakit iba na ata ngayon?!”

“Isang buwan, Aphro. Binibigyan ko na lamang kayo ng isang buwan, tapusin niyo na ang dapat tapusin kung hindi ay ako ang tatapos sainyo. You know me. Now, leave.”

Yumuko ako sakanya bago umalis at lumabas na pagkatapos, nadatnan ko silang nakatayo sa labas ng opisina.

Sinamaan ko sila ng tingin at nilampasan, agad kong tinungo ang aking opisina tsaka pumasok doon.

Nang makaupo ako sa swivel chair ko ay narinig kong may kumatok, pinapasok ko ito at pumasok naman si Infra na may dala dalang first aid kit. Inilapag niya iyon sa ibabaw ng mesa ko.

“Anong gagawin ko diyan?”

“Gamutin mo sugat mo.”

“Tss. 'Yon lang ba ang ipinunta mo dito? Maaari ka nang umalis.” sabi ko at tinalikuran siya.

Narinig kong napabuntong hininga siya tsaka ko narinig ang mga yabag niyang palayo at ang pag bukas at sara ng pinto.

Pinaglaruan ko ang isang itim na rosas sa kamay ko.

Kailangan ko nang madaliin ang lahat dahil kilala ko si lolo, gagawin niya ang anumang sabihin niya.

Inilapag ko ang itim na rosas sa aking mesa at lumabas ng opisina, nandito kami ngayon sa mansion.

Dumeritso ako sa sala at hindi nga ako nagkamali, nando'n sila. Nagsitayuan sila at nagsiyukuan nang makita ako.

“What's your plan?” walang emosyon kong tanong kay Infra at naupo ako sa pang isahang upuan, nanatili naman silang nakatayo.

“I don't have any since you told me na ikaw na ang bahala.” napakunot ang noo ko.

"You don't have any back up plan?!" Galit na tanong ko.

“I h-have a plan, C-capo.”

×××

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

With All My HeartWhere stories live. Discover now